26.

677 37 46
                                    

#FreshEyesTB

~

April 28, 2017

Jollo

Kasalukuyan akong nagbibihis sa dorm dahil pupunta kami ni Andrei sa graduation ni El at Arianne.

"Sumagot na ba?" Tanong ni Andrei.

Umiling lang ako, "Hindi talaga e."

Sa mga nagdaang araw, matapos niyang umalis sa dorm ng gabing yun, araw-araw ko siyang pinupuntahan sa kanila.

Araw-araw niya din akong hindi nilalabas.

"Ano nang plano mo?" Tanong ulit ni Drei.

"Hindi ko nga alam. Mahal ko siya pero mukang ang gago ng tadhana sa aming dalawa. Kapag pinipilit kong ayusin, may mangyayari na naman." Natapos ko nang i-butones yung suot kong polo at nagsimula nang magsapatos.

"Hirap nga niyan bro. Mamayang gabi after graduation magdi-dinner yung mga yon kasama pamilya nila, tapos after nun mag-iinom daw silang tropa." Pagsasabi ni Andrei sa akin.

"Talaga? Sasama ka?"

"Oo, andun girlfriend ko. Baka di pa makauwi ng maayos yun. Sama ka na din!" Pag-aaya niya.

Natapos na akong mag-sapatos at saka tumayo ulit, "Hindi naman niya ako ininvite."

"Eh ano naman? Kaibigan ka din naman namin ni Arianne, saka malay mo, maayos mo ngayong gabi." Pahayag ni Andrei at saka ako nginitian.

"Ewan ko, bro. Kinakabahan ako. Parang habang pinipilit kong ilapit sarili ko sa kanya, saka siya napapalayo."

"Tapos.." Si Andrei naman ang nagsapatos.

"Tapos ayun, mahal ko nga. Nakakapagod lang din. Aaminin kong medyo nakakatampo, kasi totoo naman ang sinasabi ko, pero ayaw niya maniwala." Napayuko ako.

Tumabi naman si Andrei sa akin at tinapik ang balikat ko, "Wala tayong magagawa kung nasira mo tiwala niya. Ang magagawa mo na lang ay bumawi sa kanya hanggang mabuo ulit siya."

"Nakakapagod din." Sagot ko sa kanya.

"Kingina nito. Isang oras ngang takbo paikot ng gym kaya mo! Yan pa kaya? Ganto na lang bro..."

"Ano?" Tanong ko naman.

"Isang huling try ngayong gabi, pagkatapos nun, pag walang nangyari, bitaw na."

"Sige, bro. Tutulungan mo naman ako diba?" Paninigurado ko.

Tumango lang si Andrei at saka kami umalis papuntang Cavite.

~

Pagdating namin dun, pa-simula na ang graduation nila. Hinanap kagad namin ang pamilya ng mga girlfriend.... in my case, parang-girlfriend-na-ayaw-niya-na-sakin-pero-di-ako-payag.. namin.

"Tito, tita, hello po." Nag-mano ako sa kanilang dalawa.

"Oh, Jollo, glad you can make it!" Nakangiting bati naman sakin ng mom ni El.

Fresh EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon