Tinadhana? Not really. Walang ganun, kasi we can make our own destiny!
Nasa bahay lang ako ngayon nang may narinig akong kumakanta at naggigitara sa labas. Pagtingin ko, si Jerome! At may mga tao sa paligid. Yung parents ko nga pala nasa Singapore, pero alam nilang close ako kay Jerome.
"Uso pa ba ang harana?" Tinuloy-tuloy lang niya ang pagkanta hanggang sa matapos siya. Shit, kilig!
"Janella, I love you. Kahit ang sungit mo nung una pa lang, nagustuhan kita noon kasi iba ang nararamdaman ko sayo. Iba talaga eh. Hanggang sa minahal na nga kita. Ngayon, tatanungin kita. Mahal mo rin ba ako? Pwede ba kitang maging girlfriend?"
Nagsisigawan ang mga tao na 'yes'. Nag-isip muna ako kunwari. Pero natawa ako, "Oo naman. Kahit nung una pa lang, pakielamero ka na, I love you. Mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo."
"So, tayo na?" Masayang tanong niya.
"Bakit, ayaw mo?"
"GUSTO! GUSTONG GUSTO!" Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako. Nagsitilian naman ang mga tao. <3
"Haha I love you."
"Love you too. I'm so lucky to have you. Siguro nasaktan ako dati para makilala kita. Kasi ikaw ang itinadhana para sakin." Sabi ko.
"Meant to be ang tawag dun. Haha. Ang saya ko talaga ngayon, this is our destiny."
Ang tagal naming nag-usap ni Jerome hanggang sa gumabi na kaya umuwi na siya. Kaaalis niya lang, may kumatok agad.
Hahaha. Bakit kaya bumalik yun? Binuksan ko yung pinto. "Ano nanaman Jerome, namis--" Naputol ang sinasabi ko.
Hindi siya si Jerome.
Hindi pwede, hindi pwede, hindi pwede.
FLASHBACK
"Ano ba?! Tigilan mo nga ako Jon! Hindi ka ba nakakaintindi ha?!"
Nakakainis siya. Hindi ko nga siya kayang patawarin. Ayoko na sa kanya. Break na kami. Ano bang hindi niya maintindihan dun?!
"Janella! Janella, I love you! Bigyan mo naman ako ng second chance. Nagkamali ako, patawarin mo na ako. Hindi ko na uulitin!"
Bumibilis ang lakad ko pero sumusunod pa rin siya. Hinawakan niya yung braso ko kaya hinarap ko na siya bago pa niya ako piliting humarap sa kanya.
*PAAAAAK*
Sinampal ko siya. Tama lang sa kanya yan. "Ano ba akala mo Jon? Ganun na lang yun kadali? Nabuntis mo siya! Paano na siya? Paano na yung bata?! Ganyan ka ba kaselfish?! Mag-isip ka nga. Sa ginagawa mo, mas naiisip ko na tama tong ginagawa ko ngayon! Tapos na tayo!"
Bago pa tumulo ang luha ko, tinalikuran ko na siya at tumakbo ako papalayo habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko.
FLASHBACK ENDED
Isasara ko na sana yung pinto pero pinigil niya.
"Janella, please mag-usap tayo."
"Wala na tayong dapat pag-usapan Jon."
"Mahal kita!"
"Jon, wala na. At hindi ka ba nakakaintindi?"
"Hindi ako ang ama, Janella. Hindi ako."
BINABASA MO ANG
Making Destiny
FanfictionDestiny? Naniniwala ka ba talaga diyan? Na tuwing naniniwala ka, lagi na lang 'mali pala'? ~Admin J of JerNellaBuddies (Twitter)