Eternal Love
(Ein no Ai)Isang araw sa St. Peter Academy may bagong transferee student na nagngangalang Zyndri Garcia.
Sa section 4-C siya napapunta. Mabait at palakaibigan na estudyante si Zyndri pero wala siyang gaano na kaibigan sa dating school na pinasukan niya dahil sa hindi makatagal ang iba sa pagiging pranka niya.
“Good morning class.” Bati ni Mrs. Alba ang class adviser nila
“Good morning ma’am.” tugon naman ng mga estudyante sa guro na nasa harapan nila.
“May ipapakilala ako sa inyo. Bago niyo siyang classmate. Galing siya sa dati sa Marina National Highschool lumipat siya dito sa St. Peter dahil sa ilang personal reasons.”
“Ma’am! Babae po ba bago naming kaklase?” tanong ng isang lalaking estudyante ni Mrs. Alba.
“Oo, babae siya. Tawagin ko lang ha nasa labas kasi siya.” Lumabas nga ng room si Mrs. Alba para sunduin na si Zyndri papuntang classroom.
*Sa may classroom…
“Class nandito na siya, hija magpakilala kana sa kanila.”
“Hello, Ako nga pala si Zyndri Garcia.” nakangiting sabi ni Zyndri sa lahat.
“Okay, Ms. Garcia you can take your seat. Doon ka umupo sa tabi ni Ms. Annonuevo.” Pumunta si Zyndri sa upuan na ini assign sa kaniya ng kanilang guro at umupo.
“Hi! I’m Camille. Just call me Cams.”
Nakangiting sabi sa kaniya ng kanyang katabi at inimuwestra ang kanang kamay para makipag handshake. Ini abot naman ito ni Zyndri.“Hello Cams.”
“Ilang taon kana Zyndri?”
“17, bakit?”
“E? 17? Mas matanda ka pala sa akin.”
“Bakit? Ilang taon kana ba?”
“16 hehe.” napakamot ng ulo si Zyndri
“Sus! Parang isang taon lang naman pala tanda ko sayo.” habang nag uusap si Camille at Zyndri may lumapit sa kanila na mga kaklase rin nilang babae.
“Hi Zyndri! I’m Nicole. Itong mga kasama ko pinsan ko.”
“Sup! I’m Nikki.” Medyo mas mahaba ang buhok ni Nikki Kaysa kay Mikki.
“And I’m Mikki.”
“Wow. Nakakatuwa naman may kambal akong kaklase.” Masayang sabi ni Zyndri wala pa kasi siyang nakikilala na kambal sa buong buhay niya kaya ganun nalang siya kasaya ng malaman na may kakkase siyang kambal.
“Sya sya tama na yan. Magsisismula na ang klase.” Sabi sa kanila ni Mrs. Alba.
-----------------------------------------
*Break time
Nasa canteen si Zyndri ngayon kasama si Nicole pati na ang kambal. Masya silang nag kukwentuhan at nagkikilanlanan.
“Bakit ka nga pala lumipat?” tanong ni Nikki
“Hoy, halatang hindi ka nakikinig kanina.” sabi naman ni Mikki.
“Bakit?”
“Sinabi ni ma’am kanina a, dahil sa ilang personal reasons kaya lumipat si Zyndri.” pag uulit ni Mikki sa kaniyang kambal.
“Ay, oo nga narinig ko yun! Nalimutan ko lang. Sorry na.”
“Oy, Baka mag away pa kayo jan ha.” pag aalala ni Nicole sa kambal.
Maya- maya dumating sa canteen ang heartthrob ng school nila.