''Ahhhhhhhhh! Tulong.''
Umakyat ako sa ikalawang palapag at nagkita kami ni Yuutah.
''Drake?''
''Yuutah? Nasaan na yung iba?''
''Naka takas na sila, siguro naka balik na sa campo yung mga yun.''
''Yuutah bakit hindi ka pa bumababa?''
''Kasi nakikipag laro ako sa babaeng naka puti kanina.''
''Nakaputi? Eh nasaan na siya?''
''Nasa likod mo binabalatan ang sarili.''
''Yuutah. Bumaba na tayo, ng tahimik at dahan dahan.''
Nakababa na kami ni Yuutah at hindi namin mahanap si Jiren. Kanina ko pa nararanasan na may makintab na laman sa loob ng bag ni Yuutah.
''Yuutah anong laman sa loob ng bag mo?''
''Mamaya ko sasabihin sayo, kailangan pa natin hanapin si Jiren. Tara tignan natin sa labas.''
Lumabas kami at nakita namin puro tao nakapaligid sa bahay na ito. Bawat isa ay may hawak na torch.
''Sunugin itong bahay na ito!'' Sigaw ng isang lalake.
Sinunog na ang bahay at nakita ko ang magulang ni Jiren nakayakap sa isa't isa. Nakita ko si Jiren na naka higa sa lapag umiiyak, kinuha namin siya at inilagay sa kahon. Ibinitbit namin ang kahon at hindi na kami lumingon sa nasusunog na bahay. Nakapunta kami sa pinaka malapit na ospital dito sa Barangay Liwanag, ang Liwanag Hospital. Habang walang nakatingin, inilagay namin ang kahon sa tapat ng counter. Umalis na kami ni Yuutah baka sa kaling may makakita pa saamin. Dumating ang nurse at nakita ang kahon, idineretso ito sa ''Nursery room''.
Bumalik na kami sa campo at nalaman ko ako ang nakaligtas kay Jiren.
''Drake, ito ang laman ng bag ko''.
''Shooting star! paano mo nakuha yan?''
''Ibinigay sakin ito ng nanay ni Jiren, humuhugis puso ito. At nagsisimbolo ng pag-ibig para sa kanyang pamilya. Natagpuan ko ito sa 2nd floor habang nagtataguan kami ni Elia, naka tago sa isang sulok at inilagay ko na sa bag ko''.
''Sino si Elia?''
''Nanay ni Jiren. Sabi ni Jiren kailangan ko daw ilagay ito sa tabi ng mga maliliwanag na bituin sa langit.''
Inihagis namin ito pataas, kumintab ito, at dumeretso na ito patungo sa langit.
''Ibig sabihin ba nito hindi na natin makikita si Jiren?''
''Hindi Drake kahit wala siya dito sa mundong ito, nandiyan lang siya palagi sa tabi mo.''
''Maraming salamat Yuutah, tara na bumalik na tayo sa campo.''
.........................
Mag-uumaga na rin, nakabalik na kami sa campo at pauwi na sila.
''Drake, Yuutah dalian ninyo!'' sigaw ni kyla.
Nag-impake na kami at dumeretso sa bus.
Nagtanong ako kay kuya Edmon kung bakit hindi tumuloy ang activity namin. Sabi niya sa ibang lugar nalang ang activity namin, at sa susunod nalang ito magagawa.
Nung pauwi na kami nag kuwentuhan nalang kaming magkakaibigan tungkol sa nangyari. At winakas ito sa kasiyahan.
............
Nakauwi na rin ako.
''Ma?''
''Drake, na miss kita.''
''Ko nga rin ma eh, miss na miss kita. Saan si pa?''
'Ay, nasa trabaho niya, pasalamat ka sa Diyos nakahanap siyang angkop na trabaho para sakanya. ''
''Gutom na ako ma.''
''Tara na kain na tayo.''
........
Dumeretso na ako sa higaan ko, nagdasal para sa kabutihan ng mga ng nagmamahal saakin.
Kaya kapag matutulog naako, tuwing gabi nakikita ko ang makintab na bituin sa madilim na langit, kaya nandiyan ang pamilya ni Jiren na sinusuportahan ako at tinatabihan ako palagi.............
-----------
-----------
Thank youuuuuuu :)))
Hoped you liked it.
BINABASA MO ANG
Field Trip: Ghost Hunting
HorrorPaano kung yinaya ka ng kaibigan mo mag Ghost Hunting, ano ang gagawin mo? (Short story)