"Nak! Gising na! Hoy!" Sigaw ng mama ko.
"Mom! 5 mins pa po please" sabay taklob ng kumot sa katawan ko.
Kath! Anak! Late ka na! Diba 7:00 am ang pasok mo? Eh 6:30 na "
Naku! Si mother, inaantok pa ako eh
"Sige na Mom, maliligo na po ako" sabay hijab
Ikaw talagang bata ka, sige ligo ka na" at lumabas na ng kwarto Si Mom
______________"""""""""""""""
*Habang kumakain*
(Nguya,nguya,nguya)
Okay? Sobrang tahimik naman ng umagang Ito. Hindi ako sanay, madalas kasi palagi kaming nagkwekwentuhan pag magkakasama kami. Nakakalungkot.
Habang ngumunguya ako biglang nagsalita si Dad
"Baby girl"
"Yes dad?" Tumingala ako at tinignan ang papa ko.
Uminom muna ang papa ko ng kape bago magsalita.
"May dapat kaming sabihin sayo" seryosong sabi nito at tumingin Kay Mom at tinanguan Ito.
"Oo anak at sana wag kang magalit samin ng papa mo"
"Ano po ba iyon? Mom? Dad?" Kinakabahan nako kasi sobrang seryoso nila ngayon. Feeling ko may kasalanan ako. Haaaaaayyyy!
"Alam namin ng mama mo na masyado kang malayo sa tao at palagi kang tago dahil ayaw mong may nakakausap ka. Sabihin mo anak, may problema ba?" Nag-aalalang tanong sakin ni Dad.
"Ayoko lang kasi sa kanila" galit na sagot ko.
"Pero Hindi ka magkakaroon ng mga kaibigan pag lagi kang ganyan" Si Mom naman ang nagsalita.
"Wag mong sabihin, sa halos tatlong taon ay Hindi ka parin nagmomove on dahil lang sa nangyari Kay Stacey?" Sabi ulit ni Mom.
Bigla akong nagalit sa sinabi ni Mom at naalala ko nanaman ang pangyayaring ayoko ng matandaan pa.
"Mom, please po. Ayoko na po matandaan ang nangyari noon" matamlay na sagot ko.
"Sorry anak, gusto lang namin ng mama mo na makatulong" malungkot na sabi ni Dad.
"Sige po, alis na po ako" tumayo nako at kinuha na ang bag ko sabay halik sa mga pisngi ng magulang ko.
*Sa school*
As usual, palagi akong mag-isa, walang kinakausap, walang pinapansin at laging nakatungo. Nandito ako ngayon sa canteen, kumakain ng biscuit habang nagbabasa. Nang biglang may humugot ng binabasa ko.
"Hello loser!" Sabi ni Chloe na nakangisi at nakita ko naman na tumawa ang kanyang dalawang kaibigan na Si Vanessa at Sophie. Oo, sila ang kinikilalang mga cool princess dito sa school namin.
Mayaman sila at magaganda yun nga lang, mas inuuna pa nila ang pagboboyfriend at pakikipaglandian kaysa mag-aral. Okay continue....
"Oh? Bakit ka mag-isa diyan Kathline? Wala ka bang kaibigan dito?" Sabay tawa niya ng malakas pati mga kaibigan niya ay nakita rin.
Tumayo lang ako at kinuha na ang mga gamit ko para makaalis sa mga babaeng to.
*Gasp* natigil ako sa kinatatayuan ko nang may nangbuhos sakin ng malamig na tubig. Napatingin ako sa paligid ko at lahat sila ay tumawa dahil sa nangyari sakin.
"Oooooooppppsssss! Sorry, Hindi ko sinasadya" sabi ni Sophie na ibinato sakin ang water bottle. Doon na ako umiyak at tumakbo palayo.
-------------------*********""""""""********-------------
"Haaaaaayyyy" nagpalit na ako ngayon ng damit at pumunta na sa susunod Kong klase. Nandito ako ngayon sa upuan ko at hinihintay ang prof. Namin.
(5 mins later)
Pumasok na ng room ang prof namin."Okay class, please sit down" at agad naman umupo ang mga kaklase ko.
"You have new classmate, please introduce yourself Mr. Wilson" agad namang pumunta Yung lalaki sa harapan.
Nanlaki ang mata ko dahil pamilyar ang mukha niya.
"Hi, I'm Jacob Wilson. 19 yrs old" walang emosyong sabi nito.
"Okay, Mr. Wilson. Doon ka nalang umupo sa tabi ni Ms. Johnson. Ms. Johnson, pakitaas ang kamay mo" wala narin akong nagawa at nagtaas ako ng kamay. Biglang napatingin sakin si Mr. YABANG at halata sa mata nito ang pagkabigla. Siguro Hindi niya ko napansin.
Sumama naman bigla ang tingin nito sakin at alam ko na naalala niya ako. Nagulat ako nang nagsalita siya.
"Ikaw na naman?!" Napayuko nalang ako at........
Hindi ko alam na kaya niya palang magtagalog.
_______________________........................
:) Sana po walang negative comments
:* ;)...
BINABASA MO ANG
Mr. Yabang
Storie d'amoreMahirap maging tago o palaging nag-iisa na halos ayaw mo nang kumausap sa ibang tao. Pero pano kung may pumilit sayong tao na makisalamuha sa iba? At ang taong Ito ay ang pinakainiinisan mo? Magagawa mo kayang sundin ang mga payo nito sayo o ma...