SIMULA

6 0 0
                                    

8 months ago..

"Aubrey" He texted me.

Kakagising ko lang pero biglang nagising ang diwa ko ng ma received ko ang text message niya. Medyo kinabahan ako because he often call me Aubrey. Mukhang seryoso itong sasabihin niya sa 'kin.

At kung ano man iyon ay talagang kinakabahan ako.

Agad akong naghilamos at mabilisang nagbihis. Nang maka sakay na 'ko sa kotse ko saka ako nag reply sakanya.

"Yes, Baby?"

It took him 5 minutes before he replied.

"Meet me at the Cafe, I have something to tell you."

I didn't hesitate to reply bagkus ay binilisan ko nalang ang pagpapatakbo ng kotse ko patungo ng Cafe na tinutukoy niya.

Pagbaba ko palang ng kotse ay nakita ko na siya. Naka upo ito sa loob habang hawak hawak ang cellphone nito.

Kaagad akong lumapit sakanya. I'm about to kiss his cheek when he said "Let's break up"

Parang napantig naman ang tenga ko sa narinig ko.

I laughed. "You're joking, right?"

He didn't respond.

"Sol, sabihin mo nagbibiro ka lang."

"Seryoso ako Fah. mabuti pa kung mas maaga pa tapusin na natin 'to. Para di na rin tayo magkasakitan pa."

I cursed.

"Magkasakitan? ano ba sa tingin mo 'tong ginagawa mo? Di mo ba ako sinasaktan nito?!"

"I'm sorry"

"After our 5 years relationship and your proposal, tatapusin mo nalang basta basta lahat ng 'to!? Anong akala mo dito laro lang na pwedeng mong i-hinto anong oras mo man gustuhin? Bullshit Sol! Bakit ka nagkaka-ganyan!?"

"I'm really sorry Fah, I think it's best for us to be in a separate path. Me in my own and you in your own."

"I'm not believin' you! Tell me the real reason why you're breakin' up with me!"

"That's it Fah, I want space. Don't you understand!?"

"No, I don't! cause it's not the reason! So please, tell me..."

Mabuti nalang ay wala pang masyadong tao sa Cafe, kung hindi ay magiging center of attraction kami.

"Okay, I'm getting married"

Bullshit. Tuloy tuloy ng nagbagsakan ang mga luha ko.

"Sino siya?"

Umiling siya.

"You don't know her" He answered.

"Sino siya!?" Diniinan ko ang pagtanong.

"You don't know her Fah, and please don' t waste your time knowing her."

"Tinatanong kita kung sino siya!!"

Pagka sigaw ko ay sinubukan nitong lumapit sa akin. Umatras naman ako at tinaboy ang kamay niya.

"Please, Fah. don't make a scene here."

"No, I'm not. Just tell me who is she and I'll be fine."

Bumuntong hininga siya.

"Si Zairyn."

Oh, that bitch. Great, Just great.

My Favorite Sin. (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon