Chapter 1

1 0 0
                                    

*KRIS POV*

"tin punta ka doon sa kabila dumating na sina Anti Tilda galing L.A!!!" sabi ni nanay habang hinihila ako para pumunta sa katabing bahay "dalian mo nandoon na yung mga kapatid ikaw nalang mag isa ang nandito pa VIP pang nalalaman. Dalian mo andaming pasalubong doon baka maubusan ka!!!"

"teka lang nay mahina ang kalaban" masyadong atat si nanay para pumunta doon. Si lola Tilda tsaka si lolo Nardo dun kasi naka tira sa l.a ngayon lang ulit sila umuwi ilang taon pa ako nung huli ko silang nakita. kaya nandito palang ako sa labas dinig na dinig kona yung mga tawanan nila.

pag pasok na pasok ko bumungad agad saakin yung mga batang nag papakitang gilas kina lolo at lola kaya pala sila tawa ng tawa eh"oh nandito napala yung anak na panganay ni dodong eh" sabi ni lola saka ako lumapit at nag bless pati sa mga tito't tita at iba pa naming lola't lola

"ay kaigandang bata naman nito ang tangkad pa pwede nang pang beauty queen"ngumiti nalang ako sakanila. Bat ba lagi nilang sinasabi na pwede na akong isali sa beauty contest?? ok lang kung puro rampa rampa lang eh. pag question and answer na talo nako hindi naman ako matalino eh.

"bakit po sila nasayaw at nag kakakanta???" tanong kina lola. nag dadalawang isip pa ako kung tatanungin ko hindi hindi naman ako close sakanila.

"sabi ko kasi na mag pakitang gilas na yung may mga talent kasi kung sino yung mananalo may ibibigay akong malaking rigalo" nakangiting sagot ni lola habang naka tingin parin sa mga batang nag papakitang gilas sa harapan ni lola. Pero ano daw yun? may premyo yung mananalo ano kaya yun??

gusto ko ring magpa kitang gilas sa harap nila kasi puro yung tito tita nalang namin yung napupuri niya kasi may talent talaga sila matatalino pa. Eh kami ng kapatid ko parehas kaming mahiyain kaya hindi kami napapansin.

sakto namang lumabas si zaira sa kusina habang may nginunguyang pagkain si zaira kapatid ko. si zaira talaga walang ginawa kundi kumain ilang buwan akong gumising ng maaga para lang makapag exercise kami para rin mamayat siya tapos ngayon kain nanaman ng kain!!!

lumapit ako sakanya tsaka hinablot yung plato niya at kinain yung natitirang pagkain sa plato niya "ano bayan ate bat ka nangunguha ng pagkain?!?!? kumuha ka ng sayo!!!" sigaw niya saakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin tsaka nilunok yung pagkain na nginunguya ko

"buti lang sayo yan kain ka nanaman ng kain eh. masisira nanaman yang diet mo!!! ayoko ng gumusing ulit ng maaga!!!" sigaw ko pabalik kay zaira pag tapos naming mag talo tinignanko siya ng seryoso

"huy!! ate bat ganyan ka makatingin saakin parang kakainin mo na ako ng buhay eh"hindi ako kumibo tinitigan ko lang siya. nilapit ko yung muka ko sa kanya napaurong naman siya kaya tumigil ako at tinignan siya ng masama. Inilapit kopa lalo yung muka sakanya at ihininto ko yung muka ko sa harap ng tenga niya at tsaka bumulong sa kanaya

"tara pakitang gilas tayo kay lola. Ayokong puro sila tita nalang yung napupuri niya, gusto kong malaman kung ano yung sinasabi ni lolang malaking premyo" bulong ko sa kanya, tinitigan niya muna ako ng matagal saka ngumita ng malapad sabay sabing "sige"

"anong gusto mong gawin??" tanong niya saakin, dahil mahilig naman ako sa kpop hindi na magiging mahirap kung ano yung gagawin namin

"tara kanta at sayaw tayo ng BOOMBAYAH ng BLACKPINK tara??"

"sige" pag sangayon naman niya saakin.

taas noo kaming nag lakad sa harap nina lola kasama ang mga kamag anak namin pati sila tatay at nanay nag nag kukuwentuhan doon. Natigilan naman sila sa pag uusap ng bigla kaming sumulpot ni zaira sa harap nila.

"sorry po kung naabala po namin ang pag uusap niyo, gusto po sana namin ni zaira na mag performe sa harap niya gusto po naming mapanalunan yung malaking premyo" sabi ko

naagaw naman namin yung atensiyon nilang lahat, medyo nakakailang kaya ayokong mag perform eh kaso gusto ko kasing malaman yung premyo ni lola. ewan may nag sasabi saaking kailangan kong mapanalunan yung premyong yon

"sige anong gagawin niyo??" tanong ni lola saamin, hindi naman sila naimik

"kakanta at sasayaw po kami ni ate, kpop po yung gagawin namin"sabi ni zaira sa tabi ko

tumaas naman yung kilay ni lola na parang nagukat sa sinabi ni zaira "so mahilig pala kayo sa kpop" parang namamanghang sagot ni lola "sige mag simula na kayo" inayos kona yung tugtog na sasayawin namin

nung nag simula na yung tugtog talagang ginalingan namin ni zaira yung sayaw nami pati yung kanta, wala naman akong problema sa boses niya maganda na boses niya at isapa nahasa naman na yung katawan niya kakasayaw. saaming dalawa ako ang magalin sa rap and dance samantalang si zaira naman sa singing

nang matapos na yung tugtog nagpalakpakan sila saamin, hingal na hingal akong ngumita sa kanila st sabay kaming nag bow ni zaira sa kanila

"very good" sabi ni lola habang pumapalak pak "may talent naman pala kayo bakit ngayon niyo lang pinakita saamin yan?" tanong ni tatay

"eh nahihiya po kami eh," nahihiyang sabi namin ni zaira

"pero ang galing niyo ahh!!" namamanghang sabi ng pinsan namin,nginitian nalang namin siya

"ok tapos na ang ating contest bukas ko sasabihin kung sino ang nanala"at nag paalam na dahil uuwina daw sila doon sa hotel dahil mag gagabi na

naging masaya ako, si zira dahil naipakita din namin sa maraming tao ang talent namin

Nagsiuwian na kami para mag pahinga. Bukas na namin malalaman kung sino yung napili ni lola.

***To be Continued***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hold Me Tight (BTS FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon