CRUSH

23 3 0
                                    

Cielo's Pov

Hi Crush, kamusta ka na?

Tanda mo pa ba yung unang encounter natin? MALAMANG HINDI.Sino ba naman ako para alalahanin mo pa? I am Ms. NEVERMIND. Pero ikukwento ko na lang sayo.

GANITO YUN...

YUn kasi sa school na pinapasukan ko malapit lang naman dito sa bahay 15 minuto ng paglakad o pwede namang mag-jeep. Pagka gagabihin na ako nagjejeep na ako, kahit na nanghihinayang ako sa otso pesos na gagastusin ko. PERO bakit pa ko manghihinayang kung dahil sa jeep na yan kaya kita nasilayan.(Lalim). Nung umupo ako ikaw agad napansin ko, syempre di mo ko mapapansin busy ka katext o kachat ang kung sino man. Nagbayad na ako at sinabing "bayad po, paki-abot naman po" at inabot mo kala ko talaga mangangawit na lang ako eh. Pero salamat sayo.

At maraming beses pa kitang nakasabay. SIMPLE ka lang pero MALAKAS ang dating. Kaya nga ako naakit sayo e.(ang Term).

Parang pamilyar nga mukha mo eh. *FRIEND* yata kita sa Fb? Eh di ko naman alam pangalan mo. Alangan naman ilagay ko sa * search bar* na "yung lalakeng crush ko na nakasakay ko". Baka lumabas haha xD

Tapos nagbakasyon na...

Ikalawang taon ko na sa kolehiyo.

Bihira na kita makasabay medyo nagtitipid kasi e. Naging busy din utak ko sa ibang bagay at nakalimutan kita sandali. Muling nagbakasyon dahil sembreak. MEDYO nalate pa ako nang mag bukas ang ikalawang Semestre..

At nang maupo ako, parang may bago? Ah.. iba na nga pala sitting arrangement kailangan ko na lumipat. Naisip ko na dun kaya sa malapit sa transferee? Kaya lang, dito na nga lang sa unahan.

Bat ba di ko maalis yung mata ko sa bagong lipat na yun? Para kasing pamilyar e. Parang nakita ko na dati.

Parang.....

Parang.....

Oh my...

Ikaw nga.. kaya pala. YUNG puso ko umaawit ng lovesong :)

Tinanong ko si Jane kung ano pangalan mo ... Sabi niya 'JoshLee David". Wow*^O^* cute name.

Naisip kong hanapin sa Fb ang name mo and......

Whhhhhhaaaaaattt???

JoshLee Angeles David •

Message | Poke

Friend na pala kita ? at online ka.

Nagchat ako ng....

'HI classmate :)

Buti di ka snob at nagreply ka at nagpasalamat sa pagpansin sayo.

Sabi mo ang bait ko :)

Nakatulog ako ng nakangiti ..

Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makuha no. Mo :) ang sweet mo nakakainlove. Pero dapat di mag assume. ALAM ko naman na crush mo si Leila . SIMPLE AT MAGANDA. SA tingin ko alam na ng halos lahat na crush kita ikaw lang tong manhid.

Nagpapapansin na ko wala pa din. Naalala ko din nung may party sa school, pormado ako. Nagbigay na nga ako ng clue na gusto kita makasayaw kaso wala iba kasi gusto mo makasayaw. Kaya naman WALLFLOWER ang peg ko nung party. Pumunta lang ako para kumain. Makitawa kunwari. Sumulyap sayo sa dilim habang kasama ang babaeng lihim mong iniibig.

Umuwi akong bigo. Naisip ko nga na isulat sa wattpad at ipabasa sa lahat ang pagkabigo ko e. Pero di ko na nagawa.

Kinamusta pa din kita. Tinext at kung ano ano pa. Nauso pa ung number game at sinali kita sabi ko anong number tapos status ko message ko sayo.. tapos nagmessage ka din pero text lang ayaw mo sa fb baka kasi mapagalitan ka. Kinilig ako non.

At sa marami pang pagkakataon.

Ikatlong taon na. MARAMING NAGBAGO. MARAMING LUMALA.

Mas naging Dependent ka sa akin. OO.MASAYA naman akong tumulong kaya lang malala na e parang sobra na. Nagtetext ka pag may kailangan ka. Bihira mo maisip mangamusta. Minsan nga nasabi ng tropa na 'nagtetext pag may kailangan nagcchat pa'. I know it's between us. Pano nila nalaman? Di ko din alam. Kaya nga ***seen ***na lang lagi ginagawa ko sa mga chat mo e. Kunwari walang connection... Hindi din kita gaano pinapansin. Civil na lang. AYAW KO NA KASI MAGING TANGA E.

Sa ngayon, okay na to.

Yung humanga sayo ng patago. IWASAN na maging dependent ka sakin. Laging may *Sarcasm* sa mga sasabihin ko.

Ingat . Alam kong masaya ka sa kung ano meron ka ngayon.

Salamat kay Author sa paglathala ng kwentong pinagbibidahan ko. At kahit di mo naman mababasa to. Ang mahalaga isinulat ito ni Author ayon sa kagustuhan ko..

- ----Cielo Hernandez

OUR STORIES (One-Shot Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon