"Una"
Mabilis ang takbo ng orasan, Mabilis din lumipas ang panahon, kaya kung minsan mapapansin mo na lang madaming nagbabago lalo na sa henerasyon ngayon. Uso na ang internet at cellphone, simpleng click, text at call madami ka ng friends. Callmate, textmate, chatmate, friend sa Facebook at Friendster o follower sa Twitter at Tumblr. Sa simpleng click lang ang dami ng nangyayari, nawawala na ang tinatawag na OLD FASHION, halimabawa nito ay ang snail mail o ng PENPAL at PHONEPAL... Sa simpleng chat, call, text o tweet madami na ang nangyayari, madami ng nagkakaroon ng chemistry at pag ibig in a short period of time. Hindi gaya ng old fashion panliligaw, kailangan pang mamamanhikan, harana, at maghahabulan (ang ibig ko lang naman sabihin, yung matagal magligawan). Hindi ko alam kung bakit ko sinasabing mas maganda ang old fashion kahit nasa cyber age na ako siguro, dahil ngayon, bihirang bihira na ang ganyang klase. Pero ang hindi pa rin kumukupas o mawawala sa mundong ito ay ang tinatawag na “PAG IBIG”.
Mahirap ipaliwanag pero madali mong mararamdaman, yan ang pag-ibig. Naranasan mo na bang umibig ng hindi inaasahan? O sa ingles, “UNEXPECTED LOVE”? Siguro naman, madami na ang nakakaranas nito? Yung tipong, hindi mo inaasahan na si ganito, ganyan o ganire ang mamahalin mo dahil minsan, hindi natin inaasahan na maiinlove tayo sa kaibigan, kaklase, kapit bahay, kakilala sa isang lugar, at sa stranger. Sabi nga nila, EXPECT THE UNEXPECTED. Hindi mo alam na yan palang kamurahan mo sa eskwela, eh magiging kamahalan mo, o di kaya, yang taong hindi mo pinapansin at kinakausap, eh yung taong magiging bukang bibig mo. "We always fall in love with the most unexpected person" lagi naman ganito eh, di ba? pero BAKIT? siguro, kasi... si God ang nagsusulat ng love story natin, at lagi siyang may surprise para sa atin na pwede natin ikasaya o ikalungkot. UNEXPECTED nga eh! or in other words, "Loving the Most Unexpected Person in Your Life" (wow! English! NOSE BLEED!!)
Btw, Ako nga pla si Maria Alicia Corazon Santos in short “MACS”, mula sa isang simpleng pamilya na nakatira sa bansang mayaman sa korapsyon, ang PILIPINAS. Simple pero may masayang buhay, may SWAG at korni akong nanay at DUWAG pero mabait na tatay. Ang masaklap lang, wala akong kapatid, haay gusto ko sana ng baby bro, kaya lang ayaw nila eh! Tama na daw ako! hahaha Kaya... bata pa lang ako, mahilig na ko makipag laro kung kani kanino, lalo na sa mga lalaki. Hindi ko alam pero, komportable akong kasama sila, lalo na at wala akong kapatid. Akala nga nila tomboy ako, pero naglalaro naman ako ng manika at nagsusuot ng bistida. Meron akong matalik at pangit na kaibigan, si Carlo. Siya ang palagi kong kasama, siya nga ang best friend ko at kuya ko na rin, mula umaga hanggang gabi, mula pagkagaling sa school hanggang makauwi sa bahay, mula lunes hanggang linggo, daig pa ata namin ang convenience store dahil magkasama kami 24/7 (ay! ang O.A ata nun), masaya naman ako at naging kaibigan ko siya dahil, pinagtatanggol nya ko pag may nang aaway sa akin, pinapatawa ako pag umiiyak ako, at binabatukan nya ako pag may ginawa akong katangahan. Ang bait nya noh! Pero syempre, gumaganti ako haha ^__^\/ Pag sabado’t linggo, maghapon lang kaming nasa labas ng bahay, naglalaro, kaya lang puro away at bati, eh kasi naman, magkaiba kami pagdating sa gusto at mga di gustong bagay. Pag gusto nya, ayaw ko, pag naman gusto ko, ayaw nya. Haay! Nagtataka na nga rin ako minsan kung bakit mag best friend pa din kami kahit ang dami naming pagkakaiba, masipag ako, tamad siya, mabait sya, masungit ako, palatawa sya, palasibangot naman ako at maganda ako, pangit siya. JOKE! pero buti na lang at hindi rin kami nagsasawa sa isa’t isa dahil nagkakasundo kami sa kalokohan. Masaya ang child hood days ko ng kasama siya, naalala ko pa nga noon...
*FLASH BACK* Isang gabi, nasa bubong kami ng bahay namin... wala lang nagmumuni muni at sarap kasi tumambay doon eh...
Carlo: alam mo ba Macs?...
Macs: hindi ko alam!
Carlo: haay! -___- ulit... alam mo ba Macs?..
Macs: na maganda ako? oo alam ko na yun, SINCE BIRTH!
Carlo: wag ka nga magJoke, kadiri ka! isa pa! last na.. Alam mo ba macs..
Macs: hindi ko nga alam! ang kulit mo wah!
Carlo: pwede ba! patapusin mo muna ako!
Macs: Sorry naman! :P osige tuloy mo na!
Carlo: gusto ko, sabay tayong ggraduate ng high school at college ah?
Macs: aba! natural! sabay naman talaga tayo ggraduate eh! teka nga! ang aga naman nyang h.s at college, ehh grade 5 pa lang tayo!
Carlo: ito naman! ang arte mo! kutusan kita dyan eh -___-
Macs: gawa? gawa? >:)
Carlo: *kinutusan si macs*
Macs: ARAY KO NAMAN! ang sama mo! tulak kita eh!
Carlo: owwwss di ngaa? PANGET!
Macs: tse! mas pangit ka! bakla!
Carlo: Tomboy! :P
Macs: istap it! aym prity, aym a gerl...
Carlo: hahahahaha gay!
Macs: tse!
--end--
Nakakatuwang talagang isipin dahil kahit palagi kaming nag aaway, matagal pa din ang samahan namin bilang magkaibigan.
Pero isang araw...
Macs,
Wag ka mag alala ginagandahan ko sulat ko, para mabasa mo. Aalis na ko! Pag kauwi ko sa bahay kagabi, naka impake na ang gamit ko, sabi ni nanay aalis daw kami. Hindi ko alam kung saan kami punta, ayaw nya sabihin eh, pero sabi niya sa akin sandali lang kami, bakasyon lang. Sayang! Gusto pa naman kita isama pero sabi niya, hindi ka daw pinayagan. Sorry di ko na nasabi sayo kagabi. Magkikita pa naman tayo e! basta papasalubungan kita! Basta Ingat ka pre! Pangit ka pa naman!
-Carlo
Sa totoo lang... Grabe! Ang pangit ng pagkakasulat nya, kasing pangit nya! buti na lang at naintindihan ko naman ng konti. Pero nakakalungkot lang talaga dahil umalis ang bestfriend ko, pero sandali lang naman daw.. Isang linggo na ang nakakaraan pero wala pa din siya.. Hanggang sa umabot ng ilang buwan at taon pero hindi pa rin siya nakakabalik. Astig naman ng bakasyon nila ang tagal, saan kaya nagpunta yon? Araw araw kong tinatanong si nanay kung saan sila pumunta at kelan sila babalik…
Macs: Nay, Saan ba pupunta sila Carlo?
Nay: Hindi ko nga alam, basta sabi ni Mareng Presy, aalis sila!
Macs: Kailan daw sila babalik?
Nay: Hindi ko nga alam, naririndi na tenga ko kakatanong mo tungkol sa pag uwi ni carlo. Uuwi din yun! Maniwala ka! I KNOW!
Ay? Ang taraaay! Nag ingles pa ansaabe? So ayun,Gaya nga ng sabi ng nanay ko uuwi din si carlo, pero kalian? hinintay ko pa din si Carlo, hinihintay ko siya araw araw, at aasang babalik siya, wala kasi akong kasama sa kalokohan, at medyo nakakalungkot dahil wala pa rin yung taong nagbibigay ng mga korni na jokes at wala na din akong nkakatawanan pag nalulungkot ako...
at hanggang ngayon napapaisip pa din ako kung bakit hindi pa siya umuuwi, dahil ang sabi niya sabay kaming ggraduate ng High School at College... Pero bakit ganon? hanggang nagyon wala pa din siya. Bakit kaya?...
