"Ikalawa"
Isang umaga ng lunes, oras na para bumangon at pumasok sa school.. kaya naghanda na ako para pumasok, habang nag aayos ako ng buhok sa harap ng salamin...
"Ang laki mo na Macs! hindi ka na batang tomboy na magulo ang buhok at madumi ang damit.. pero bakit parang may kulang.. *ngumiti* ayan mas bagay sayo.. 4th year high school ka na, malapit ka ng matapos ng high school.."
at biglang pumasok sa isip ko si Carlo, nakakalungkot, 4th year high school na ko, at wala pa din akong balita kay Carlo. Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko pa din siya hanggang ngayon kahit, 6 years na siyang wala dito. Haay, pero masaya pa din naman ang buhay ko. Natatawa ako sa mga sinasabi ng mga tita ko, “Dalaga ka na Macs” Ay! Eksaheraada! Akala ko sasabihin nila.. BINATA na ko :)) hahahaha
Pagdating ko sa school...
nakita ko sina Beka at Lira na nakaupo sa isang bench..
Beka: Uy! Macs! Good morning!
Lira: oy! dude!
...siya nga pala, silang dalawa ang matalik kong mga kaibigan sa school, sa kanila ako natuto maging babae, ewan ko ba kung paano nila nagawa yun, hindi ko din maintindihan kung bakit sumasama ako sa kanila kahit ayoko yung mga bagay na ginagamit o ginagawa nila... Si Bea Louise Sanchez, shes Chuchal, puro kolorete sa muka, madami crush, maarte, pero matalino, matino at mabait pero masungit din kung minsan, at fan ni justin bieber O__o haay grabe! walang araw na hindi ko siya naririnig kumanta ng kanta ni jb, nakakairita! Yung isa naman... si Lira Uy, 1/2 chinese, mabait pero tamad mag aral, mahilig lumamon, fan ng twilight, walang araw na hindi mo siya makikitang naka eyeliner na black O__o Hindi ko alam kung saan lupalop talaga galing itong mga babaeng ito.. pero kahit ganoon sila, mahal namin ang isa't isa *eeww* hahahah joke lang..
Macs: Uy! aga nyo wah?
Lira: eh kasi itong si beka
Macs: oh bakit?
Beka: eh kasi.. you know macs, may balita kasi ako na may bagong boylet na darating dito sa school..
Macs: psshh.. yun lang? sus!
Beka: yeah! and i saw him on fb na, he's so gwapo
Lira: Ahh! oo nakita ko din yun! ayos lang gwapo siya, pero mas gwapo pa din si robert pattinson dun..
Beka: no, justin bieber is more gwapo than them
Lira: nye nye! JB GAY!
Beka: whut? :O no! he's not!
Lira: Yes!
Macs: HEP HEP! tama na yan! alam naman nating lahat na.. parehas bakla yung mga idolo nyo eh! >:P
Beka & Lira: HINDI KAYA! D:
Macs: Eh di HINDI!
Beka: Ehh basta! that new boylet is soo gwapo!
Macs: haay! baka naman kamuka ni bentong yun?
Lira: hindi wah! maniwala ka macs, gwapo talaga!
Beka: yeaah! mas ok, na makita mo siya sa fb.
Macs: uhhh.. wala ako nun eh, teka, ano ba yang FB na yan ha?
Beka & Lira: *nagtinginan at tumawa*
Beka: Omg! oo nga pala, wala ka nun!
