-- Shane Constantino
-- DeeAra Vega
-- Herra Lee
Each have secrets.
Three different people, three different personality. And turns out to have one body only.
--
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Seolhyun as Shane Constantino
----
Triz Vhan's POV
"Triz Vhan" nagising ako sa malakas na sigaw ni Daddy sa pangalan ko. Kunot noong nagmulat ako ng mata para lang muling pumikit at takpan ng unan ang sariling mukha.
"Do you know what day is today?" Hindi na sya sumigaw pero mahihimigan ang galit na tono sa boses niya.
'Syempre alam ko kung anong araw ngayon'
"Son," pagtawag niyang muli sa'kin ng hindi ako sumagot.
"It's Dee's day, dad." Walang ganang sagot ko na lang. Alam ko namang hindi niya ako titigilan.
Si daddy pa ba? Eh mas makulit pa yan kesa kay mommy. Kaya nga mas close kami. Close din naman kami ni mom pero kase marami siyang bagay na nililimita sa akin kumpara kay daddy na sige lang sa pagtango sa twing mag papaalam ako.
"Yes, son." Pag sang ayon niya. "It's her day, your bestfriend's birthday kaya bumangon ka na."
"Tss," mahina akong suminghal, walang pakealam kung marinig niya man o hindi.
"Son, inaasahan tayo ng mga Vega."
Pasimple akong bumuntong hininga sa ilalim ng unan na nakatabing sa mukha ko, bago ito tinanggal. "Fine.!" Walang ganang sambit ko. Hindi pa rin bumabangon.
"Come on, son, ito na lang ang maiaambag natin sa kanilang pamilya." Nag angat ako ng tingin sa kanya. Hindi man siya deretsong naka tingin sa akin nababasa ko naman sa mga mata niya ang lungkot at pag aalala. "Presensya na lang ang kaya nating ibigay." Nagbaba siya ng tingin sa akin, ako naman ang nag iwas ng tingin.
Deretso akong tumingin sa puting kisame ng kwarto. Ramdam ko ang mga mata sa'kin ni daddy kaya bumuntong hininga na lang ako saka tumango.
Sandaling katahimikan ang nabuo sa pagitan namin. Mayamaya ay bumuntong hininga siya't yumuko sa'kin. Natigilan ako ng pahina niyang tapikin ng tatlong beses ang balikat ko bago naglakad palabas ng kwarto.
Mariin akong pumikit, habang kuyom ang dalawang kamay. Sa dami ng araw, ang araw na ito ang hinihiling kong sana ay 'wag ng dumating. Pero ang hiling na 'to ay imposibleng magkatotoo, sobrang imposible.
Walang ganang bumangon ako saka dumeretso sa banyo para maligo. Pag labas ko agad na tumama ang aking mata sa suit na naka-hanger sa stand. Kulay black ito at halatang bago.
"Tss," singhalko, di inaasahang ganito nila pinaghandaan ang araw na ito.
Ito ang araw ni Dee, it is supposed to be happy and fun just like how it used to be. Pero sino ang magiging masaya kung ito din mismo ang huling araw na nakita mo siya?.