Chapter Three

33 1 2
                                    

Kim Myung Soo as Triz Vhan

--
Triz Vhan's POV

"Putcha, Triz ang labo." Naguguluhang sabi ni Gavin matapos kong ikwento sa kanila yung nangyare kagabe.

Kung paano akong sinuntok ni Dee ng dalawang beses. Maging yung mga salitang iniwan niya sakin bago siya umalis kasama nung lalakeng driver niya.

"Ano pang sinabi niya?" Sunod sunod ang pag iling ko, wala naman ng ibang sinabi si Dee bukod dun sa kung sino daw ang nag utos sakin sabihin ko daw na harapin siya at wag magtago sa anino kong... Tsss. "Hindi man lang nag explain?" Kunot noong tanong niya ulit at kunot noong umiling lang ulit ako.

"Bakit parang ang weird?" Naguguluhang singit naman ni Raz.

Anong weird don Raz? Nakita natin si Dee, at imbis na tayo ang magalit sa ginawa niyang pagtago eh siya pa ang nagalit ng lapitan ko siya.

"Kamille calls her Shane." Napalingon kaming apat sa seryosong si Geuno. "She even change her name."

"Kaya pala hindi mahanap." Halos sabunot na ni Gavin ang sariling buhok sa gigil sa pag iisip.

"I told you, sinadya nya talagang umalis at magtago." Mariin namang sambit ni Ice na ngayon lang nagsalita.
Wala sa sariling kinagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang pag iisip.

Bakit ganon? Anong nangyare kay Dee?. Bakit parang ibang iba na siya, pati pananalita niya iba. Pero sigurado akong siya yon, boses pa lang siyang siya na..

"We don't know what happened to her,yet, and we don't even know her reasons. Don't judge by what you assumed." Pagtatanggol ni Geuno. May punto siya, wala pa kaming alam sa totoong dahilan ni Dee kung bakit bigla siyang nawala noon, at kailangan namin siyang maka usap ngayon para linawin at ibalik siya sa amin.

"Si Giana," bigla kong naalala na nakita ko rin doon si Giana. Nilingon nila ako. "Nandon si Giana, alam niya ring nandon si Dee."

Kunot noong tinitigan ako ni Geuno. Marahil hindi makapaniwala sa sinasabi ko, pero totoo, totoong nakita at nakausap ko siya.

"Sigurado ka ba?" Usisa ni Gavin, tumango ako. "Alam mo ba Geuno?" Umiling naman ito kaya gigil na napatingala si Gavin bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka muling bumaling kay Geuno. "Alam ni Giana, pero hindi nagsabi satin? Baka naman gumaganti yang kambal mo kay Triz Vhan?" Mahihimigan ang pagiging sarkastiko sa tono niya.

Mabilis namang nangunot ang noo ni Geuno dahil sa narinig. "Alam mong hindi ugali ni Giana ang gumanti pare." Singhal nito.

Totoo, hindi niya ugali 'yon. Pero malaki ang posibilidad na ganon nga ang ginawa at patuloy niyang ginagawa. Nung nakita ko siya kagabi, parang hindi na siya nagulat. Her expressions shows fear, and that fear was spelled 'busted' in my eyes.

Malaki ang kasalanan ko sa kanya, aminado ako. Hindi na ko magtatangkang mag deny, o magdahilan. Napabayaan ko siya, hindi, pinabayaan ko siya nung kami pa. Hindi ko siya inalagaan gaya ng dapat. Masyado akong naging focus sa paghahanap kay Dee kaya humantong kami sa ganito. Hindi na kami nakapag usap matapos niyang makipag hiwalay sakin. Basta na lang siyang umalis at di na nagpakita.

At ngayon, malaki ang posibilidad na gumaganti sya kahit di pa ito ang ugali niya. I know, and am absolutely sure, pain can change a person into whole different level.

Nung umalis si Dee kagabi hinahanap ko siya, pero hindi ko na siya nakita at nadistract nako sa mga tanong ni Gavin.

"Then call her para malaman natin."

Memories Hidden In TimeWhere stories live. Discover now