4: Unknown Feelings

539 16 0
                                    

Frances.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya makipagaway kay Stacey.. Pesteng pagmamahal na yan! Ininbeto pa kasi eh! Oo, gusto ko si Stacey pero hindi ko alam kung gusto niya rin ako o kaya magugustuhan niya din ako..

Kilala ako bilang player sa campus at iniinitan ako ni Stacey dahil marami nang babae ang napaiyak at nasaktan ko.. Kung alam niya lang sana ang nararamdaman ko

"Goodmorning Ms. Fortalejo!"

"Goodmorning class, I know kilala niyo si Mr. Luke Gonzales? He will be the one that will represent the school for the singing contest and we have a new student"

Tumayo siya at napakaganda niya.. Relax lang Frances baka ma love at first sight ka nyan...

"Goodmorning! My name is Stacey Dela Fuente from Charlotte University.. I'm glad to be studying here with all of you.. Thank you!" Napakagandang ngiti, maputi na balat, nangingining na mata, nangaakit na labi.... Hayss nagkakagusto na ata ako sa Stacey na ito

Frances umayos ka nga! Alam mo namang walang love at first sight!

"Hi! Stacey diba? Ako pala si Frances.."

"Oh My God! First time nagpakilala si Frances sa isang babae!"

"Oo nga, napakaswerte niya!"

"I know... Ikaw si John Frances Lizardo... Alam mo, Ok ka na sana eh.. Pero sayang! Hindi ko type ang mga playboys.. Marami kasi silang pinaglalaruan.. Hindi mo malalaman kung nagseseryoso sila... Nice meeting you ha! Bye!"

Ouch! Nakakasakit nun ha! Sino ba yun?! Bakit ang lakas niyang magsalita nang ganon?! Ako si John Frances Lizardo isa sa mga pinakasikat sa campus!

Siya lang siguro ang may lakas ng loob na awayin ako... Huhuhu!

"Stace! I miss you!"

"Ela! I miss you too bessy! Asan si Krystal, Alliah, at Allyana?"

"Dun sa tambayan.... Ows.. So kilala mo na si Hyung?"

"Hyung? Kuya mo si Frances?!"

"Ummm.. Yes? Pareho kami ng apelyido diba?"

"Ahh oo nga pala! Bye playboy!"

"Frances! Bro! Ok ka lang?!"

"Ahh Oo.."

"Kanina ka pa namin tinatawag.. Tara! Sakay na sa kotse diretso tayo sa bahay.. May beer kami dun!"

"Pwede naman tayo mag bar?"

"Mas ok na sa bahay... So tara?"

"Sige na nga..." Tahimik kami buong byahe at may naalala pala ako...

"Umm.. Kean? Diba pupunta tayo sa bahay niyo? Nandun ba si Noona mo?"

"Di ko alam baka lumabas siya kasama ang Frost" sana nandun siya para makita ko siya... Di pa alam ng Flames na may gusto ako kay Stacey... Natatakot kasi ako kay Kean eh! Kahit mas nakakatanda ako sakanya hindi ko parin maiwadan matakot dahil kapatid niya yun eh!

Pinarada ni Kean ang kotse niya sa garahe nila... Ang laki pala ng bahay nila

"Kean ang laki pala ng bahay niyo.. Pero mas malaki parin yung bahay namin"

"Alam ko naman yun Paul... Ikaw nga yung pinakamayaman sa grupo diba?" Nagtawanan kaming lima at natigilan nalang kami nung nakita nami si Stacey sa gate...

"Hi bestfriend!" Bungad agad ni Luke.. Bestfriend niya yung dalawang magkakapatid... Siya yung pinakafriendly sa amin pero malupit din to eh!

"Hi bestfriend... Nandito na naman ba kayo para uminom?"

#CampusLove_MayForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon