epilogue 2

139 10 13
                                    

I warned you hahahahhaha. Alam kong nacucurious ka sa anumang mangyayari sa chapter na ito. Ready yourself na :)

--  Jimin's POV

"Oh kookie anong ginagawa mo dyan?"

"Ah eh wala lang... tinitignan ko lang tong mga picture frames. Nakakamiss noh, jimin hyung?"

"Sobra. Pero mas namiss kita"

Totoo naman eh. Namiss ko talaga itong bata na ito. At sa sobrang pagkamiss ko sa batang ito eh mukhang magsasama na kami habang-buhay

Biglaang may pumasok. Si Hobi hyung.

"Yoongi hyung gising na!"

"Pakyu dahil sa paggising sakin...." ani yoongi sabay taas ng mid-finger nya "oh dahil inostorbo mo narin naman ako, sindihan mo na yung mga kandila sa altar"

"Ge po boss!"

Sinundan naman namin ni Kooke si Hobi yung ng pasikreto.

"Ang kukulit nyo talaga eh noh. Di kayo mapaghiwalay. At mukang hinding-hindi na talaga kayo magkakahiwalay. Tsk nakakainis. Iniisip ko palang na iiwan kami ni kookie, sobrang sakit na... pero di ko naman akalain na pati rin pala ikaw jimin ay iiwan rin kami ng tuluya---"

"Hope, tara na." -yoongi

Nakita namin ang pagpunas ni hobi hyung sa kaniyang mga luha.

sinara naman ni suga hyung ang pintuan ng altar na may larawan namin ni kookie at may katabing mga record tapes.

Tama. Hindi naging successful ang operasyon ni Jungkook. Pati narin yung sa akin

Masyadong madaming dugo ang nawala kay jungkook kaya di kinaya ng katawan nya.

Samantalang inatake naman ako ng sakit ko sa puso. Kaya ayon.. hanggang sa sumakabilang-buhay kami ay magkasama parin kami ni kookie.

Halos dalawang buwan na ang nakalilipas... napakasakit ng nangyari, alam ko.

Pero mukhang... dito na nagtatapos ang lahat

"Hyung... tinatawag na tayo" ani jungkook sabay turo sa may puting liwanag

Tinignan ko ang Bangtan na kumakain ng kanilang pang-umagahan. Malalakas sila... at alam kong kakayanin nila ang anumang pagsubok na mararanasan nila.

"Jungkook, tara na" ani ko at hinawakan ang kamay nya sabay lakad papunta sa puting liwanag.

--
Korni ko parin gumawa ng epilogue pwe

Voice Message [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon