Rachelle's POVNandito na kami sa mall para bumili ng requirments para handa na sa pasukan. Pagdating namin sa National Bookstore ay naghanap na kami ng school supplies.
"Rachelle anong mas ganda ito or ito." sabi niya habang pinapakita ang dalawang notebook.
"Mas gusto ko yun." turo ko sa hinahawakan niyang notebook sa kanan.
"Ah sige eto na lang." sabi niya sabay lagay sa basket niya. Isa isa kasi kami ng basket.
"Bilisan muna Mary mag gagabi na." sabi ko sakanya.
"Mamaya na isa na lang." sabi niya na naghahanap parin ng notebook na maganda ang design. Ang oa kasi ng babaeng yan ako kahit ano na lang basta may notebook lang eto kailangan maganda ang design. Tsk
"Bilisan muna habang kunti pa ang pumipila." sabi ko sakanya
"Eto ang ganda ng design sige na, tara na." sabi niya sabay hila sakin at pumila na.
"Mary libre mo tuh ha?!" sabi ko
"Paulit-ulit sabi ng ako na bahala." sabi niya sakin. Ng kami na sana ang sunod ng may sumingit na lalake.
"Excuse me may naka una po dito pwede pumila ka ng maayos." sabi ko. Napalingon naman siya sa akin. Ano sa lahat lahat pa talaga bakit siya. Grrr nakakainis sa tuwing nakikita ko mukha niya parang tumataas dugo ko 😤😤.
"Ikaw na naman?!" sabay naming sabi. Lahat ng taong nakapila ay tumitingin na sa amin.
"Hoy lalake dun ka sa likod pumila ka ng maayos." sabi ko sakanya
"Eh kung ayaw ko ha." sabi niya
"Ayaw mo umalis ha." sabi ko
"Ayaw ko talaga." sabi niya
"Ayaw mo talaga kung sipain ko yang gitnang bahagi ng katawan mo ha." pagbabanta ko. Agad naman siyang napahawak sa kanyang gitna niya
"Excuse pwede biliaan niyo marami pa kasing pumipila eh." sabi nung cashier
"Pumunta ka na dun sa likod mokong!!" sigaw kung sabi sakanya. Agad naman siyang pumunta sa likod. Pero bago siya pumunta dun ay may huli pa siyang sinabi sakin.
"Gusto mo ba tung nasa gitna ko." ano sabi niya gusto niya suntukin ko siya. Ahhh nakakabuisit panira ng araw tung lalakeng tuh. Ang kapal ng mukha niya at ang manyakis niya grrrr 😤😤. Dun bumalik ang duwa ko ng nagsalita ang cashier.
"Mam bilisan niyo na po madami pang naghihintay." sabi nung cashier. Si Mary na ang bumayad pagkatapos naming bumayad ay pumunta kami sa Jollibee.
"Anong sayo Rachelle??" tanong ni Mary
"Kung ano ang sayo yun din sakin." sagot ko kay Mary. Agad naman siyang umalis at pumila na. Nasan na kaya yung mokong nayun hay wag na wag na talaga siyang magpapakita sakin mabubugbog ko talaga siya. Umiinit ulo ko sa lalakeng yun. Lumingon lingon ako sa paligid baka nasa loob siya ng jollibee baka pinagmamatyagan niya ako.
"Girl anong nangyayari sayo bakit bigla kang na paranoid dyan." sabi ni Mary na nagpabalik ng diwa ko.
"Ah wala may tinitignan lang." sagot ko sakanya
"Yung lalake ba kanina ang hinahanap mo??" tanong niya. Agad naman akong napalingon sakanya.
"Ahh h-hindi ah bakit ko naman yun hinahanap." sabi ko sakanya
"Wag ka mo ng ideny pa alam ko siya ang hinahanap mo...total gwapo naman siya." sabi niya sabay subo sa french fries.
"Edi sayo nayun total na gwapuhan ka naman sa kanya." sabi ko sa kanya sabay subo ng hamburger.
"Girl wag mo nang itanggi pa alam ko kung pano ka ma inlove." sabi niya sakin. Tss hindi ko yun type nuh duh.
"Tumahimik ka na nga bilisan mo dyan at aalis na tayo." sabi ko sakanya naubos ko na kasi lahat ng pagkain ko hehehe.
"Teka, nakita ko yung lalake dun banda oh!!" sabi niya sabay turo.
"Asan!!" sabi ko sabay lingon sq tinuturo niya. Wala naman ha
"Oh diba siya talaga ang hinahanap mo." sabi niya sabay turo sakin.
"Nakakabuisit ka rin nuh sarap mo sampalin..." sabi ko sakanya tanging irap lang ang naisagot niya sakin. "Bilisan muna dyan baka sampalin pa kita." sabi ko sakanya. Pagkatapos kumain ni Mary ay agad kaming lumabas ng mall at pumara ng taxi. Binuksan ko ang back seat at sasakay na sana kami ng may lalakeng sumakay agad.
"Miss, salamat ha." sabi niya sabay kindat. Umalis na ang taxi at naghintay na naman kami ng bagong taxi. Nakakabuisit sarap sampalin ng lalakeng yun
"Rachelle ayun may paparating oh!!" sabi ni Mary sabay turo sa taxing parating. Pumara si Mary at huminto na ang taxi saming harapan at agad binuksan ang back seat. At sumakay na katabi ko si Mary.
"Destiny talaga kayo best yeee!!" isa pa'tung babaeng tuh errrr nakakainis. Buisit na ang araw ko ng dahil sa mokong nayun pati rin tung katabi ko. Boung biyahe inaasar niya ako sa mokong nayun. Salamat at nandito narin kami sa gate ng bahay namin.
"Bye Mary!!" sabi ko sabay beso-beso.
"Bye girl at sana makatulog ka ng mahimbing wag mo na siyang isipin ha yeee." nakakabuisit ewan ko sayo at umalis na ang sinasakyan ni Mary. Ilang doorbell kuna hindi bumubukas ang gate. Ang tagal naman buksan asan na ba si yaya.
"Yaya buksan mo ang gate!!!!" sabi ko at bumukas na ang gate. At nakita si yaya na mukhang bagong gising.
"Ahm mam pasensya na po nakatulog kasi ako." sabi niya at hinfi ko na iyun pinakialaman. Agad agad akong pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto. Agad naman akong humilata sa kama. Bago ako natulig nagbihis muna ako pagkatapos ay natulog na.
YOU ARE READING
My Handsome Boy
Novela JuvenilA handsome boy the owner of the University where Rachelle studying they bad accidentally sitwasyon. Simula nun naging hate na ni Rachelle si handsome boy ng dahil lang sa accidenting iyun. Will handsome guy and Rachelle love each other then support...