Revenge Of The Unknown

126 3 0
                                    

Chapter 3

Hindi pa man ok si Prince pero di sya nag padala sa kalungkutan nya. Naging busy sya sa negosyo nila ni Marvin at Alex na auto shop.

Gumagawa si Prince ng inventory  ng car accesories samantalang sila Marvin a Alex ay nasa opisina.

Alex: Hindi pa sya ok pero pinag ta-trabaho na natin sya.

Marvin: Gusto nya ng ganyan ng mawala sa isip nya ang mga masasamang nangyari.

Alex: Yayain kaya natin mag bar.

Marvin: Nagawa na namin ni Mariz yan pero tumanggi lang sya.

Alex: Di ba uuwi na ang fiance nya.

Marvin: Oo next month.

Alex: Ok.

Lumapit si Prince sa kanila at nag paalam itong may pupuntahan lang muna.

Nakipag kita sya kay Nadine ang dati nyang gf at nag lunch sila sa Sizzlers restaurant.

Prince: Pasensya ka na sa akin.

Nadine: Nakakagulat naman kasi ang pag iinvite mo.

Prince: Na cancel mo tuloy ang meeting mo dahil sa akin.

Nadine: Ok lang. Condolence nga pala pasensya ka na hindi ako nakapunta nasa Baguio kasi ako.

Prince: Ok lang.

Nadine: Gusto kitang tulungan. Alam ko naman na di ka naniniwala sa mga ganyan pero may kakilala ako na makatulong sa atin ma solve kung anuman yang gumugulo sa isip mo.

Prince: Salamat kung ganon.

Nadine: Babalik ka pa ba sa shop?

Prince: Hindi na. Bukas na ako papasok.

Pagkatapos nila mag lunch ay pumunta silang dalawa sa bahay ni Aleng Alma.

Nadine: Pasensya na sa abala Aleng Alma. May problema kasi itong kaibigan ko.

Alma: Hindi matahimik ang kaluluwa ni Emily kaya hanggang ngayon nasa lupa pa sya.

Prince: Huh.? Pa-paano nyo nalaman ang pakay namin?

Alma: Ipahid nyo itong langis  sa kamay at paa nyo. May nakasunod sa inyo kanina pa.

Prince: Kami lang po ang magkasama

Alma: May ibang kaluluwa na nakasunod sa iyo Prince noong nasa shop ka pa at noong kumakain kayo ni Nadine.

Nadine: Ngayon po ba meron pa?

Alma: Nawala na. Bibigyan ko kayo nitong langis ng  di kayo masundan ng itim na kaluluwa na yun.

Prince: Ok.

Alma: Pagkakita ko lang sa inyo kanina sa may daan alam ko na madami kayong itatanong sa akin.

Prince: Yun nga po ang sadya namin dito. Si Emily ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?

Alma: Hindi sya pero hindi matatahihik ang kaluluwa nya hanggat hindi nya nagagawa ang mga mission nya.

Prince: Pinatay na nya ang kapatid ko. Napanaginipan ko sya bago mangyari ang nangyari kay Abby.

Alma: Hindi kasi malinaw sa akin kung sya nga ang gumagawa ng ganito sa pamilya mo. Heto itago mo ito baka magamit mo ito panguntra sa mga gagawin pa nila.

Hindi na sila nag tagal don. Inuwi na ni Prince si Nadine. Hindi sila pwedeng mag pa gabi. Umuwi na din si Prince sa kanila.

Malungkot man sya at napapaisip kung bakit ginagawa ni Emily ito.

Revenge Of The UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon