Revenge Of The Unknown

120 4 0
                                    

Chapter 4

Sinama ni Alex at Marvin si Prince sa convention ng mga cars sa Cavite.

Si Marvin ang nag da drive ng kotse. Nakatulog si Prince  sa biyahe. Napanaginipan na naman nya si Emily na umiiyak. Hindi sya makapag salita kaya tumitingin na lang sya kay Emily. Inabot ni Emily ang isang pulang panyo saka sya tumalon uli sa building.

Umiiyak si Prince noong gisingin nila Marvin at Alex.

Alex: Tol ano ba ang nangyayari?

Prince: Napanaginipan ko si Emily.

Marvin: Akala ko ba matatahimik na ang babaeng yan pag ginawa mo yung pinapagawa ng mang gagamot.

Prince: Hindi ko alam.

Marvin: Nandito na tayo. Tara na.

Prince: Sino sa mga kaibigan natin ang may pulang panyo?

Marvin: Si Akiemie madalas gamit nya green.

Alex: Si Jocelyn naman white at si Mariz yung bulaklakin. Si Krista naman iba iba kasi gamit non.Bakit ba tol?

Prince: Inabot ni Emily ang pulang panyo saka sya tumalon uli sa building.

Marvin: Ano ang gusto nyang ipahiwatig?

Prince: May isusunod syang papatayin.

Marvin: Paano sya makakapatay kung patay na din sya.

Prince: Sabi kasi ng mang gagamot na hindi malinaw sa kanya kung si Emily nga ang may kagagawan nito o ano.

Alex: Huwag mo na lang intindihin. Nandito na tayo at mag enjoy na lang tayo.

Prince: Sige.

Nag tagal sila doon. Sa hotel Esperan sila nag palipas ng gabi. Hindi makatulog si Prince kaya nag lakad lakad sya sa tabing dagat. Sa layo ng nilakad nya hindi na nya alam ang pabalik at madilim na sa lugar.

Napansin nya ang isang kubo kaya pinuntahan nya ito.

Prince: Magandang gabi po.

Aiwa: Oh ikaw pala Prince.

Prince: Kilala nyo po pala ako.

Aiwa: Oo. Maupo ka.

Prince: Kayo lang po ang nakatira dito?

Aiwa: Oo.

Prince: Naliligaw po kasi ako.

Aiwa: Isuot mo ito panguntra ito.

Prince: Salamat po.

Aiwa: Mag iingat ka sa mga susunod na araw.

Prince: Bakit po.

Aiwa: May nag babanta sa buhay mo.

Prince: Hindi ko po maintindihan.

Aiwa: Dalawa na sa mahal mo sa buhay ang patay na di ba.

Prince: Opo. Si Emily at si Abby.

Aiwa: Hindi si Emily. Si Emily ay matagal ng patay.

Prince: Sino po yung isa.

Aiwa: Hindi ko alam ang pangalan nya.

Prince: Ano po ba ang gagawin ko ng di na mag pakita sa panaginip ko si Emily?

Aiwa: Hindi mo sya maiiwasan.

Prince: Sya po ba ang pumapatay?

Aiwa: Hindi ko masasabi sa iyo kung sya nga o hindi dahil may iba pang kaluluwang gustong patayin ka.

Prince: Wala po akong maalala na may nagawa akong kasalanan.

Aiwa: May kaluluwang matindi ang galit sa iyo kaya inuuna nyang patayin ang nga taong nakapaligid sa iyo para maramdaman mo ang sakit.

Prince: Kailangan ko ng panguntra ng mawala na yang malas sa buhay ko.

Aiwa: Pumunta ka sa bahay na may itim na gate may mga puno ng mangga sa harap.

Prince: Bahay nila Emily yun.

Aiwa: Sa tanghali ka mag punta walang tao don.

Prince: Ano po ang gagawin ko don?

Biglang nawala ang babaeng si Aiwa. Iniwan nya sa mga kamay ni Prince ang isang bote ng tubig at isang bote ng abo.

Bumalik na sya sa hotel para mag pahinga.

Kaumagahan umalis na sila ng mga kaibigan nya at lumuwas na ng Manila. Tahimik sya. Iniisip na lang nya na isang malaking panaginip ang mga pinag daraanan nyang ito.

Revenge Of The UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon