Four

31 1 0
                                    

Stormy Colene Del Rosario

"Class dismiss"

Naglakad palabas si Ms. Pelaño. Pinagmasdan ko ang mga classmates kong nagsasaya. Ikaw ba namang magstay ng 2 hours dito at walang magawa kung hindi makinig? Boring.

"Huy! Tara na, uwi na tayo."

Napalingon ako kay Camilla, kaibigan ko. Bigla namang sumingit si Rinna. Kaibigan ko rin.

"In-assign tayo ngayon para maglinis, ano ka ba!"

"Oo nga pala."

"Sige, maglinis na kayo. Dito lang ako."

"Sure ka teh? Baka nandyan na sundo mo?"

Tumango ako sakanila

"Hindi pa naman nagtetext si Manong."

Lima silang na-assign. Sina Camilla nagwawalis. Yung isa aayusin ang mga upuan at naglilinis ng board. Yung natirang dalawa magmomop.

Habang naglilinis sila tumulong na rin akong magayos ng mga upuan. Ilang sandali natapos na rin sina Camilla, naiwan ang dalawa para makapagmop.

"Kapagod! Hoo!"

"Grabe, ganon ba kadumi ang classroom lagi?"

Napatawa nalang ako sakanila, at sinabing may mas malala pa ron. If you're looking for Dustin, nasa US na siya,nagpapakalalaki na. Buti nalang nakilala ko sina Camilla kung hindi loner na ako.

Saktong natapos ang natitira 10 minutes ko non, nagpaalam siya na na aalis siya. Ang sama niya buset! 3 years na ng iwanan niya na ako. Karmahin sana siya

"Mauna na ako ha? Pinapauwi na ako ni Mudra. Alam niyo namang magalit yon. Ingat kayo!"

Tumango nalamang kami kay Cami. Nakakatakot naman talaga ang mama niya. Nangangain ng tao.

"Bebe Stormy, dun muna tayo oh sa waiting shed habang hinihintay natin si Manong."

Lumabas na kami ng school at dumiretso sa isang waiting shed. Mga ilan ilang estudyante ang nandito. Naghihintay rin ata ng sundo gaya namin.

"Sasabay ka ba? O may iba kang lakad?"

"Sa totoo kasi bebe, may lakad ako ngayon kaso.. Hindi naman kita kayang iwan dito! Baka makidnap ka pa!"

Napatawa ako ng bahagya kay Rinna at binatukan siya.

"Kaya ko ang sarili ko ano kaba! Sige na"

Umiling siya at kinawit niya ang braso niya sakin.

"Ano ka? Sa tingin mo hahayaan kitang magisa? Alam mo naman ang nangyari sayo non."

Inalis ko ang pagkakakawit ng braso niya sakin at pinilit siyang pinaalis.

"Jusmiyo, bebe naman"

"Sige na! Alis na! Kaya ko, promise."

Tiningnan niya ako ng mabuti. Napaikot nalang ang mga mata ko sakanya, mas takot pa siya sakin ah. OA nito talaga. Wala namang mangyayari.

"Eh pano pag nahold-up ka ulit?"

Umiling ako sakanya at ngumiti ng bahagya.

"Hindi yan. Andami kayang tao oh, imposibleng holdapin ako dito."

"Sabi mo yan ha? May rosary kaba dyan? Eh pepper spray? Basta tadyakan mo na lang sa ano ha? Ingat ka!"

Kumaway ako sakanya hanggang sa nakalayo na ang taxi'ng sinakyan niya. Napatingin ako sa langit, makulimlim. Mukhang uulan ngayong araw. Tama ang hinala ko. Mga ilang sandali bumagsak ang mga malalaking patak. Maraming nagsitakbuhan papunta dito sa waiting shed. Dahil naka tayo ako maraming nakasagi sakin. Napahawak ako sa katabi kong nakatayo rin.

 AftermathWhere stories live. Discover now