Seven

26 1 0
                                    

Stormy Colene Del Rosario

"Huy, huminga ka 'my."

Nasa labas na kami, naglalakad papunta sa kwarto ng basketball team. Napahinga ako ng malalim. Hindi na pala ako humihinga sa sobrang kaba.

Ilang minutong nagprocess sa utak ko ang nangyari.

"Gago ka talaga e no? Bat mo sinabi na girlfriend ako nung masungit na iyon?"

"Para may thrill pag nagkita na ulit kayo ng ex mo-- I mean nung Valerico."

"Kabaliwan mo, sarap i-tapon. Alam mo naman na masungit sakin iyon eh! "

"Grabe ka. Naging close na nga kayo ni Kevin ngayon kesa dati eh."

Napaikot ang mga mata ko sakanya.

"Pero teka may next game pa kayo?"

Tumango siya sakin. Ganon daw talaga. Sus, ano kaya yon?

"Kelan?"

"Next friday. Pahinga muna tayo 'my."

Inalalayan ko siyang makaupo sa bench. Yumuko ako at tiningnan ang paa niya.

"Grade 1 ankle sprain lang ito diba?"

"Wow."

" Pano mo nalaman?"

Manghang tanong niya. Kung hindi lang naisprain itong paa niya baka inapakan ko na ngayon.

"Malamang sinabi ng medic kanina!"

Napakamot siya sa ulo niya at natawa.

"Dahil grade 1 lang to, 5 to 14 days gagaling nato. Kaya sundan mo ang RICE okay?"

Nagsalute siya sakin bilang sagot.

"Teka alam mo ba ang ibig sabihin ng RICE? Rest, Ice--"

"Compression, and Elevate."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. At binigyan ng tingin na 'pano-mo-nalaman?' Tiningnan niya ako na  para bang nababaliw na ako.

"Stop giving me that look, Seven. Matagal na akong baliw."

Naupo nalang ako sa tabi niya.

"Kahit gag* ako 'my, malamang alam ko yon. Basketball player ako insan."

Napabuntong hininga siya na para bang hirap siyang magexplain sakin at tumingin sa iba.

Ilang sandali kaming nandon. Ikaw ba namang umalalay dito. Hindi talaga siya 'umalalay' eh, binubuhat ko na siya actually.

"Oh? Boyfriend mo nandon, punatahan mo patulong ka sakin. Mukhang nahihirapan ka na rin."

Hindi na ako umangal at tumakbo papunta kay Kevin. Malapit sa water dispenser. Nangangalay na rin kasi ang balikat ko.

"Kevin! "

Napatingin siya sakin pero nagiwas siya ng tingin. Lumingon siya sa likod at gilid niya bago ulit siya tumingin sakin at tinuro ang sarili niya.

Napatawa ako sa ginawa niya at tumango. Dahil sa pagtawa ko namula ang tenga niya at napaubo.

"Pwedeng patulong?"

"Ano?"

Napaikot ang mga mata ko sa naging sagot niya.

"Pwedeng patulong?"

Tanong ko ulit. Pero ang masungit nagpakainosente pa.

"Ano ulit?"

"Tulungan mo ako sabi ko!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 AftermathWhere stories live. Discover now