Prologo

6 2 0
                                    

"K-Sam! Ano na naman ba ito? Mali na naman ang natamaan mo! Paano na'tin aayusin 'yan? Nakita mo ba ang kaawa-awang mukha ng babaeng 'yon nang makita ang boyfriend n'yang nainlove sa iba? Nakalimang maling shots ka na sa kanya! Hindi ka ba naaawa!?"

Pinagpapawisan ng matindi si K-Sam habang nakaupo at sinisermonan ni Head K- Matilde. Ramdam niyang parang umiinit ang bawat sulok ng parehabang silid na sa sobrang liwanag at puti ay iisipin mong nasa loob ka ng ospital.

"S-sorry po, Head K. Huling target ko kasi 'yon sana ngayong araw. 'Ngalay na po ang mga kamay ko. Sorry po." Rason ni K-Sam na hindi magawang tumingin sa Head K.

"Naku naman, K-Sam! Pwede namang ipagpabukas mo 'yon kung talagang ngalay ka na. Tingnan mo kung ano 'ng nangyari."

"Quota po, Head. Huli na sana para ma-reach ko ang quota ko. Pasensiya na po."

"Pasensiya rin, K-sam dahil suspendido ka ng tatlong buwan. Iwan mo ang LBAA (Love Bow and Arrow) kay K-Lala bago ka umalis."

Nais pa sanang magprotesta ni K-Sam ngunit hindi nya nagawa dahil nag-umpisa nang tumawag ito sa CDCS (Cupid Damage Control Services).

Lumabas na lamang ito na puno ng kalungkutan at panghihinayang ang puso. Kung natamaan lang sana n'ya ang target, pagkakataon na sana niyang maka-break ng record. Pero wala na siyang magagawa. The damage has been done. Nagdurusa na ang babaeng nabigo dahil sa kapalpakan n'ya bilang isang kupido.

Matapos niyang iwan ang kanyang LBAA kay K-Lala, napadaan siya sa K- alaman Wall-- Isang malaki at puting bulletin board. Binasa niya ang nakasulat sa pulang tinta:

LOVE DEPARTMENT IS IN NEED OF CUPIDS ASAP. PLEASE BRING RECRUITS AS MANY AS YOU CAN.

Requirements:
>With pleasing personality
>Willing to be trained
>Can work with minimal supervision
>others

NOTE: Snacks will be provided for new recruits during orientation.

May pamatay pang department quote na : "WALA NG BITTER 'PAG ANG KUPIDO 'Y SHARP-SHOOTER."

Napa-ismid si K-Sam sa nabasa.

The New CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon