Chapter 1

17 2 0
                                    

Nakatuon ang buong concentration ko sa sinasagutan kong crossword puzzle. I love puzzles. Mas madali itong sagutan kesa sa mga tanong sa isip ko kung bakit ako laging sugatan. Mas madaling buohin ang mga tagpi-tagpi nitong mga bahagi kesa sa puso kong durog na nga, kulang pa ng mga bahagi...o ng bahagi. Lagi na lang may kulang. Lagi na lamang hindi n..

"Hoy! Nakikinig ka ba?"

Nagsasalita nga pala si Kate, nakalimutan ko.

"Ah, huh? Oo naman! Oo. Oo kaya!" Pumakawala ako ang hilaw na tawa at tinapik ko ang kanyang braso.

"Talaga lang ha. Sige nga, ano ang huli kong sinabi?" Tanong n'ya sa 'kin habang naka-cross arm at nakataas ang isang kilay.

"'Di ba nga, 'yong ano. Alam mo na 'yon! Nakakatawa talaga 'yun, 'mega." Tumawa ulit ako ng pang-best actress na tawa para mas convincing.

Ano ba kasi pinagsasabi n'ya? Kanina pa kaya siya nagsasalita? My gosh! Nakakahiya!

Pinanliitan niya ako ng tingin na halatang 'di s'ya kumbinsido sa sinabi ko.

"Alright, hindi ko narinig. Kita mo naman oh busy akong tao. Ano ba kasi 'yon?" Palusot ko.

"Wow, 'mega! Crossword lang 'yan and I'm in the middle of crisis na dito. I need your full attention!"

Tiniklop ko na lamang ang crossword book ko at bored na tumingin sa kanya.

"Ano ba kasi 'yon? Ulitin mo nalang. Oh heto, nakatutok na ako. Bore me more."

At nagsimula na nga siyang magkuwento tungkol sa "potential" lovelife niya and how the guy looks at her all the time.

"Hay naku, amega. Ganyan naman talaga ang mga lalaki eh. Fierce naman talaga ang mga mata toro kapag may susuwagin."

"OK lang naman. Magpapasuwag naman ako kung si Allistaire 'yong toro!"

Aba, kinilig pa ang bruha. Kung 'di ko lang siguro bestfriend ito, baka nahambalos ko na ng dala kong libro sa sobrang sakit sa tenga ng tili kapag kinikilig.

"Allistaire? Aba, pangalan pa lang hanggang stare lang 'yan. Naku, 'mega, wala kang mapapala do'n."

"'To naman! Wala pa nga eh, kontra ka na agad! Saka 'di 'yan. Pustahan, hindi matatapos ang semester na 'to at mapapasaakin 'din si A."

Natatawa na lamang ako habang tinitingnan ang kaibigan ko habang nag-iilusyon. Natatakot ako para sa kanya. Masyado s'yang naniniwala sa pag-ibig. Panigurado, sobra-sobra itong masasaktan kapag nalaman n'yang ilusyon lang talaga ang pag-ibig at hanggan doon lang.

"Oh my G, 'mega! Nakatingin s'ya sa 'kin! How do I look?" Natataranta niyang tanong habang pinipindot-pindot ang kumikinang na labi na animoy kakakain pa lang ng putchero at naiwan sa bibig niya ang mantika.

"You look rediculous as usual." Bored na sagot ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng matalim na titig at tinumbasan ko rin ng mas matalim pa. 'Kala n'ya ha!

"Oh my G, here he comes!"

I just rolled my eyes nang makita kong papalapit nga ang crush ni Kate since the world began pa yata.

"Hi, pretty ladies." He greeted.

"Spare me please," sagot ko na hindi manlang s'ya tiningnan.

Then, my haliparot friend started flirting and talking and I don't care kung ano ang pinag-uusapan nila. Kinuha ko ang earphones ko at kinabit sa tenga, at binuksan ang mp3 player sa cellphone ko. Much better.

Napansin kong parang nakatingin ang toro sa akin pero wa kibs pa rin ako. Kinakausap n'ya ba ako? Well, I don't care.

Nakita kong nagpaalam na ito kay Kate at dinaanan ako ng tingin bago umalis.

Nang makalayo na ang toro ay biglang hinila ni Kate ang earphone at napasigaw ako sa sakit ng tenga ko.

"He asked me out." Ngiting-ngiting sabi ng bestfriend ko.

"Oh tapos? That doesn't give you permission to pull my earphones like that! Ang sakit ha!" Iritato kong sagot habang hinihimas ang namumula kong tenga.

Isang malutong na tawa lamang ang isinagot niya sa akin. Aba 'y very good talaga!

On my pheripheral vision (nakz!), may nakita akong masakit sa mata. Lahat yata ng senses ko masasaktan sa araw na 'to ah. I saw my -ex with his new girl. Alam kong s'ya dahil sa halos isang taon naming relasyon memorize ko na s'ya, ang kilos n'ya, ang tindig n'ya, ang boses n'ya, maging ang amoy n'ya memorize ko pa. Memorize ko pa...hanggang ngayon.

Alam kong halos dalawang buwan na ang nakalipas nang mawala s'ya sa'kin. Dalawang buwan na ang lumipas matapos n'yang sabihing hindi na ako ang mahal n 'ya at may bago na s'ya.

Dapat nasa proseso na ako ang moving on ngayon eh, pero hindi. Sariwa pa ang sugat eh. Masakit pa rin.

'Yong feeling na ilang metro lamang ang pagitan n'yo ng dati mong boyfriend. Makurot sa puso at sa isip, 'di ko man nakikita kong ano ang ginagawa nila, still, ang daming scenarios ang naglalaro sa isip ko. Dati, kamay ko ang hawak n 'ya eh. Dati, ako 'yong nilalambing n'ya. Dati nangangarap pa 'ko na hanggang huli ay kami.

Ang hirap naman kasing kalimutan ang dati kung s'ya na lang lagi ang iniisip ko parati. Ano pa nga ba ang bago? 'Di na ako nasanay. Pero konti nalang at masasanay na rin ako sa sakit.

But then...

"Maghihiwalay din kayo!"

"What?" Nalilitong tanong ni Kate na napahinto sa pagfi-facebook.

Patay! Lumabas yata sa bibig ko ang iniisip ko.

"Ha, eh wala! May naisip lang ako. Wala 'yon, 'wag mo nang intindihin."

"Ang weird mo talaga lately, 'mega. Alam mo stress lang 'yan. Tara, icecream ta 'yo!"

"M-mabuti pa nga."

Habang papaalis, para akong magkaka-stiff neck dahil sa sobrang pagpigil sa sarili na tumingin sa inuupuan ng ex ko.

Nauna na si Kate sa icecream parlor na nasa kabilang kalsada lamang. Sinubukan kong bilisan ang lakad para makasabay sa kanya.

Huminto ako sa paglalakad nang maisip kong kunin ang pera sa shoulder bag na dala ko para diritso na 'ko kuha ng icecream. Hindi ko namalayang nasa gitna na pala ako ng daan. Isang malakas na busina at sigawan ang nakapaigtad sa kamalayan ko at hindi ko maigalaw ang buo kong katawan dahil sa pagkataranta. Hanggang sa unti-unti nang dumidilim ang aking paningin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The New CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon