|Michael POV|
"Nakakaantok sarap matulog" yan ang mga salitang paulit ulit na umiikot saaking isip habang nag klasekami sa math sana matapos na ang klase na
*ringggg*
Nauna pa ako kaysa sa iba nung narinig ko ang bell "Sawakas break na papalabasin ko na ang naipon kong Lam na"sabi ko habang papunta ng banyo
Ang teacher kasi namin ay ayaw mag pa cr sa oras ng klase kaya lahat kami nagdudusa
"Sawakas nakaraos rin"Sinabi ko habang naghuhugas ng kamay at habang naghuhugas ako ng kamay napatingin alo sa salamin at sabi ko sa sarili ko
"di ako pogi pero di naman ako panget kaya bakit dalawang beses na akong busted hays" nalungkot ako ng sandali ng mga oras na yon
nung tumingin ako ulit sa salamin nagulat ako sa aking nakita dahil imbis na makita ko ang sarili ko sa salamin nakakita ako ng babae
Napasigaw ako at natumba dahil sa aking nakita kahit na akoy takot na takot nagandahan parin ako sakanya tapos pinopokpok ng babae ang salamin at sumisigaw ng tulong paulit ulit niya ito sinisigaw
Di ko alam ang gagawin ko kaya napatakbo nalang ako
Pagkatapos ng araw na iyon di na ako bumalik ng banyo ng school dahil na trauma na ako sa nanyari syempre wala akong pinag sabihan dahil baka isipin nila na nababaliw na ako
Akala ko dun na nag tatapos ang pagpunta ko duon sa banyo pero
Bat ba naparami ang inom ko!!!
Dahil duon di na ako nakapagpigil at pumunta parin sa banyo ng schoolSyempre ayaw ko naman makita ang babae sa salamin kaya umiiwas ako duon kahit mag mukha na akong tanga
Habang palabas na ako may naririnig akong mga hampas at sumisigaw nanaman siya ng tulong pa ulit ulit
Kinalabutan ako at tumakbo nalang ulit kada punta ko ng banyo sa school ganon ang nangyayari at di ko maiwasang maisip ang nangyayari na iyon at dahil duon palagi akong lutang sa klase kailan kaya matatapos to
Kada punta ko nang banyo ay ganon parin ang nangyayari pero isang araw habang tinataas ko na ang zipper ko kinausap niya ako sabi niya "wag ka munang umalis please malungkot dito sa loob ng salamin" sinusubukan kong wag pansinin
Pero pag silay ko sa salamin ay nakita ko ang babae umiiyak at grabe ang lungkot na dinadala ng kanyang mukha ewan ko nangyari saakin pero parang naawa ako sakanya
Di ko kayang iwanan siya lalo na kung isa siyang babae na kailangan ng tulong kaya ginawa ko ang bagay na kinakatakutan ko
"Kung gusto mo talagang samahan kita dito ano pangalan mo" nung sinabi ang ang salita na iyon nakita ko parin siyang lumuluha pero nakangiti na siya
Hindi ngiti na gusto niya akong patayin kung hindi ngiti ng saya nung nakita ko ang ngiti naiyon bumilis ng tibok ng puso ko hindi dahil sa kaba o takot pero parang.
"ang pangalan ko ay jushel"
To be continued
BINABASA MO ANG
Ang Babae Sa Salamin
Fantasysi michael ang lalaking normal na di naman chickboy o showoff naging normal lang ang buhay ko simula ng makilala ko ang babae sa salamin na si jushel ano pa kaya ang mangyayari basahin para malaman