Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter One

81.8K 1.6K 305
                                    

Chapter One

After

"Anastasia, wake up! Male-late ka na sa klase mo!"

Agad akong napaahon sa kama nang madinig ko ang sigaw ni mommy. I groaned. With one eye open, I turned to look at my alarm clock to check the time. Namilog ang mga mata ko nang mapansin ko ang oras.

Shit! It's already seven o'clock! I was going to be late for class!

Napabalikwas ako ng tayo at nagmamadaling dumeretso sa banyo para makaligo at makapag-ayos na. Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa kusina upang kumuha ng makakain bago pumasok.

"You're not going to eat?" nagtatakang tanong sa akin ni mommy habang tinatapos niya ang kanyang kinakain.

Daddy was so engrossed with what he's reading in the newspaper that he did not even notice my presence. I smiled at my mother.

"'Di na po. We're going to be late," sabi ko sa kanya sabay hila patayo sa mas nakababata kong kapatid. Halos mabulunan pa siya nang dahil sa ginawa ko.

Hinila ko siya palabas ng bahay at sabay na kaming nagtungo sa sasakyang nag-aabang sa amin.

"Bakit ba kasi tulog mantika ka? Alam mo namang may pasok tayo!" reklamo ng kapatid ko.

Our driver was already waiting for us. I smiled apologetically at him because he had to wait for us. Nakakahiya na bahagya akong nahuli kaysa sa inaasahang oras ng pag-alis namin. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at tinulak ang kapatid ko papasok.

"Aray!" sigaw niya sabay napahawak sa kanyang ulo.

"Napakarami mong reklamo! Buti nga at nagising pa ako!" sabi ko sa kanya sabay inirapan siya.

I got inside the car and sat beside him. While we were traveling, I tried to do my makeup. I was trying to outline my eyebrows when the car suddenly passed a hump. Nagulo at lumagpas ang makeup ko. I groaned in annoyance. This was so hard!

"Tss," I muttered.

From the corner of my eye, I saw my brother looking at me irritably with his arms crossed. Tuluyan ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

"Alam mo, ikaw lang yung lalaking ang daming reklamo!"

Dylan made a face to mock me. I rolled my eyes and mocked him back. My brother really liked to mock me.

Correction: loved to mock me.

"Palibhasa kasi walang naghihintay sa 'yong dumating doon! Jusko yung girlfriend ko kanina pa naghihintay roon! I promised to walk her to class!" he complained again.

"Excuse me? Akala mo sa 'yo lang may naghihintay? Hinihintay rin ako ni Diana, 'no! At isa pa, magbe-break din naman kayo niyan! Hayaan mo na."

Dylan widened his eyes at me. Napailing siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

I was on my last year in college already while my brother's already on his third. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya kaya siguro panay rin ang away namin dahil madalas kaming hindi nagkakasundo.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng eskwelahan ay hindi ko na hinintay pa ang kapatid ko at dali-dali na lang akong lumabas. Tinakbo ko ang daan upang makahabol pa sa klase ko. Ang iba ay napapaiwas pa sa akin, natatakot na mabangga ko. Hinihingal pa ako nang buksan ko ang pinto ng classroom. Everyone's heads immediately turned towards me as I entered the class.

Agad akong napayuko ng ulo. Nakakahiya!

My professor, who's already discussing his lesson, glanced at the door and crossed his arms as he faced me. He raised a brow.

A Beautiful Disaster (Donovan Series #1) (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon