BESTFRIEND

82 3 0
                                    

Naging magbestfriend kami dahil sa random chat ko. May pustahan kami ng barkada ko kailangan ko ng display boyfriend, pero ayun di kami talo hahaha. Simula nun naging maging mag kaibigan kami. Ang unique nga nang tawagan namin e 'GAGO' hahaha. (Tarantado kasi siya char) ✌ Siguro nga mas madali mo nagiging kaibigan ang di mo pa nakikilala sa personal, ikaw ang mag iimagine kung sino siya. Nakakatuwa nga e. Sweet, Caring, at mabait full package na ata siya bilang best friend ko. Pag mag problema ako siya ang kinakausap ko. Until one day gumising na lang ako na may gusto na ko sakanya inamin ko sa kanya na may gusto ako pero ayun katulad ng ibang story wala kaming happy ending kasi may mahal siyang iba. Best friend lang talaga ang tingin niya sakin. Ansakit noh? For almost 3 years na magbestfriend kami ako lang mismo ang nahulog.sinubukan ko siyang iwasan di ako nag online at nagtxt pero ayun ako naman si tanga di siya natiis. Tangina lang diba. Pero wala ako magagawa e mahal ko kahit nasasaktan ako pinatuloy ko parin eh sa ayaw ko mawala siya sa buhay ko. Nagbulag bulagan lang ako. Nag kukunwaring wala akong sinabi sa kanya. Sino ba naman ang Hindi ang mahuhulog sa kanya? Mabait,sweet, possessive at lalong lalo na caring laging tumatawag o kaya iittxt ako kung nakauwi na ba ako sa bagay o kaya sino kasama ko? Naiimagine ko na nag alala siya sakin kinikilig ako. Pero lahat na ng nangyayari samin ay wala lang sakanya kasi ang tingin niya lang talaga sakin ay  best friend. Ako lang talaga ang nag assume na may maibibigay pa siya higit pa dun. Pero iniisip ko may kulang ba sakin kaya ayaw niya naming gf ako? Or sadyang pa fall lang siya pero di siya aware tungkol sa ginagawa niya? Ansakit diba? Para kaming aso't pusa kung mag away nun e. Di ko siya magawang sisihin kahit alam ko sa sarili ko wala akong karapatan mag selos o kaya magdemand sa kanya kailangan kong tanggapin na iba ang role ko sa buhay niya wala iba kundi isang dakilang best friend lang. Nag papasalamat ako sa kanya dahil umabot kami ng tatlong taon kaya kahit anong mangyayari di ko siya iiwan. Siya parin ang nag iisang Gago nang buhay ko kahit anong mangyari.

... Alam ko may rason kung baket ganun lang ang label naming dalawa,,, siguro may mga magandang  plano pa si god para samin papatatagin niya samahan namin at gagabayan kami. Mas maganda ata na ganun kami at least walang 'break up' o kaya 'walang katapusan' kung anong meron kami. At masaya na ko dun.

PS. Walang masama kung sasabihin mo sa best friend na nahulog ka sa kanya, atleast nasabi mo diba? Sinubukan mo parin kahit anong mangyari. Lahat naman ata tayo tanga pag dating sa pag ibig diba?pero kung alam mong sobrang sakit na at di mo na kaya matuto kang mag paraya o kaya tumigil. Give time for yourself ika nga nila. Move on... Mahirap mong gawin pero balang araw unti unti mawawala ang sakit nang iyong nararamdaman. Kasi kahit anong mangyari may mag mamahal sayo at makakasama mo habang buhay.

Hugot ni BestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon