"Kanina pa ko nakatitig sayo...
Ang tagal na nating nagkikita pero ngayon lang uli ako tumitig sayo...
Isa ka sa dahilan kaya ko naibsan yung sakin na nararamdaman.
Natatakot ako kasi napatingin uli ako sayo pero mas natatakot ako sa nararamdaman ko kasi gusto kitang hawakan, gustong maramdaman uli ng balat ko ang bawat haplos mo...
Gusto kong magmarka sa balat ko ang bawat pag dikit mo...
Kaya natatakot ako, kasi matagal na kitang nilayuan, matagal na kitang kinalimutan, isa ka sa mga nangyari na sa buhay ko na ayoko nang maulit pa,
wag mong masamain kasi nakatulong ka isa ka sa dahilan kung bakit kinaya ko pa...
Alam ko kasalanan ko rin naman kasi ginamit kita para mawala sandali ang luha ko kasi pagod na,
Pagod na ang aking mata dahil sa bawat patak ng luha ko parang ang buhay ko ay nauubos na....
Pasensya na kasi nahihirapan ako ngayon kaya ito ako mukhang lalapit uli sayo...
Pero sa ngayon tititigan nalang muna kita, kasi natatakot akong na sa susunod na pagdikit mo sakin para tulungan ako ay maging huli na..."Sa wakas tapos na rin! Jusme di ko naman ineexpect na sasali ako dito bwisit kasi yung mga kaibigan ko nakakaloka.
"Oh Gen feel na feel mo ah! Akala ko ba ayaw mo? Eh nung dineliver mo naman yung piece mo talo mo pa yung ready girl!" Sabi ni Tanya
"Gaga! Syempre sasali na nga ako di ko pa ba gagalingan? Loko ka talaga." Diba? Tama naman ako? Alangan ipahiya ko yung sarili ko rito.
"Oo na sige na! Kumain na muna tayo mamaya pa naman daw iaannounce yung mananalo, pasyal muna tayo..." sabi ni Tanya
Jusko ang gusto lang naman nito mag boy hunting!
"Osya! Tara na bago pa magbago isip ko."
Lagi naman ganito e. Si Tanya kasi pinaka sociable samin nahihila niya lang ako kung saan saan.
Minsan nga mapapaisip nalang ako bakit kasama ko tong babaeng to e kung tutuusin wala naman siyang napapala sakin kasi HELLO! Hindi naman ako kasing sociable niya. Hindi rin ako kaisng ganda niya...
*BLAAAAAG!!*
"ARAAAAAY!!"
Pag inatake ka nga naman ng katangahan Gen! Nakakahiya!"I'm sorry I didn't mean to-" hindi ko na natuloy kasi naman nagsalita na siya
"It's okay, wala naman akong magagawa sa katangahan mo."
Aba aba! Nabangga lang tanga na? Nakakaloko to ah!
"I already said sor-"
Habit talaga niyang hindi ako patapusin ano?
"Pero that can't pay for my laundry right? Just go!"
Fine! Kaya ko bayaran yun oy! Hindi pa ko palayo nitong babaeng to! Bibigwasan ko pa sana yung lalaking yun e! Kapal talaga! Akala mo naman kung sinong gwapo! Argh!
"Girl si Danilo yun! Yung schoolmate natin nung highschool!" Sabi ni Tanya
"Eh ano naman ngayon?"
Classmates kasi kami ni Tanya since Highschool kaya sawa na ko sa mukha nito e!"Siya yung binasted mo!"