chapter 4

44 5 1
                                    

[ BOOK ]

Naglalakad kami sa hallway ngayon pababa sa HoD office. Si Frame? Ayun, walang imik.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, hmm. Mas mataas siya ng konti sa'kin.

Nagpatuloy lang ako sa pag lalakad. "Ano kayang problema 'nun? Kanina ang dal-- aray!"

Naumpog ako sa likod ni Frame. Masakit kaya! Idagdag mo pa na masakit ang ulo ko dahil sa puyat.

"Are you done checking me?"

He smirked like he just won the quiz bee. Sarap hambalusin!

"Tss. I'm not checking you."

Nauna na akong maglakad. Ano kayang iniisip ng mokong na 'yun?

Nagsimula ng umingay ang paligid. Baka pabalik na ang mga classmates namin.

And I'm right. -__-

Nakikita ko na ang pagmumukha ng apat.

"Yow! Book! Ma'am san niyo po dadalhin ang kaibigan ko?"

"Sa Head of--"

"Ma'am baka may lihim kang pagtingin kay Book ha"

"What are--

Namumula na si Ma'am sa galit. Haha! If you could just see her face right now.

"Ayihhh. Hihihi."

"Sumama kayo sa HoD!"

" D-di joke lang yun ma'am. A-he-he-he."

"Takboooo!"

Kumaripas na sila ng takbo papuntang classroom. Andaya! Sabihin ko kaya kay Frame na tumakbo 'din kami?

"Tsk. Tsk. Highschool these days." napabuntong hininga si ma'am at nauna ng maglakad.

Unti-unti na akong lumapit kay Frame. "Psst! Uy."

"Yah?"

"Tumakbo din kaya tayo?"

"Yoko. Mahuhuli't mahuhuli pa din tayo."

"Per--

"If you two are trying to escape, you better don't."

May third eye ba 'tong si ma'am?

No choice. I continued walking.

Everyone's looking at us. Maybe because it's my first time na pumunta sa HoD since I studied here. Or maybe because kasama ko ang bagong student sa campus.

"Hey Book." tapos lumapit siya sa'kin.

Bored.

"Oh?"

"Can you tour me around the campus?"

Hmm. I don't have anything to do today.

"Okay, when?"

"Tommorow, kung pwede ka."

"Uhh, sige."

"Thanks," then he smiled.

"Okay."

Wala naman akong gagawin bukas. And actually I'm bored.

"Ehem, may balak ba kayong tumakas or nalagpasan niyo lang talaga ang Head of Discipline?"

'Di ko namalayan, andito na pala kami sa HoD. Nakakahiya pa kase nalagpasan namin ni Frame. -____-

"Sorry po ma'am."

Pagkapasok na pagkapasok ko napuno na ang tenga ko ng ingay. Madami ang estudyante ngayon dito ah. First day nga naman.

"Wait for me, aasikasuhin ko lang ang ibang students." the ma'am left us at pumunta na sa table niya.

Make It Right (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon