chapter 1

267 8 1
                                        

                               Fuse

Umayos na ako ng pwesto at hinawakan ang gitara ko. Tumingin muna ako sa camera bago pindutin ang record button.

Recording. . . 00 : 01

"Hi guys! It's me again, Fuse. Today, hindi cosmetic review ang gagawin ko. Hahaha," I laughed at my own joke. Sino pa ba tatawa eh ako lang mag-isa sa kwarto ngayon?

"Ginawa ko 'tong video kasi... k-kasi malungkot ako ngayon," huminga muna ako ng malalim. Pilit na pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo na naman. "Because today, I'm heartbroken."

                         ~*~

Umupo ako at hinubad ang t-shirt ko. Mainit eh, at saka 'di rin ako sanay sa aircon. Feeling ko kahit na sobrang hina nito eh magkakasipon pa 'din ako.

Hindi ko naman 'to iaupload. Gusto ko lang talaga tignan yung itsura ko sa video. Baka kasi mukha akong tanga dyan kakahiya.

I tapped the play button.

"Well you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go

Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missing home
Only know you love her when you let her go
And you let her--

"Fuseeeeeee-?!" bigla-biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang ate ko. Nanlaki pareho ang mga mata namin.

"A-ate--"

"Anong pinapanood mo 'jan sa cellphone mo!? At bakit hindi ka nagtt-shirt?! Nanonood ka ng porn 'noh?" lagot na. Si ate 'to eh. At sobra-sobra siya kung maghinala.

"Hindi po ate! Nanon--"

"Aminin mo na! Isusumbong kita kay mom and dad!" jusmiyo, kapatid ko ba talaga 'toh?

Dalawa lang kaming magkapatid ni ate Fing. At masasabi ko din na mayaman kami. Si mom and dad may negosyo. 3rd year college na si ate Fing pero close pa din kami kasi magkasama kaming dalawa sa iisang bahay.

"Hindi nga ako nanonood ate. Ang kulit mo," 'di talaga ako titigilan niyan. -_-

"O sige, pero patingin muna niyan--"

Aba't!

"Ayaw." matigas na sabi ko.

"Sige na Fuseeeee. Please patingin akooooo--"

"No."

Maski ate ko makakakita ayoko pa 'din. 'Di niya kasi alam na may girlfriend ako.

"Hays. Bumaba ka after that, nagluto ako ng rainbow cake.Hihi."

"Sige ate."

Tumayo na sya at lumabas ng kwarto ko. Salamat naman.

"Wait--don't watch porn okay?Hahahahaha."

-___-

"Okayyyyyyyy. Kulit mo."

*blag*

Hayst. Makababa na nga lang baka kung ano pa isipin ni ate na ginagawa ko dito. -__-

                          ~*~

"Tadaaaaaa~"

Imagine niyo ang bata na nakaturo ang dalawang kamay sa cake habang winiwiggle, si ate yan ngayon.

"Wowwwwwww," add some sparkling eyes."Mukhang masarap ate!"

"Yeah yeah, I know right. HAHA!" proud na proud niyang sabi.

"Mukhang mahirap gawin yan Fing ah," andito pala si Mok.

Si ate Fing kasi may small business, nagbi-benta siya ng mga beauty products. Parang business partner niya si ate Mok. I'm not sure kung ate or kuya kasi, she's a lesbian.

"Haha, hindi naman. Mas mahirap lagyan ng make-up si fuse noh!"

WHAT THE!

"Minake-upan mo si Fuse? Patingin ako!"

"Sige sige, hanapin ko sa gall--"

"ATE!" agad kong kinuha yung phone niya.

"Ano ba Fuse akin na yan!" pilit niyang inaabot ang phone niya sa'kin. No! Hindi pwede makita ni Mok ang picture ko!

"Ayokoooooooooo--"

"Akin na sabi eh!"

Inilayo ko pa ang phone niya. Mas mataas ako kaya nahihirapan siyang abutin yung phone. Haha!

"Ayawwwww--ahhhh!"

"FUSEEEEEEEEEEEEE!?"

A-aray ToT

"Ayan kasi ang harot harot niyong dalawa." natatawa pa na sabi ni ate Mok.

Kakaabot kasi ni ate ng phone niya eh natulak niya ako kaya nadaganan ko yung cake. Medyo nasira ko yung gilid. -_-

"Uh-hehe. Peace ate," may kasama pa yang peace sign.

"Alam mo bang ilang oras ko yang nilagyan ng icing? Tapos sinira mooooooooo?!"

"Kakainin pa 'rin naman natin 'to eh, masisira't masisira pa 'din naman 'to. Hehe,"

"Ah ganun pala ha?!" kumuha si ate ng icing at--

"ATE NAMAN EH!"

--pinahid sa mukha ko. -__-

"Hahaha! Bagay yan sa'y--MOK!!!!!!"

"What? Ginanti ko lang si Fuse." Natatawa pa si Ate Mok habang nakahawak sa tyan niya.

Siguro naman alam niyo na kung ano ang sumunod na nangyari? Edi pahiran ng icing. -__-

                         ~*~

"Fuseeee?! Pakihugas ng mga plates ha?" sigaw ni ate mula sa kwarto niya.

"Okay ate."

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nakakain na ba yun?

Arghhh. I'm trying not to think about her but I can't help it.

I can text her but I don't want to.
Galit ako sa kanya.

I hate her.

But I'm such a coward. I have enough reason to break up with her, she cheated on me.

P-pero 'di ko kaya.

Because I still love her.

                    * end of chapter 1*

author's note

guysuuu, sorry sa very late update. Finals na kasi namin eh.

Thank you sa pagbabasa anyway.

Make It Right (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon