Chapter 9- Pag-iwas I

121 5 4
                                    

~

August 31, 2011

(after baskeball)

5:00pm

Clyde's POV

Pagpasok sa kwarto, sabay hampas ng malakas sa pagsarado ng pintuan

Tingin sa picture nila ni Cj, at Jane

Tang ina!! Ano?!! Masaya na kayong dalawa? Ha? Mga manhid kayo!! Tang ina!! Ang sakit sakit!! Tang ina!!! *iyak*

*Jane calling*

Tinitigan lang ni Clyde ang cellphone

*Jane calling*

*Jane calling* 

..

..

..

7 missed calls

1 text message

Tinignan ni Clyde ang text

"Clyde? Okay ka lang ba? Kanina nandito kame sa bahay mo ni Cj, kakamustahin ka sana namin, panigurado nagkabukol ka. Hahaha. Lampa ka pa naman. Haha. Sabe ng mama mo, badtrip ka daw. Pasensya na ha, nagkaumpugan pa kayo ng mahal ko. Sorry Clyde ha. Bukas may pasok na ulet tayo. Tabi tayo ha!! See you. Pahinga ka lang dyan."

*knock knock*

"Clyde? Dumaan dito sila Jane kanina, kinakamusta ka"

"Ma, gusto ko muna mapag-isa"

"Kumain ka na ba? Yung caldereta mo nandito pa, initin ko na lang"

"Wala kong gana ma, gagawa pa ko ng homeworks ko"

"Kailangan mo ba ng kausap? Buksan mo yung pinto"

"Ma, ano ba. Sabe ko na gusto ko mapagisa e!"

"Sige nak, sorry."

Nakatulog na lang si Clyde kakaiyak....

Nagising si Clyde ng madaling araw (12:43am)

"Nagugutom ako"

Bumaba sa kusina si Clyde para kumain

Ininit nya yung Caldereta at kinain

"Pwe! Ano ba to. Feel ko si Jane lang nagluto nito e, ang tabang talaga ng lasa ng Caldereta pag si Jane nagluluto....."

May kumakatok sa pinto

"Sino yan?"

*knock knock

"Sino ba yan?"

*knock knock knock*

Lumapit si Clyde sa pinto na may dalang sandok at dahan dahan siyang pumunta para buksan ang pinto...

"1....2.....3..... *bukas ng pinto* *sabay paghampas ng sandok sa tao*"

"Araaaay!!! Pare naman oh"

"Uyyy! Cj! Anong ginagawa mo dito? Gabi na ha"

"Pumunta lang ako dito para kausapin ka, alam kong gising ka pa, nagkukwento si Jane lagi na mahilig kang magpuyat, puro dota, nba, ganun. Kaya pumunta ako ngayon dito sa inyo."

"Lagi ako nakukwento ni Jane?"

"Oo, tuwing magkasama kami halos ikaw lang pinaguusapan namin. Lagi ba naman kayo magkasama diba. Best best best best friend at best best best best enemy ka nga daw niya e"

Clyde's POV

May lamang parin pala ako dito sa tukmol na to e. Lagi akong nakukwento ni Jane. Nawala pagkabadtrip ko ha. Ang saya saya, kahit sa gantong bagay lang. Makwento nga to kala Dan. Panigurado nagseselos to sakin

---

"Uy Clyde! Tulala ka dyan? Maglakad lakad muna tayo"

"Sige, dun na lang tayo sa court. Kunin ko lang yung susi."

Naglalakad sina Cj at Clyde papuntang court

"Clyde, gano na kayo magkakilala ni Jane?"

"Uhm, simula nung 1st year highschool... Nako kung alam mo lang itsura nyan. Mukha nyang nasunog na bisugo. Pano ba naman ang itim itim, lagi nagbababad sa araw tapos ang hilig ngumuso. Ako lang kasi naging kaibigan nya nun, pano ba naman sobrang boyish kase, e yung mga kaklase naming babae, maarte. Ayaw siyang kasama, akala tomboy siya. Pati sila Gino at Gino naging close na din nya dahil saken" *Sabay tawa ng malakas*

"Sana ako na lang ikaw noh, para mas kilalang kilala ko sya"

Tumapik si Clyde kay Gino sa likod

"Ano ka ba Cj! Nagsisimula pa lang naman kayo diba. Makikilala at makilala mo din yang si Jane. Alagaan mo siya ha. Sobrang cute nyan ni Jane pag inaasar mo siya, sobrang pikunin, tatawa tawa yan pero deep inside napipikon, bigyan mo lang yan ng brownies bati na kayo nyan, paborito nya yun e."

"Clyde, usapang lalaki to ha... Minsan ba nakaramdam ka ng kakaibang feelings para kay Jane? Yung talagang gusto mo siya?"

Kinabahan bigla si Clyde at pinagisipang mabuti ang sasabihin

*Tumawa ng malakas* 

"Ano ka ba pare!! Hinding hindi ako nagkagusto dun sa pangit na yun. May taste ako sa babae noh, saka gusto ko girly girly ayoko ng may pagka-boyish. E parang mas lalaki pa nga yun saken e."

"Saka ang baho kaya minsan ng kili kili nun kala mo di naliligo.... Di pa marunong mag-ayos ng buhok.. Nakakatawa talaga pag kasama mo yun... Saka......."

Biglang napahinto si Clyde sa pagsasalita

"Clyde, wag mo na lang sasabihin kay Jane na kinausap kita tungkol dito ha. Baka kasi sabihin nya wala akong tiwala sa kanya"

"Oo naman pre, tara basketball tayo. Shoot shoot lang"

"Ah, mabuti naman pre. Ayoko kasing maagaw siya ng kahit sino... Mahal na mahal ko yang best friend mo. Swerte ko nga sa kanya e. Napakamaalaga at sobrang sweet"

"Ahhh basta nandito lang ako para sa inyo.."

"Pede bang favor Clyde?"

"Sige ano yun?"

"Gusto ko sana, hindi kayo laging nagkakasama ni Jane... Hindi naman sa nagseselos ako pero ako kasi yung boyfriend. Mas karapatan ko na kami yung mas magkasama"

"Bakit naman ganun pre? Bestfriend ko yang si Jane e"

"Sana maintindihan mo naman pre. Naaapektuhan kasi ako."

"Pero pre......."

"Please Clyde, diba sabe mo nandyan ka lang samin para tumulong... Kahit itong paraan na lang yung gawin mo para tulungan yung relationship namin... Umiwas ka muna sa kanya"

"Sige pre"

"Salamat pre"

Umuwi na sina Clyde at Cj sa kanilang mga bahay

Kinabukasan

...

...

...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon