Chapter 5- Ang Paghahanda II

1K 10 4
                                    

~

(Pagawaan ng lobo)

"Uhm, kuya magkano po magpagawa ng lobo? Yung medium size, color red po"

"Yieeee, para ba yan sa girlfriend mo? Ang sweet mo naman. Hahaha"

"Ha? Hindi po eh, sana nga po siya na lang yung girlfriend ko. Hayy. Kaso kaibigan lang po talaga ako sa kanya ehh. Hahaha"

"Hayy. Pagibig nga naman. Malay mo, ikaw pala ang gusto niya, ikaw lang pala iniintay niya"

"Nako kuya! Napakalabo po nun, ito nga pong mga lobo na papagawa ko po sa  inyo para po sa future boyfriend po niya. Sasagutin na po kase niya sa 14. Hayy."

"Wag kang mawalan ng pag-asa bata. Tignan mo, pakiramdam ko. Ikaw ang panalo sa huli. Hahaha. Tama na ang pagkamartyr. Aminin mo na sa takdang panahon"

"Sana nga po, kuya talaga. Pinapaasa mo naman ako eh"

"Di ah. Wala naman kaseng mawawala kapag inamin mo sa kanya diba?"

"Marami pong mawawala kuya. Malaki po...... Kapag inamin ko po sa kanya, may possibility pong mailang sya saken at tuluyan pong lumayo, mawawala po ang pagkakaibigan namin at mawawala ang babaeng pinakamamahal ko"

"Kaya mo yan bata. Ako ng nagsasabe sayo, kumuha ka lang ng tamang tsempo. Hahaha. Ohh eto 214 ang lahat"

May naalala si Clyde sa  mga numerong yan. Natatandaan nyo ba, ayan ang room nila ni Jane ng una nya itong makilala...

Tahimik lang si Clyde. Halatang may iniisip.

....

....

....

"Hoy bata! Hahaha. Napapaisip ka ba sa mga sinabe ko?"

"Ha? Hahahahaha. Hindi po kuya, ohh eto na po yung bayad. Salamat po "

---

Habang naglalakad si Clyde pauwi sa kanila. 

Clyde's POV

Baka nga tama si kuya, hindi pa huli ang lahat. Kaya ko to? Kaso pano yun? Magiging sila na? Wala na. Hayyyy. Lintek  na buhay talaga to. Bobo ko talaga. Torpe forever. Anu ng gagawin ko? Sasabihin ko ba  kay Jane yung totoo? Di ko na alam, nalilito na ko. Ohsheeeet. 

May kumalabit bigla kay Clyde

Napalingon si Clyde.

"Uy Gino! Nagbalik ka! HAHAHAHA. Kamusta bakasyon mo sa Cavite? Namiss kita ha? HAHAHAH" 

"Uyy para saan ang mga lobo na yan? Hahaha. Para ba kay Jane? Yieeee."

"Di eh. Bigo ako pre eh. Para to sa 14, sasagutin na kase ni Jane si Cj. Talo na ko"

"Aruuuuuy! Alam mo kung baket?"

"Baket?"

"Kase TORPE ka! TORPE! Hahahahahaha"

Binatukan ni Clyde si Gino

"Ang sama talaga nito. Hahaha. Ganun talaga, minsan kailangan mo magsakripisyo para sa taong mahal mo. Baka kase hindi naman nya ako gusto eh. Ayos na saken na nagiging taga-advice niya tapos yung tipo na kaibigan na lagi nyang makukwentuhan"

"Kahit nasasaktan ka na?"

"Wala naman ganyanan  pre. Hahahaha. Masakit yun ah."

"Gising na kase ehhh. Osha, dito na yung bahay ko, galing lang ako sa simbahan ehh, alam mo naman, choir. Hahaha"

"Osige man. Bahala na. Dito na din ako, magkatapat lang naman bahay natin eh. Hahaha. Adik to"

---

(Santos' Residence)

"Ma! Nakauwe na po ako"

"Yieee, para ba kay Jane yan?"

"Wala ako sa mood ma, pede po pakilagay na lang dun, tapos kukunin ko bukas"

"Di ka ba kakain?"

Umakyat si Clyde sa kanyang kwarto na halatang badtrip

"Uyyy Clyde? Kumain ka nga"

Snob...

Snob...

Snob...

"Uy Clyde?!"

"Ma, masama po pakiramdam ko, bukas na lang po"

Pumasok si Clyde sa kwarto

Kinuha ang cellphone niya

10 messages, 6 missed calls

from Jane Cruz

"Wow ha? Hahaha. Kinikileg naman ako dito" pabulong ni Clyde

Nagreply kay Jane....

(Text nila Jane at Clyde)

"Naks. First time to ha? Baket miss mo na ako? Hahahaha"

Nagreply agad

"Ha? Asa!! Hahahaha. Ehhh, gusto ko lang kaseng ma-sure kung nagawa mo yung sa balloons"

"Ahh ganun ba, ayos naman. Okay na"

"Yes! The best ka talaga! Hahahaha"

"Hahaha. Ako pa? Sige na, bigay ko na lang bukas"

"Sige salamat talaga Clyde!! Hahahaha"

End of Conversation

---

Humiga si Clyde sa kama, nagmumuni-muni

Clyde's POV

Di ko na alam gagawin ko. Shet. Anu ba talaga gagawin ko. Masakit na masaya. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan na ko. Sinasabe ng puso ko na dapat sabihin ko na sa kanya kaso pinipigilan naman ng utak ko. Anu ba yan.....

Nakatulog si Clyde

---

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon