=CHAPTER 1=
ANG MAGPINSAN
Nung akong unang nag-birthday, nakilala ko ang aking mahal na pinsan siya ay si Samantha Domenique Ramos pero kailangan niyo ng papel at lapis dahil marami itong nickname . Sam,nik,nikki,niknaks,mimi ang ilan sa kanyang mga nicknames at dati nakatira sila sa JulianSubd . At nung nagpatayo ang aking lolo at lola ng bahay na hanggang 2 floor sa likod ng aming bahay doon na sila tumira... subaybayan niyo po ang aking kwento beginner lang po ako.
=============================================================
Noong buwan ng Abril...
' WOAH! Everybody, wake up, wake up.. Haegadunda!'
Pinatay ko na ang alarm sa cellphone ko at pumunta agad ako sa likod kung saan nanduon ang bahay ng pinsan ko na si Ate nikki. Umakyat ako sa kwarto niya at pagpasok ko.. Hay naku! Sabi ko na nga ba eh, tulog pa rin si sleeping beauty!
Sinubukan ko siyang kalabitin, pero walang epekto. Sinubukan ko rin siyang hampasin ng unan, pero wala pa ring effect! Niyug-yog ko na siya at hinampas, pero nag-stretch lang siya at patuloy pa rin sa pagtulog. Ano ba yan?! Paano ko ba gigisingin to?!
*TING!*
Bigla na lang may pumasok sa isip ko na magandang ideya! WAHAHAHAHA!! Tumakbo ako pabalik sa bahay namin at nagpaluto sa lola ko ng dalawang longganisa at isang sunny side up. Kumuha ako ng kanin at inayos na lahat. Bumalik ako sa kwarto ni Ate Nikki at itinapat yung pagkain sa ilong niya! Maya-maya na lang at bigla na lang siyang dumilat na parang bangkay na nabuhay ulit!
"UY LONGSILOG!! PABORITO KO!!" sabi niya.
"Hay salamat naman at nagising ka rin!" sabi ko at inabot na sa kanya yung pagkain niya. Ang takaw talaga nitong babaeng to! Pero hindi naman siya mataba ah! Alam niyo kung anong palagi niyang sinasabi kapag sinasabihan siyang matakaw?
"Isa na ako sa mga pinagpalang matakaw na hindi tumataba!" <--- YAN! Yan ang number 1 motto niya.
Habang kumakain si Ate Nikki sa kwarto niya, ako naman nagfacebook muna gamit yung laptop niya dun sa kwarto niya. Habang nagfe-facebook ako, biglang nag-message sa akin si Bea.
Ito yung convo namin:
Bea: Shana, pwede ba kayo ni Ate Nikki mamaya?
Ako: Anong oras?
Bea: Mga 4 ng hapon.
Ako: Sige. Sabihin ko na lang kay Ate.
Bea: Okay. Mamaya ha.
~ End of Convo ~
Si Bea ay isa sa mga kaibigan namin ni Ate Nikki simula pa nung mga bata pa kami. Hanggang ngayon ay magkakaibigan pa rin kami. Sinabi ko na kay Ate Nikki yung pinagusapan namin ni Bea kanina at pumayag naman siya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=CHAPTER 2=
MEET THE GROUP
Dumaan ang ilang oras at 2:30 na ng hapon. Pumunta ako sa bahay uli nila Ate Nikki para sabihan na siya na maligo na at mag-ayos kasi pupunta na kami kela Bea mamaya-maya. Ang tagal pa naman nitong maligo! Halos aabutin ng isang oras! Kaya umakyat na ako sa kwarto niya at sinabihan na.
"ATE! 2:30 na! MALIGO KA NA!" sabi ko sa kanya.
"Oo Alam ko!" sabi niya. Nakita ko na tumayo na siya at kumuha ng damit sa cabinet niya at kinuha na rin ang tuwalya niya tapos naligo na.