=CHAPTER 3=
TWO NEW MEMBERS
SHANA'S P.O.V.
Kilala ang grupo namin dito sa lugar namin, kami kasi ang palaging nagi-intermission sa mga okasyon at iba pang importanteng activities sa loob at labas ng lugar namin. Ngayon naman, naghahanda na kami para sa upcoming auditions na gaganapin dito sa amin. Star Search ata yun? Ewan.. Basta! Si Ate yung may alam dun! Nasa kanya yung papeles eh.
Habang naghahanda kami.. Ay! Mali pala.. Habang nasa kanya-kanyang mundo kami..
Si Mimi - Binabasa yung mga papeles
Si Ate Nikki - Kanina pa sumasayaw.
Si Irish - Kanina pa may kausap sa Cellphone niya.
Si Angel - Naglalaro sa Ipad niya.
Si Bea saka si Kyla - Kanina pa naghaharutan
Ako naman - Kanina pa nakatitig sa kanila.
Maya-maya na lang biglang nagsalita si Mimi kaya lahat nakatuon na sa kanya.
"Guys! Kulang tayo ng dalawa pang members!" sigaw niya.
"Ha? Bakit?" tanong ni Ate Nikki.
"Sabi kasi dito, 8 members and up ang kailangan para maka sali." sabi ni Mimi.
"8? eh bakit gusto mo dalawa?" tanong ko.
"Para puwede na natin gayahin yung idols natin. Puwede na tayong gumawa ng SNSD mini group." explain ni Mimi.
"Ahhhh.. Okaaaayy.." sabi namin.
"Eh, saan naman tayo hahanap ng dalawa pang members?" tanong ni Kyla.
"Ah! Ako! May kilala ako!" excited kong sabi.
"Sino?" tanong ni Ate Nikki.
"Kilala mo yun diba Ate?" tanong ko.
"Sino nga?" sabi niya.
"Si Kuki!" sabi ko.
"Ahhh..." sabi niya.
Tinanong nila kung saan nakatira si Kuki. Sinabi namin na malapit lang sa amin yun, actually katabi lang ng bahay namin yung bahay nila eh. Alam namin ni Ate na fan din si Kuki ng SNSD kaya siguradong makakatulong siya sa grupo namin.
"Kuki!!" tawag namin ni Ate Nikki sa kanya at maya-maya na lang lumabas na siya.
"O? Bakit?" tanong niya.
Siya si Glynis Lorraine Gascon. Kuki na lang for short, ewan ko, basta yun yung tawag sa kanya eh. Mas matanda sa akin ng isang taon. Mahilig siyang Sumayaw at Kumanta. Masayahin pero madaling mainis at magtampo, Mabait at Masayang kasama, Matalino rin. Parehas rin kami ng School na pinapasukan. Kaya kadalasan sabay kami pumasok.
"Sali ka sa grupo namin!" aya ni Ate.
"Eh?! Talaga!" sabi niya.
"Oo! May Auditions Next week kaya kailangan na namin makumpleto ang grupo!" sabi ko.
"Sige! Sige!" sabi niya.
"Ayos! Isa na lang ang kailangan natin kumpleto na tayo!" sabi ni Mimi.
"Ako! May kilala ako!" -Kuki.
"Sino?" -Kami.
"Basta." sabi ni Kuki at naglakad na kaya sinundan na lang namin siya. Maya-maya na lang nakarating na kami sa isang magandang bahay, simple lang siya pero maganda!
"Jana!" sigaw ni Kuki.
"Bakit?" sabi nung lumabas na babae, siguro siya si Jana.
"Sali ka sa amin! Dali!" aya ni Ate.
