Twenty-fourth

6 0 0
                                    







Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo at katawan ko. I tried sitting but my head really hurts. What the fuck happened? I stared at the ceiling at inalala and I wish I didn't do so. Sinubukan kong unti-unting umupo at nagawa ko naman. I saw two tablets and water beside me on the table, may note pa na "Eat me." Well, I did. Alam ko naman kung para san yun. Napansin ko ang kamay kong may benda na at kinapa ko ang ulo kong may band aid na din.









"Feel better son?" I didn't look at her at tuloy tuloy na lumakad papunta kung saan andoon ang Jack Daniel na kagabe ko pa sinimulang inumin.









Nagsalin ako ngunit bago ko pa nalagok ay kinuha na niya sakin ang baso. "It won't resolve anything son. Kahit magpakalunod ka pa sa alak." Paliwanag niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Then what will? Huh? Can listening to you resolve anything?" Sabay iwas ko ng tingin.







"I know you are mad son, but atleast listen. Kailangan mong malaman lahat para maintindihan mo kung bakit ko to ginawa. I just did it dor your own sake." She explained. She fooled me for my own sake? Really? "For my own sake? So I deserve to be fooled?" I asked sarcastically. "You should've told me the truth kesa pinagmukha niyo kong tanga!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napagtaasan ko na siya ng boses.







She was staring at me and I saw her mouth opened but no words came out of it. She sighed. "Alam ko kung ano ang kasalanan at mali kong nagawa. Hindi ko ipipilit sayo anak na tama ako kasi alam na alam kong mali ang ginawa ko. I just want to clear things to you kasi karapatan mong malaman ang lahat ng nangyari at kung anong totoo. Naka-plano na ang pag-amin ko kaso may nangyari, hindi ko inasahan na mbubuntis si Zerina--I mean Lauren, kaya hindi ko na nagawang magsabi sayo agad at ikaw na mismo ang nakaalam."









For a moment I have forgotten na buntis nga pala si Zerina. No, she's not. What's her name again? Lauren? Buntis nga pala ang babaeng yun. I can't even believe na nakabuntis ako ng ibang babae, kahit kelan hindi pumasok sa utak ko na mangyayari to. At hindi mangyayari yun kung hindi nila ko niloko. Kasalanan nila yun. But the child was mine, it's mine. What am I going to do now? This is fucking wrong! Ayoko na munang isipin yun ngayon. Hindi pa ko handang intindihin yun ngayon.





















"Yeah, it's my right to know the truth in the FIRST PLACE! Kung hindi ko pa pala narinig ang pag-uusap niyo ng babaeng yun mabubuhay pala ako sa kasinungalingang wala akong ka-ide-ideya! YOU RUINED MY LIFE!" Galit na galit kong isinigaw sa kanya. Hinawi ko ang Jack Daniel at baso na nakapatong sa lamesa dahilan para bumagsak yun at mabasag. Nakawala na ang galit na pilit kong pinipigil para subukang intindihin ang sasabihin niya. Ibinagsak ko ang mga palad ko sa lamesamg tinutunguan ko dahilan para gumalabog ito ng malalas. But I can't even give her an hour to talk because every word that came out of her mouth digs my anger inside. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang makinig sa kanya.















"Tita what's happening? Christian?" I heard a familiar voice. A voice I've known was my wife's. Pero hindi na ko ulit maloloko nun. Hindi na ulit. What the fuck is she still doing here? I told her to leave, ang kapal ng mukha niyang magstay dito. But I didn't bother to say it, masyado na kong napuno kay Mom at baka wala ng matirang matino dito sa bahay na matino.




























"Nothing iha, I-uhh... We're alright. Just--" I didn't let her finished. "I want you two to get out! NOW!" I shouted. "Alright son, I understand that you are not yet ready to listen. Pero kung sakaling handa ka na para sa katotohanan, at kaya mo ng makinig ng kalmado, puntahan mo lang ako sa office ko. Just please don't drown yourself here and on alcohol. I know your wife doesn't want you to do that." Pagkatapos niyang sabihin yun, lumabas na siya ng kwarto ko.

































How dare her say something about what my real wife wants. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ako magkakaganito. They ruined me already! Ano pang pagsira sa buhay ko ang magagawa ko kung sirang-sira na ko dahil sa ginawa nila?















Hinilot ko ang sentido ko at pilit pinakalma ang sarili ko. I keep on asking myself what did I do wrong for my life to messed up like this. But that moment, something hit me.








My wife. This all means my wife is...is...gone.











At bumuhos na ang luha ko. Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan niya kong iwan? Nangako siya. At...ano bang nangyari sa kanya? Paanong nawala siya? Wala na akong ibang maramdaman ngayon kundi sakit. Ito ang katotohanan di ba? Wala na siya. Hindi ko ata kaya to.









Zerina...bakit mo ko iniwan? Please tulungan mo kong maintindihan.










Nagsusumamo ako na parang sigurado akong naririnig niya ko. All my life she's all that I've wanted. Wala akong hiniling na kahit ano kundi ang makasama siya habangbuhay. Umaayos naman na hindi ba? Maayos na kami. Maayos na siya. Bakit kung kelan magiging masaya na kami, ganito ang nangyari?










Tuloy ang pagbagsak ng luha ko. I couldn't do this without her. Paano na ako ngayon?

Once We WereWhere stories live. Discover now