Their first problem?

52 2 0
                                    

Justine's POV

haaay ano ba naman itong si Jaicah ang Panget este napakaraming tanong. Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin sa kanya eh. At hindi ko pa kaya. Baka kasi magalit siya. 

"Wala nga akong problema eh"- ako

hindi siya sumagot at nag cross arms pa, kapag ganyan isa lang ang ibig sabihin, 'hindi siya naniniwala'.

kaya napilitan na akong sabihin. "Osige sige, ganito kasi yan. Si Mama kasi...... pinag-aaral ako sa ******* university para doon mag college"

Jaicah's POV

"Osige sige, ganito kasi yan. Si Mama kasi...... pinag-aaral ako sa ******* university para doon mag college"

"Osige sige, ganito kasi yan. Si Mama kasi...... pinag-aaral ako sa ******* university para doon mag college"

"Osige sige, ganito kasi yan. Si Mama kasi...... pinag-aaral ako sa ******* university para doon mag college"

Simula noong maghiwalay kami kahapon, lagi na lamang yan umuulit sa isipan ko. Simula kasi noong grade 1 magkaklase na kami. Iniisip ko, pano pag nag high school na kami, sino na lang ang lagi kong makakasama? Sino magpapakopya sa akin sa mga tests at assignments? Haaaay ang hirap.

pinag-aaral siya dun ng Mama niya kasi baka makapasa siya sa science class. Well meron namang Science class sa malapit na university dito kung saan ako mag eexam pero mas advance doon. Alam ko naman na makakapasa siya doon eh kasi matalino talaga ang Bestfriend ko. Siya nga ang running for valedictorian namin eh. Ako? pang 3rd lang ako sa klase namin eh pero maliit lang ang agwat sa 2nd..

Lumipas ang Linggo at eto Lunes nanaman nitatamad nga akong pumasok eh. Pero kailangan pumasok para maabutan ko ang 2nd.

Noong nasa room na ako, hinanap ko agad si Panget. Wala pa siya siguro late lang. Dumating na yung teacher namin.

"Class absent for today si Mr. Gabriel dahil mageexam siya sa ******** university, so ipagdasal natin siya para makapasa ok?" - maam

Ay oo nga pala bakit ko nakalimutan ngayon nga pala ang exam doon. Hindi ako nagexam dahil hindi ako pinayagan doon masyado daw malayo. Minsan iniisip ko na sana hindi siya makapasa para magkaparehas pa rin kami ng University pero ano nga ba naman ako para pilian siya ng university tsaka para din naman yon sa future niya.

Martes na siyang pumasok ang sabi niya mukhang hindi siya makakapasa dahil mahirap ang exam. Natuwa ako ng kaunti dahil doon.

"mahirap ba talaga?"- ako

"oo eh"- siya

":)" - ako

"oh eh bakit ka nangiti jan? namomroblema na nga ako natutuwa ka pa! *pout*" -siya. ang cute niya talaga lalo na kapag nag pout na siya!

"hindi naman, ayaw mo nun magkaparehas pa rin tayo ng skul kung saka sakali."-ako

"haaay"-siya

"bakit ayaw mo?"- ako

"hehe hindi naman,, ang kyut kyut talaga ng bestfriend ko!"- siya sabay pisil ng pisngi ko. Magrereklamo pa lang ako ng dumating na yung teacher namin.

Wala na kaming masyadong ginagawa dahil sa Friday malalaman na ang top namin. Kinakabahan na ako ajuju.

Bestfriend Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon