Fastforward na tayo ha.
Friday na ngayon which means malalaman na ang aming top. Kaya kabang kaba na ako.
"Hahaha si Panget kinakabahan!"- Justine
"Anong kinakabahan? Hindi kaya!" -ako
"anong hindi, eh mauubos mo na yang kuko mo! hahaha!"-siya oo nga pala kapag kinakabahan ako, kinakagat ko lagi ang kuko o daliri ko.
"Palibhasa kasi alam mo na ikaw talaga ang magiging valedictorian eh!" totoo naman iyon eh siya sure na eh ako nagdedelikado pa.
"Hahahaha siyempre pogi ako eh!" ang yabang talaga. *Ting *evil smile!
"Hoy ayoko ng ngiti mo na yan ha! Alam kong pogi ako pero wag mo namang ipahalata na may gusto ka sa akin!" Haaaay ang yabang talaga! tinapat ko sa kanya yung daliring kinakagat ko ahihihi. Siya naman layo ng layo. Tapos bigla siyang tumakbo kaya hinabol ko siya wahahahaha *evil laugh.
"Ano ka ba Panget kadiri ka naman eh!" hahaha takbo kami ng takbo sa loob ng room.
"Haaay nako nagiisip bata nanaman po ang Lovebirds!"- si carol, siya ang 2nd sa amin. Tapos tumawa sila.
tumigil kami sa kakatakbo, "Anong lovebirds!" sabay pa kaming sumigaw. Kaya mas lumakas ang pagtatawanan ang mga kaklase ko.
"Ano ba naman kasi wag ka ngang nakikisabay!" - sabay nanaman kami. Kaya yung mga kaklase ko parang mamamatay na kakatawa. Buti nalang at dumatingna si Ms. Salome kaya natigil silang lahat. Tabi kami ni Justine ng upuan.
"First I have a good news to say,,,,, Mr. Gabriel here,,, passed the examination in ******* University!" ha anong good news dun? para na akong maiiyak habang siya, nagsasaya. Kinongratulate siya ng lahat pati na ako.
"P-panget congrats!" pinipigilan ko talaga ang maluha eh.
"Panget nakapasa ako! Yesss!" ang saya saya niya.
"And now for our top!" hay naku mas lalo akong kinabahan ng sabihin na iyan ni mam!
Tulad nga ng inaasahan, si Justine nga ang Valedictorian.
"And our Salutatorian,,, is,,,,
Ms. Carol!!!, Congratulations!!" ayan tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.
Nakita ni Justine na umiiyak na ako kaya pinunasan niya ang mga mata ko. Tapos bigla niya akong niyakap. Sa pagyakap niya na iyon para akong nakuryente. Kuryente na ngayon ko lang naramdaman. Kakaiba.
"Shhhh stop crying na Panget.. thats ok lang naman eh.. high school pa lang naman tayo, may college pa, shhhh tahan na Panget, sige ka mas lalo kang papanget nyan!" sinabi niya iyan habang nakaakap pa rin sa akin. Alam kong were making a scene here pero I dont care about that. All I am thinking now is,,, I love his hug! And I don't want this moment to end and now, napatunayan ko na talaga,,, :)
Dahil sa yakap niya, nakalimutan ko agad ang problema ko, haha corny ba? di maiwasan eh haha, at dahil ayoko ng pinagtitinginan, no choice, bumitaw na ako sa yakap.
"Ok na ako Panget, sorry nabasa ko yung shoulder mo. Ahhh Carol congrats ha!"
"Ahhh salamat, Jaicah!" wala naman kaming away nitong si Carol eh, friends pa nga kami eh.
Habang may inaanounce si maam sa harap, biglang bumulong si Justine sa akin. "Hoy akala mo walang bayad ang pagpahid mo ng luha at sipon sa shoulder ko? Mamaya ka sa akin! *evil smile*" Napakunot na lang ako ng noo sa sinabi niyang iyon.
Ako lagot? Haaaay nako may binabalak nanaman ito!

BINABASA MO ANG
Bestfriend Ka Lang
Novela JuvenilAng pinaka mahirap na atang mangyayari sa tao ay ang mainlove sa 'bestfriend'