Introduction

7 0 0
                                    


HEYLI- Isang mahinhin aat very popular girl sa campus nila na kinabibilangan nina Jovan, Hono at Leira. Popular siya dahil sa angelic face at kahanga-hangang talino niya. Mabait din ito sabi ng marami. Kaya ganoon na lang ang gulat ng marami nang mapadawit ang pangalan niya sa isnag "siga", sa loob at labas ng campus nila. Maraming nagtaka kung bakit ito ang napili niya sa kabila ng maraming edukado at mayayamang lalaki na naghihintay na mapansin niya.

  -Noong hapon ding 'yon, hindi akalain ni Heyli na magbabago ang lahat. Naghihintay lang siya kung saan sila magkikita ng kasintahan, Ngunit may masamang nangyari. Nang magising siya, nasa harap na siya ng isang mala-dyosang nilalang.


JOVAN- "The Lucky Bad Boy" kung tawagin ng nakararami. NAging gf niya kasi ang isang Heyli ilang buwan na ang nakalipas. Unti-unti siyang nagbago simula nang makilala niya ito. Minahal niya si Heyli at naisip niyang yayain na itong magpakasal pagdating ng panahon. Gusto na niyang maengage dito bago sila magtapos ng pag aaral. Hapon, bago ang graduation nila, binalak niyang magpropose dito. Nagpatulong siya kay Hono dahil sobrang kinakabahan siya nang may nangyaring hindi inaasahan sa kanilang tatlo nila Hono at Leira. Napunta sila sa mundong puno ng kababalaghan. Isinisisi niya ang lahat kay Leira; kung bakit sila napunta doon at kung bakit wala nang katiyakan pang makikita niya si Heyli.


HONO-  Matalik na kaibigan. Isang tahimik at edukadong tao siya kaya nagulat din ang lahat na ang isang kagaya niya ay naging kaibigan ang isang "Jovan". Marami siyang naririnig na hindi maganda tungkol sa kaibigan ngunit hindi niya ito pinapansin. Iba ang pagkakakilala niya kay Jovan, taliwas sa sinasabi ng marami. Mabait , matulungin at mapagmahal na kapatid si Jovan. Mainit lang talaga ang ulo sa mga taong mayayabang at mapang api.

  Tutulungan niya ang kaibigan sa planong pagpropose sa gf nito ngunit may hindi inaasahang nangyari nang hapong iyon. Sinisisi ni Jovan ang lahat kay Leira. Habang nasa ibang mundo, madalas niyang maitanong sa sarili kung bakit sila napunta doon.


MERI- Isang mind reader na nagmula sa kakaibang mundo. Kasalukuyan siyang nagprapractice ng kanyang skill kasama ang nakababatang kapatid. Laking gulat niya nang magising siya sa hindi pamilyar na lugar kasama ang ng ibang nilalang sa isang madilim na disyerto. 


SHIYOU- Isa siyang kilalang babaylan sa kanyang panahon. Nakikipagdigma siya sa masasamang espiritu gamit ang kanyang banal na pana at sibat nang higupin siya ng black hole. Pagkamulat ng mata niya ay bumungad sa kanya ang kakaibang kasuotan ng tatlong tao na sa tingin niya ay nagulat din sa kanya. Hindi niya matandaan kung naong nangyari pero kailangan niyang makabalik sa kanyang pinanggalingan. 


LARIZ- Isa siyang pilyang magician galing sa Oz, lugar kung saan matatagpuan ang lahat ng uri ng mahika. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban. Isang malagim na pangyayari sa kanyang buhay ang magaganap kung hindi siya hinigop ng black hole. 


YURIKA- Isang prinsesa  na itinakdang maging Majesah(katumbas ay hari). Hinahanap niya ang kanyang nakatatandang kapatid na sa palagay niya ay sobrang sumama ang loob dahil hindi siya ang itinakda. Kahit siya ay nagtataka din sa nangyari. Gusto niyang hanapin ang kapatid upang ibigay ang trono ngunit hind ito mahanap. Ayon sa kanyang tagapag-ulat may nakakakitang umalis ito kasama ang hindi kilalang nilalang. Lumipas ang isang taon na paghahanapa at dumating ang araw ng koronasyon; may nangyaring kaguluhan at kasabay noon ay ang paglaho niya sa lugar na iyon. 


LEIRA- Mahilig siyang mag-experiment. Isang buwan bago siya maglaho sa Earth nakakita siya ng malapit ng mamatay na halaman sa kakahuyan, likod ng campus nila. Inuwi niya ito sa bahay at itinanim sa maliit na paso. Dahil sa pag-eexperiment nya, nakakilala niya ang matalik na kaibigan, si Heyli. Tinulungan siya nitong magamit ang laboratoty pag vacant hours. Naging mabilis ang pangyayari at naging bff sila. Nakilala din niya ang bf nito at si Hono. 


The PortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon