THE PORTAL

4 0 0
                                    


PART I- LEIRA"S EXPERIMENT

   Isang hapon, nakakita si Leira ng kakaibang halaman na nalalanta na sa kakahuyan, likuran ng laboratory ng campus nila. Siya kasi ang nakatokang maglinis ng araw na iyon. Kinuha niya ang halaman at nagbakasali na mabubuhay pa ito kaya iniuwi niya sa bahay nila. Kaagad niyang inilipat sa isang maliit na paso. Pansamantala niyang tinapatan ng flashlight ang halaman, paarawan na lang niya ito bukas. 

   Kinabukasan pag gising niya, laking gualt niya nang makitang buhay na buhay ito at tila may sumisibol sa dulo ng tangkay. Ilang araw ang lumipas at namulaklak ito. Sa ilang araw na pagsubaybay dito, masasabi niyang ngbago lang ang kulay nito ngunit hindi lumaki o nadagdagana ng dahon. Dahil doon mas lalo siyang naexcite na pag aralan ang halaman ngunit wala siyang sapat na kagamitan sa bahay nila. Dahil doon, palihim niyang dinadala ito sa lab. Namungga ito isang linggo bago sila mawala sa mundo. Napaktigas ng kulay berdeng bunga nito, nangingislap na parag diamante.


PART II- NEW FRIENDS

   Nakilala niya si Heyli isang buwan na ang nakalipas. Nahuli kasi siya nito na lihim na gumagamit ng lab. Student councilor si Heyli at kinausap siya nito tungkol dito. Ipinakita niya ang kanyang halaman at naamazed ito sa nakita at nalaman. Ngunit sinabi pa rin nito na hindi tama ang kanyang ginagawa at kailangang ipaalam ito sa kinauukulan. Nakiusap siya kay Heyli na bigyan pa siya ng one week after nun siya na mismo ang magsasabi sa kanila. Nahirapan siyang mapapayag si Heyli. Sa huli, nalaman niyang mahilig din pala ito sa experiments kaya lang masyado siyang tungkulin sa campus. Napapayag niya ito! Nalaman din niyang kwela din ito. Naging malapit sila sa maiksing panahon at nakilala din niya ang supladong si Jovan at gentlemen na si Hono. Madalas narin niya nakakasama ang mga ito. Nalaman narin nila ang ginagawa nilang experiment ni Heyli. Ayaw ni Jovan sa ginagawa nila. Una pa lang, ramdam niya ang pagkadigusto sa kanya ni Jovan. Gumagawa naman siya ng paraan para maging ok sila dahil nalulungkot si Heyli. Alam din iyon ni Jovan kaya isang linggo bago sila mawala, unti-unti na silang nagiging kumportable sa isa't-isa. 


PART III- THE BLACK HOLE

  Sa last day of experiment niya kinailangan niya ng magbabantay sa halaman dahil pakiramdam niya may di mangyayaring hindi maganda ngayong araw sa halaman. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. Ngunit kailangan niya magpatake ng exams today. Nakasalubong niya 8:30am sina Jovan at Hono. Pinakausapan niya ang mga ito kapalit ang pag gawa nang lahat ng gawain nila after class. Dalawang oras ang lumipas ng dumating siya sa lab. Laking gulat niya ng makit ang dalawa na hawak ang tig-isang bunga ng halaman. Gaya ng una, nangingislap ito. Lakad-takbo niyang pinuntahan ang dalawa. Kakaiba talaga ang pakiramdam niya sa mga bungang iyon. "Pinitas nyo?" naramdamang ng lalaki ang tensyon sa boses ni Leira. "Hindi, kusang nanlagas ang mga bunga," sagot ni Hono. "May problema ba?" mahinahon pa nitong tanong. Walang imik si Leira at nagkatinginan naman ang magkaibigan. Biglang nanlagas ang natitirang bunga. Lalong kinabahan si Leira sa hindi malaman na kadahilanan. "Tutal nandito ka na, mauuna na kami sayo." pukaw ni Jovan sa tulalang si Leira. Nagkatinginan ulit ang magkaibigan. Tumango si Hono, "Aalis na kami," at humakbang na palayo sa babae. "Pakiusap, wag muna kayong umalis." pigil niya. Dahil sa kabado si Jovan sa gagawing pagpropropose napagtaasan niya ng boses si Leira. "Bakit ba?! Kanina ka pa namin hinihintay dito! Sumunod naman kami sa usapan ah!" angil ni Jovan. Ipinagtapat ng dalawa ang plano nila kaya pumayag din naman agad siya sa kasunduan. Masaya siya para sa kaibigan. Nakikita niyang mahal nila ang isa't-isa. Nagmamadali siyang makabalik sa lab para masubaybayan ang halaman at maagang makaalis ang mg bagong kaibigan ngunit ganoon ang nadatnan niya.. Mabilis naman inawat ni Hono si Jovan. "'tol,...(yumuko naman si Jovan, napahiya ito)..Leira, may problema ba? May kailangan pa kasi kaming gawin, alam mo yun diba? Kung may kailangan ka pa, sabihin mo na at kung ok lng mamaya ko na gagawin." ramdam na rin ang pagmamadali sa tono ng boses ni Hono. Dahan-dahan niyang pinulot ang nanlagas na bunga sa table. Nang maiangat ang kamay upang pagmasdan ang bunga ay bigla itong nagliwang, nakasilaw na liwanag. Kasabay noon ang pagliwanag din ng mga bungang hawak nina Jovan at Hono. "A-anong nangyayari??" sigaw na tanong ni Jovan. Isang malaking hole ang bumungad sa tatlo at hinigop sila. "A-anong-??!" nausal ni Hono. Ilang segundo ay umalingawngaw ang kanilang mga tinig, "Aaaaaaahhhhhh!!!" Nacurious ang mga estudyante sa labas sa narinig na nangaling sa lab.  Agad nilang pinasoka ang loob ng lab ngunit wala silang nakita ni hayop o bagay na pwedeng mag cause ng ganoong ingay. Napansin nila na bukas ang isang sliding window. Sumilip sila sa labas at may napansing paparating na dalawang lalaki. Nilagpasan nila ang bintana. Nagkatinginan ang mga estudyante. Isinara ng isang babae ang bintana. Inisip nila baka may napadaan at nagkabiruan. Break time that time. 


Upcoming... Part IV- The Unfamiliar World with A Beautiful Mysterious Priestess


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The PortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon