Chapter 1: First Day
Mon's Point of View
"Ahhww!" malakas kong sigaw na kasabay din ng pagbangon ko sa kama. "Ano ka ba naman kuya! Ang aga aga nang-iinis ka naman!" pasigaw kong sabi sa kanya habang nakahawak sa aking tenga.
Nako! Kainis talaga yang si kuya Cliff na yan sa tuwing umaga ay palagi niya na lang akong pinipitik sa tenga. Pano ba naman daw kasi ay makailang tunog na yung alarm clock ko eh hindi pa ako nagigising kaya naman ay pinipitik niya na lang ako sa tenga para daw magising ako. Kabwisit diba?
"Hoy Monay! Kanina pa nandyan si Dexter! Mga bandang 6:30 a.m. nandito na siya. Monay! 7:00 am na oh! Bilisan mo na at magbihis ka na dahil male-late ka na. First day of school mo pa naman ngayon!"
"Hah! Ano?! Bat di mo ako agad ginising kuya? Late na ako tuloy." mariin kong sabi sa kanya.
"Kanina pa kita ginising pero di ka naman magising-gising! kaya dalian mo at maligo ka na at magbihis." Pagmamadali niya sa akin.
"Mauna na ako hah! Kita na lang tayo school." aniya. Mabilis na umalis si kuya kasi late na siya. At ako naman ay naiwan na dito sa bahay, naligo at nagbihis na rin ako at agad na akong lumabas para puntahan si Dexter na kanina pa naghihintay sa akin.
"Uy! Dexter sorry ah kung kanina ka pa naghihintay, di kasi ako agad ginising ni kuya." nahihiya kong sabi sa kanya.
Pano ba naman kasi pwede naman na siya mauna sa school eh at doon na lang kami magkita, diba? Kaso mas gusto pa rin niya na sunduin ako kahit na alam niyang male-late ako.
"Hay nako! Wala naman ng bago sa pagiging late mo sanay na ako doon noh!" Nakangisi niyang sabi sa akin. "Okay lang yun basta ikaw, ang lakas mo kaya sa akin."
Nahiya tuloy ako sa sinabi nyang yun. "Ah hehehe😅 tara na pala. Ma-late pa tayo eh."
"Ah sige pala. Tara sakay ka na." pagyayaya niya sa akin na sumakay sa kanyang kotse.
Gustong-gusto kong sumakay sa kotse niya pano ba naman kasi blue ito, as in pure na blue ang kulay nito at favorite ko ang blue eh kaya gustong-gusto ko dito.
Pagdating namin sa school sobrang dami na ng tao pano kasi anong oras na rin. Pagdating namin sa gate ay nagpababa na ako doon kay Dexter para sya na lang magpunta sa parking lot para ipark ang kanyang sasakyan.
"Ah Dexter dito na lang ako sa gate ikaw na lang ang pumunta doon sa parking lot di ako ganong makalakad eh masakit yung paa ko. hintayin na lang kita dito sa gate".
"Ahh ganon ba ah sige wait ka lang dyan at ipapark ko lang itong sasakyan ko" utos nya sa akin
Naglakad-lakad muna ako habang naghihintay kay Dexter. Ng biglang makita ko si kuya cliff nakatayo sa gate na parang may hinihintay.
"Uy kuya!" Masigla kong bati sa kanya. "Bakit di ka pa pumasok? Ikaw ha! May hinihintay kano.?" Pang-aasar ko sa kanya
"Anong sinasabi mo dyan? Wala akong hinihintay noh."
"Sigurado ka kuya ah" nakangisi kong sabi sa kanya
"Eh bat ikaw. Hindi kapa pumapasok? Sinong hinihintay mo?" Nakangisi nyang tanong sa akin.
"Hinihintay ko lang si Dex, nagpark pa kasi sya ng kotse nya e."
"Kayo ba?" Tanong ni kuya
"Hindi ah. Bestfriend ko lang sya noh." Mariin kong sabi sa kanya.
"Ok! Sige pasok na pala ako" pagpapaalam nya sa akin
Ito talagang si kuya na ito palagi nya na lang tinatanong kung ano bang meron sa amin ni Dexter, e. Wala naman actually meron mag Bestfriend kami at yun lang yun.
Napatalon na lang ako sa gulat ng biglang may tumapik sa balikad ko.
"Oy ano ba! Wag ka namang manggulat ah" sabi ko sa kanya habang nakahawak sa aking dibdib.
"Ok sorry!. Tara na pala pasok na tayo bago pa magtime." Pagyayaya nya sa akin
Naglalakad na kami ngayon sa mga room ng Grade 10 para tignan ang mga pangalan namin kung saan ang aming room. Laking gulat ko na lang ng biglang nakita kong magkahiwalay ang aming pangalan.
"Uy Dexter nakita ko na yung pangalan ko" wika ko sa kanya habng tinuturo ko ang pangalan ko doon sa papel na nakadikit sa pinto ng room. "Dito pala ako sa room 101, ikaw nakita mo na?"
Tanong ko sa kanya."Ahh oo dito o." Sabay turo din nya doon sa pangalan nya na nasa papel na nakadikit sa pinto. "Room 105 ako, sayang di tayo magkaklase" malungkot nyang sabi.
Nakita ko agad ang lungkot sa mukha nya ng makita nya na hindi kami magkaklase pano first time ito mangyayari kasi simula kinder ay magkaklase na kami at ngayon lang kami naghiwalay.
Naglalakad na kami ngayon papuntang Cafeteria ng biglang magring ang bell.
Kringgg.Kringgg.Kringgg
Ito na yung hudyat na kailangan na naming punta sa aming mga room.
"Tara na Mon" pagyayaya nya sa akin
"Sige pala" sagot ko sa kanya.
"Hatid na kita sa room nyo tutal medyo malapit lang naman yung room namin doon eh"
"Ahm. Sige ikaw bahala"
Naglakad na kami ngayon papunta sa room namin ng makita kong ang unti palang pala namin, siguro maraming late pero buti na lang at mababait ang mga teacher dito at hindi nagbibigay ng parusa once na late ka.
"Ahh. Sige na Dex ok na ako dito pwede ka ng pumunta sa room nyo" pag-uutos ko sa kanya.
"Ahh. Sige una na ako"
Naglalakad na sya paalis ng bigla ko syang tawagin
"Nakalimutan kong mag thank you, thank you sa paghatid, yun lang sige bye" kumaway na lang ako
"Ahh. Yun ba wala yun sige una na ako" pagpapaalam nya sa akin
Pagpasok ko sa room namin sobrang ingay parang may world war i mean room war dito sa room namin makikita mo na lang na nagliliparan na ang mga papel, feeling ko tuloy mali atang room ang napasok ko. Lalabas muna ako ng room para magCR ng biglang- may nabangga ako sa tapat ng aming pinto
"Aww. Nako sorry di ko sinasadya" nahihiya kong sabi habang nakayuko
"Wala yun basta sa susunod ay titignan mo ang dinadaan mo ah" malamig nyang sabi
"Nako sorry talaga" paghihingi ko ng sorry
"Nako kung saan kaman pupunta wag ka ng lumabas at baka dumating na si Maam." Pag-uutos nya sa akin
Pumunta na lang ako sa upuan kung saan dalawa dalawa lang ang upuan so punta ako dun sa upuan kung saan bakante pa ang dalawang upuan. Medyo na sa gitnang row ako.
Biglang na lang syang lumapit sa akin at tumabi sa upuan ko. I mean yung nakabangga ko kanina
At doon sya sa tabi ko umupo.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Novela JuvenilMinsan ang tao tanga pagdating sa pag-ibig, palaging naghihintay ng taong para sa kanila pero di naman natin sila masisi. Minsan kasi dumating na siya pero di mo napansin, lumingon na sa'yo kaso nilingon mo nga siya kaso inalis mo agad kasi may hina...