Prologue

110 1 1
                                    

TONY'S POV:

"It's going to be alright! You'll get over with her in time. At least, you tried. Sabi nga nila, siya ang nawalan, hindi ikaw." she said to make me calm.

Kinuha ko ang basong may lamang alak sa ibabaw ng mesa. Nilagok yun hanggang sa maubos. "Why can't I make her mine? Tell me, is there something wrong with me?" tanong ko sa kanya. May nakita akong kakaibang emosyon sa kanyang mga mata, somehow, I can see that she's hurt too. I don't know why, maybe because her bestfriend is broken-hearted, or because she's... No, I'm just imagining things. Pinigilan ko ang aking sarili sa pag-iisip ng kung anu-ano.

"No, there's nothing wrong with you. Baka hindi lang talaga kayo para sa isa't isa? Atsaka, malay mo, makahanap ka ng iba na mas deserve mo"

Inalis ko ang tingin sa kanya. Kasi habang tumatagal, parang hinihigop ako ng mga mata nya. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Uminom nalang uli ako. Kanina pa ako dito sa labas ng bahay ko. At kanina pa rin nandito sa tabi ko ang bestfriend ko, dinadamayan ako. Nasa bench kami sa may kanang bahagi ng garden. Madilim kasi may punong humaharang sa ilaw ng garden. Medyo tipsy na ako, kaya nasasabi ko na ang aking mga hinanakit. "Ang sakit! Ang sakit-sakit kasi kahit gaano ko pa kagustong maging akin siya, she wouldn't let me." May luhang tumulo mula sa mga mata ko.

Niyakap niya ako. Napasandal ako sa mga balikat niya. How rude. Dapat ang lalaki ang nagbibigay ng kanyang balikat para iyakan ng babae. Pero ang nangyari, siya pang babae ang hinihingahan ko ng sama ng loob. Tinitigan ko siya. Just how lucky am I to have her. Nasa ganoon kaming posisyon for one minute. Hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at hinagkan ako. Her lips are so soft, maybe the softest lips I have ever tasted. I closed my eyes because of the sensation. Pero muli rin akong napamulat ng mabasa ang aking pisngi ng luha. Ngunit hindi ako ang may-ari ng luha, kundi siya. Siya, umiiyak siya. Inilayo ko ang mukha ko mula sa kanya. I can't afford to see her cry. I cup her cute face and wipe off the tears. And then my finger landed on her lips. They're still moist. I can't control myself, her lips are so tempting. I kissed her. That's all I remembered before everything went black.

"I love you Tony!"

Kissing Tony in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon