Chapter 1: Slept with him

60 0 0
                                    

Jade's POV:

Pagkatapos akong tulugan ng walanghiyang bestfriend ko habang nasa gitna kami ng mainit na halikan (charroott!!) ito nga at tinutulungan o mas tama sigurong sabihin na binubuhat ko siya papunta sa kwarto niya. Ang bigat naman ni Tony, haissstttt kung 'di ko lang 'to mahal, pinabayaan ko na ito sa labas. Next time na mag-inom ulit ito at ako ang kasama, sisiguraduhin kong hindi niya ako tutulugan, hellloo, ayoko nang magbuhat no?

.............................

Pagkatapos ng 123456789 centuries, nakarating din kami dito sa kwarto niya. Inihiga ko siya sa kama, ngunit dahil sa mabigat nga siya na-out balance ako at napahiga din sa ibabaw niya. Yung parang nasa mga pelikula lang, sa part na nagi-slow motion, tapos nagkakatitigan, at minsan nauuwi pa sa kissing scene. Ang kaibahan nga lang, hindi kami nagkakatitigan, kasi nga tulog siya, at ako lang ang nakatitig sa kanya. Nasa ganoon kaming posisyon for about 1 minute. Hanggang sa gumalaw siya, ibinaling niya sa kabilang direksyon ang ulo niya. OMG!!! hahalikan na naman kaya niya ako? Hanubayan... excited na ako. I closed my eyes. 1... 2... 3… 4… 5…  Ang tagal naman! pero nag-intay pa rin ako 6… 7… 8… 9… 10... At narinig ko na lang siyang mahimbing ang tulog!!! Dumilat na ako. Pambihira naman o, akala ko kissing scene na eh. Tsssss. Umalis ako sa ibabaw niya at pumunta sa gilid niya. Ang sarap sa pakiramdam na katabi kong matulog si Tony, kinuha ko ang isang braso nito at yun ang ginawang unan, at niyakap at sumiksik ako sa kanya. Inaantok na rin ako kaya ipinikit ko na ang aking mga mata at nagsimula na ring matulog.

Kissing Tony in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon