Paalam Desi-otso

399 20 17
                                    

Pebrero desi-tres, Lunes..

Sa gitna ng halakhakan at pilyong usapan, nasa tabi si Pipay– nakaupo, nakangiti, nakasandal sa pader ng silid-aralang pinaglumaan ng panahon, habang inaalala ang mga masasayang panaginip na parang hindi naaalintana ng malakas na ulan.

Umaga pa lamang ng Lunes ay damang-dama na niya ang panahon. Sabik, saya, at kaba ang kinakabog ng kanyang puso. Pati ang mga silyang nakahilera sa kanyang tabi ay sumang-ayon sa kanyang hindi maipaliwanag na nararamdaman. Ni mga patak ng ulan ay nakikipaghabulan sa bilis ng patak ng pawis sa kanyang mga kamay.

Sabay sa agos ng kanyang tuwa ay lumapit si Pipay sa dulo ng silid-aralan. At sa tapat ng bintanang tumatawag sa malakas na hangin, ay sinulat niya sa alikabok ang pangalan ng kanyang irog— ANASTACIA.

Sariwang-sariwa pa sa kanyang alala kung paano sila nagkakilala ni Ana.

"Aray! Magdahan-dahan ka naman." Sambit ni Pipay sa babaeng kakapasok pa lang sa punong elevator.

"Sorry miss, mahuhuli na kasi ako sa klase kapag hindi pa ako sumakay." Sagot ng babae.

"Kung hindi ka lang maganda." Ang nasa isip ni Pipay.

Si Anastacia ang babaeng naging dahilan kung bakit natutong gumamit ng pulbo at lip tint si Pipay, siya ang babaeng gumising at pumukaw sa natutulog na taghiyawat ng dalaga.

"Marga, Marga... alam mo ba, may nakita akong artista kanina sa elevator, si Bea Alonzo 'ata." Kwento ni Pipay sa kanyang katabi sa klase.

"Di nga? Alam ko na 'yang hirit.. nung una, sabi mo may nakita kang kamukha ni Coleen Garcia, eh ang layo naman. Naniwala ako." Ang sagot ni Marga.

"Haha! Alam mo ba ang salitang biro lang? Ang corny nito! Pero akala ko talaga siya si Bea Alonzo. At alam mo kung ano?"

"Ano?"

"Tinawag niya akong Miss."

"Eh ano ngayon?" Tanong ni Marga.

"Hindi mo alam? Edi, napansin niya ako."

"Ang babaw ng eksplanasyon. Wooh!" Ang natatawang sagot ng kaibigan.

"At alam mo kung ano pa?" Muling tanong ni Pipay.

"Oh ano pa?" Hirit ni Marga.

"Haha! Nagtagpo ang aming mga mata. At doon nakita ko ang kagandahan ng kanyang kaluluwa. Marga, feeling ko..."

"Ano na naman?" Taas kilay na muling tanong ni Marga.

"Feeling ko.. crush ko na siya."

"Baliw ka talaga no? Para sa salitang Miss? At dahil lang sa pagtatagpo ng inyong mga mata? Bahala ka na nga. Samahan mo na nga lang ako sa canteen, kukunin ko lang 'yung aklat ko." Sambit ni Marga sabay hawak sa braso ni Pipay.

"Ang OA mo rin no? Pero crush lang, tara na nga!" Sagot ni Pipay at nag patianod naman sa naglalakad na kaibigan.

Sa canteen...

"Asan na ba yung lokong 'yun?" Inis na turan ni Marga.

"Marga, hanapin mo muna 'yang lokong iyan, naiihi na ako eh. Give me five seconds. Haha." Ang pilyang turan ni Pipay sa kaibigan at sabay nag mamadaling tinungo ang comfort room.

Matapos ang limang minuto...

"Marga, wala pa ba 'yung kaibigan mo? Ang tagal ah." Nayayamot na tanong ni Pipay.

Paalam Desi-otsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon