Prologue

17 3 2
                                    


WARNING: Kung tinatamad kang magbasa ng Prologue, skip this one :) Hindi naman masyadong mahalaga. Nagsulat lang ako nito kasi sa tingin ko kailangan XD HAHAHA.

PROLOGUE

"Hindi ko alam kung saan nagsimulang maging malabo. Nakita ko nalang isang araw, at nalamang hindi niya ako mahal. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong magkaamnesia at makalimutan lahat ng ala-ala namin.

Kapag kaya hindi ko siya maalala o hindi ko na siya kilala, mas magiging maayos ba lahat ng nangyayari ngayon? Kapag nawala ba ako sa buhay niya, mamimiss at hahanapin niya ako?

Ang sarap isipin. Ang sarap isipin na sana ganun nga. Kaso, sa mga nangyayari ngayon, buo na ang loob ko na hindi niya na ako kailangan sa buhay niya.

Sana makalimutan ko siya. Kahit ito lang sana ang matupad na wish sa buong buhay ko. Kahit ito lang."  - Olivia S. de Guzman

--

"Mahal na mahal ko naman siya eh. Kung sa totoo nga lang, siya ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Pero, ewan ko ba, paggising ko nalang isang araw, hindi na ako sigurado sa kanya.

Lumipas ang ilang tao at naging masaya naman ako. Tapos, bigla ko nalang ulit siyang nakita, at this time, hindi niya na ako kilala. Wala na siyang idea kung sino ako. Pati nang mga kaibigan niya, hindi na ako kilala. Putang ina. Ano bang nangyayari sa mundo? Nasa isang bangungot ba ako?

At bakit ganito, nasasaktan ako. Nasasaktan ako, na hindi na ako ang dahilan kung bakit siya masaya. Nasasaktan ako, na isang normal na kakilala nalang ako sa buhay niya.

Shit. Hindi ko na alam ang gagawin ko". - Mark Anvel H. Mendoza

-

Author's note: Please bare with my prologue! I'm not good at doing things like this. Hahaha. Pasensya. And WARNING, kung isa kang reader na masyadong concious (or should we say 'maarte') sa grammar, etc etc, HINDI PARA SA'YO ANG BOOK NA 'TO.
Lahat ng mga pangalan na nasali sa book na 'to, lugar at pangyayari ay purong FICTION lamang. Imagination. Yes, ilusyonada ako. Hahahaha! At kung mahilig ka naman sa DRAMA, LOVE, MAGIC, AT MGA KALOKOHAN, Go! I made this for you!

Ang baliw na author ng book na 'to,
Jhelyn

© All rights reserved 2016

Magic Whistle (Teen Fiction)Where stories live. Discover now