Prologue

7 0 0
                                    


April H. Renas, 17 year old. Have tasted a beautiful kind of love but lost it. Somehow it led to a better conclusion and decided that she will carry it on.

Philip R. Panganiban, 17 year old. A big coward when it comes to love. Had the biggest chance then he let it slide but destiny has put him into test. The love of his lifetime give up her treasured first love and come to know his existence. Everyone knows what he feels for her except the girl herself. This time, he let himself let loose all the feelings he had suppressed in order to get her.


                                                                                        ***


#Philip

"April? bangon na oy! male-late tayo nyan! Oi!" tanghali na kasi hindi pa siya nabangon. Kinatok ko ang pinto ng kwarto nya pero wala pa rin akong nakuhang sagot kaya binuksan ko na ang pinto at yun!

Nakahilata pa nga sya sa kama.

Hinila ko ang kumot nya at di sinasadyang makita ang maputi nyang ehem.....

"perv...." bulong ni April na nakatingin na pala sakin. Nakangiti pa yan!

"Asa namang pagnanasahan kita, tumayo ka na jan tanghali na"

"yaw ko"

"yaw mo?" Nagpa-cute pa ang potek.

Lumapit ako sa kanya at kinapitan sya sa paa. Nagsimula na akong kaladkarin sya.

"Oy oy oy oy! oi oi oi OI! oi---aray!" Angal ni April ng bumagsak sya sa kama, hindi kasi sya nakatuon

"Hinayupak ka Philip! OY! bababa na ko ng akin OY! Utang na loob hagdan na yan oi! Ouch!" bigla ko binitawan ang paa nya

"Lalakad ka din pala ng iyo, paarte ka pa"

"Isusumbong kita kay Kuya! hindi mo na ako ginalang" bigla syang tumayo, humarap sa akin at nagpa-mey-awang "Young Lady mo kaya ako!" sigaw nya sakin na nakakunot ang noo

"that stupid smirk of yours is pissing me off, get ready for revenge" napataas naman ang kilay ko. Hindi ko naman kasi sya inaasar, naasar sya ng kanya.


#April

Napakagalang na alipin! oo hindi ko sya bodyguard isa syang alipin! Aalipinin ko sya maghapon!

"hoy ikaw alipin! ipagluto mo ako ng breakfast ngayon din!"

"done" pokerfaced nyang sagot

"ang bathtub ayos na?"

"yeah"

"ang kotse nalinnis mo na?"

"oo"

"linisin mo ulit baka maalikabok pa!" ngumiti lang ang kumag sakin saka lumapit. Napaurong naman ako.

"Young Lady April, ayos na po lahat kayo na lang po ang hinihintay ko para mapagsilbihan ko kahit na hindi mo ako alipin at bodyguard slash driver mo lang ako" nagbow pa sya sa akin "tara na po sa kusina para makakain na kayo ng umagahan, malamig na ang pagkain kasi kanina pakita ginigising tulog mantika ka naman! alam mo ba kung anong oras na? kapag na late ako kasalanan mo yun at humanda ka sakin, sinabihan na kita kahapon na mag set ka ng alarm clock! para san pa yung alam clock mo dun sa kwarto kung di mo gagamitin huh!"

"sinesermonan mo ba ako!?"

"Hindi po Young Lady, PINAGSASABIHAN KITA!! maghilamos ka na at kanina pa naghihintay ang pagkain, bilisan mo na!" sabay tulak nya sakin sa banyo.

Ikaw na Pala 3 April's ForeverWhere stories live. Discover now