#Philip
Sa sobrang normal na namin ni April kapag kasama ang isat isa, hindi na kami nagkakaroon ng "awkward moment" parang wala na din kaming "spark" as in normal lang na para kaming magkapatid na nagsasalo sa iisang bubong pero ibahin nyo ngayon kasi..... sa ganitong klase ng sitwasyon hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko, namamawis din ang mga palad ko, kami lang dalawa ngayon, walang naimik samin ni April tapos hindi sya matali sa kinauupuan nya, nasa loob kasi kami ng KOTSE ngayon at punyemas naman sya ang nasa driver's seat! Alam nyo na...
"tsk! asan na ba ang susi na yun" please lord wag nyo po ipapakita kay April ang susi
"ayun! Nakita ko din!" wah....! Lord bakit nyo ako pinabayaan....
Tuwang tuwa si April habang isinusuot ang susi, napalingon pa sya sakin
"ang putla mo Philip may sakit ka ba? Di bale idadaan muna kita sa ospital" sa ospital nga ata diretso namin nito
"ano....April"
"hmmm?" ngiting ngiti ang halimaw na ito kaya hindi ko masabi na ninenerbyos lang ako wala akong sakit, sa tingin nyo anung dapat kong gawin ha? A. sabihin ang totoo at hayaang mabulbog ang sarili ko B. Manahimik at hayaan na lang na mabunggo kami O C. Manalangin tayo!
Wah....! Nagstart na sya magdrive! Ama namin sumasalangit ka sambahin ang ngalan mo mapasa amin ang kaha-----eh? SMOOOOOOOTH! Smooth ang byahe, wah!? I LOVE YOU LORD!!!
"kelan ka pa-"
"nung nasa Japan ka, lagi ako nagprapractice magdrive nagpapaturo ako kay Boyet" napanganga ako, she really learned to drive! bilib na ako kay Boyet, pero racer naman ang kupal na yun kaya sanay na sya madisgrasya
"san tayo pupunta?"
"ospital" huh?
"wala akong sakit April" sumilip pa ulit sakin si April at tila pinag aaralan ang mukha ko
"sigurado ka? Ang putla mo kanina eh"
"okay na ako" J concern sya sakin? Nice!
"okay! Diretso na tayo kina Boyet anung oras na ba?" tanong nya kaya naman napatingin ako sa relo ng kotse
"10:15" pm
"eh... were 15 minutes late! Guess we need a little speed"
"April wag mo sabihing---" then she instantly stepped hard on the accelerator at napadait ang likod ko sa sandalan
Grabe daig pa ni April ang lasing kung magdrive ng paspas, tinatahi nya ang daan! I subconsciously peek at her she's enjoying herself driving like crazy and with a couple of minutes we arrived at our destination. I feel like throwing up.
Nagsilingon lahat sa bagong dating na kotse at tila sikat na pinalibutan kami ng mga tao, lumabas mula sa driver's seat si April at agad syang binati ng mga ito, lumabas ako ng kotse at tila hindi nila ako nakita kasi si April ang kadaldalan nila. Sikat ba si April dito?
"yo!" napatingin ako sa lalaking tumapik sakin mula sa likuran
"Boyet" napalingon ako sa babaeng nakakapit ngayon sa braso nya si Apple, steady na nga talaga ang dalawang ito
"welcome to the underground race" wika ni Apple
"sikat na sikat si April dito ah"
"ahahahahaha kung alam mo lang kung gano sya kalala nung mga unang beses pa lang sya magrace" komento ni Boyet
Napalingon kaming tatlo kay April, she's always smiling at mukhang nag-enjoy sya nung mga panahong nasa Japan ako, habang ako nun nagdedeliryo sa pagkamiss sa kanya, pinuntahan naman nya ako nun at natuwa talaga ako kaso, kapag may nalalaman akong mga bagay tungkol sa kanya na alam na ng iba tapos ako ngayon ko lang nalaman parang naiinis ako sa sarili ko, bakit hindi ko alam to? Sana ako na lang ang nagturo sa kanya mag drive sana hindi na la---
YOU ARE READING
Ikaw na Pala 3 April's Forever
HumorPagkauwi ni Philip galing Japan ay nagsimulang muli ang bagong istorya nila ni April ngunit dahil sa sari-sariling responsibilidad ay napabayaan nila ang kanilang relasyon. Magagawa kaya nilang panghawakan ang pangako nilang dalawa sa harap ng altar...