Chapter III His Other Side

6 0 0
                                    


#Philip

Pagdating namin sa storage house ayaw ako pababain ng tatlong probinsyana tapos si April ang pinalabas nila sa driver's seat, pahirapan mandin, may gusto daw silang ipakita sakin kaya hindi na ako umangal, dumiretso sila dun kasama si April nanunuod lang ako mula sa sasakyan, bahagyang nakasandal para di Makita ng mga tao duon, medyo madaming tao kasi araw ngayon ng pag-iimbake.

Napalingon sakin si Demira at bumaling din sa kanila, maya maya lumabas mula sa storage house si Klein ang anak ng pinagpaubayaan ko sa pangangalaga sa kalupaan namin, sa farm at sa mansion, galit na galit ito at parang sinesermonan ang lahat ng tauhan, matagal din syang nag-tatalak duon, baka may nagawa ang mga tauhan na di nya nagustuhan pero hindi dapat sya ganito sa kanila, hindi kami ganito trumato sa mga tauhan, kahit noon pa man ramdam ko na ang ibang ugali ni Klein hindi ko lang alam na mas lumala pala sya. Natuon ang pansin nya kay April, lumapit sya doon at gulat naman si April na napa-ayos ng tayo, tiningnan sya ni Klein mula ulo hanggang paa saka ngumiti at umakbay kay April. Ha!

#Demira

"Klein!!" sigaw ni Sir Philip pagkatapos nyang padabog na isara ang pinto ng sasakyan, huh!! Ano ka ngayon Klein dumating na ang tunay na amo namin, tapos na ang paghahari-harian nyo ng pamilya nyo

Gulat na gulat si Klein ng makita si Sir Philip bakas naman ang tuwa ng lahat ng tauhan ng makita ang dati naming amo

"P-Philip, nandito ka?" nauutal ang leon ngayon ah

"anong meron dito at hindi pa inaayos ang mga i-iimbak? Katanghalian na dapat kanina pa itong tapos"

"itanong mo sa mga yan, ang babagal, puro reklamo pa" tsk! kung binigyan nyo sana agad kami ng pondo kanina tapos na sana ito kanina pa!

"Ka Demi, anung ibig sabihin nun?"

"ah-ano po kasi Sir Philip, yang...tungkol sa pondo para sa gasolina ng trucking at harvester, natagalan po kami kasi..."

"kulang sa pondo? Bakit kinulang sa pondo?" sabay tingin ni Sir Philip kay Klein

"a-ano kasi—" naputol and pagpapaliwanag ni Sir Klein ng sumigaw na si Sir Philip

"bitawan mo nga si April, babae mo ba sya at kung maka-akbay ka parang magkakilala kayo ah!" medyo may talim ang boses ni Sir Philip kaya walang nakaimik napabitaw naman agad si Klein

"Klein, Ka Demi sumama kayo sakin sa mansion doon tayo mag uusap!" yan na ang hinihintay namin, magkakabukingan na

"ah- Philip yung tungkol sa mansion ano kasi, pinapa----"

"nakasangla na po ang mansion nyo Sir Philip" hindi ko na napigilang sumabat, magsisinungaling pa kasi si Klein eh, nabasag ang katahimikn sa may tumunog na bagay

Napahugot sa bulsa nya si April at sinagot ang tawag, ang ganda ng cellphone nya, touch screen ata ang tawag sa ganun ang lapad! Lumabas si April at sinundan sya ni Sir Philip, pero bago sya umalis tumingin sya kay Klein

"sumama ka samin Klein, ngayon na"

#April

"pasensya na nga eh palowbat na pati ako, ha? Ah eh.... Bukas na lang nasa bu—" hinila ni Philip ang cp ko at sya ang nakipag usap

"ano bang bagay na yan at hindi makapag intay ha?" eh!!! Galit pa din si Philip, kausap nya ngayon si Deina, hindi ko lubos maisip na napapagtaasan na nya ng boses si Deina, galit nga sya ngayon

"napakaliit na bagay! Ako ang pipirma bukas na bukas pag kauwi namin" sabay baba nya ng tawag at inihagis pabalik sakinang cellpgone ko, muntik ko ng di masalo, napanguso na lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw na Pala 3 April's ForeverWhere stories live. Discover now