His Point of View (one shot)

130 25 9
                                    

A/N: Eto na po yung kay Zack at Mika, BUT madami pang kulang dito, as in madaming madami pa... Wala pa rin dito yung totoong ending. Ginawa ko lang po 'to para sa one shot writing contest na sinalihan ko. So ayun abangan niyo na lang po yung mas mahabang version nito, yung kumpleto. Kumowo! ^-^

 

His Point of View

 

“I look at the picture everyday,

but she doesn’t remember me…

So, I miss her even more.”

 “Oi Kuya naniniwala ka ba sa destiny?” tanong ng little sister ko na si Suzy.

 

Zack Min Lee is my full name. Korean citizen, pero may lahing Pilipino.

Ang babae sa aking panaginip…

Hinanap ko siya.

"Kung sakaling makalimutan kita, pangako... gagawa ko ng paraan para maalala ka."

Unti-unting nagliwanag ang paligid, kasabay ng unti-unting paglalaho ng babaeng kasama ko.

"Sandali lang, huwag mo kong iwan!"sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya.

"Oo hyung hindi kita iiwan." (hyung- brother)

Pak!

Sabay bagsak ng unan sa mukha ko. Nakita ko si Jumbo na nakaupo sa tabi ko.

"Oh, may tawag ka," mahinahon na sabi niya habang inaabot sakin ang iphone ko.

“Sir nahanap ko na siya.”

Dahil sa binalita ng private investigator ko, napauwi ako sa Pilipinas. Gusto kong makumpirma kung siya nga yon.

Kasama kong umuwi sa Pinas ang pinsan kong si Vince at tropa kong si Jumbo.

“Siya po yun,” turo ng imbestigador sa babaeng nakatayo sa harap ng cake shop.

“Hyung, siya ba yung hinahanap mo?” tanong ni Jumbo.

“Ulul, pano ko malalaman e nakatalikod nga,” kunot noong sagot ko.

“E di lapitan mo na!”

Hinila ako ng dalawang ugok.

“Teka-teka lang!” pagpigil ko.

Nung nasa likod na ko nung babae, tinulak nila ko.

Blaaaag!

Saktong humarap yung girl kaya naitulak ko siya at tumapon yung cake na hawak niya.

“Mhiane,” bulong ko.

Pinagmasdan ko siya. Walang duda, siya nga yung babae sa panaginip ko. Unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko palapit sa kanya.

Sh*t  ang ganda!

Yayakapin ko pa sana, pero bigla siyang umupo sa sahig at nagsimulang umiyak.

“Uwaaa!” iyak niya.

“Yung cake ko, yung cake ko!” Parang bata siyang nagngangawa.

“Aist! kapag hindi ka pa tumigil, pahahalikan na kita sa kanya.”

Tinuro ko ang mataba at maitim na si Jumbo.

Umiling naman siya at tumigil sa pag-iyak.

Masaya ko na nahanap ko na siya, pero mukhang hindi pa ito ang tamang oras para kausapin siya.

I kissed a frogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon