Chapter 1

49 2 0
                                    

"Good Morning Mom, Dad. I miss you.."

"...Ang tagal niyo na din palang hindi nakakauwi no? Nako mom, dad, kung alam niyo lang kung gaano namin kayo namimiss."

"...Miss na miss na talaga namin kayo mom and dad. Kung pwede nga lang sanang ibalik yung oras eh matagal ko nang naibalik. Gagawa na ako ng time machine, pero kahit naman ata gaano ako katalino eh parang imposible naman ata yun hehe.."

"...Mom, dad, you don't need to worry about us ha. Mababait kaming mga anak at naaalagaan naming maigi ang mga sarili namin. Actually ate's doing good naman po sa pagpapatakbo ng business natin. Si Ashlyn naman ay running for Valedictorian. Nakakaproud po diba? Syempre mana saakin eh. Ako naman mom, as usual, matalino padin, mabait, pero medyo may onting kalokohan hehe."

"...Oh, I almost forgot to say sorry mom and dad. Sorry po kung hindi ako nakasabay kila ate at nagkunyaring may pupuntahan ako. I just don't want them to see me like this. I know that they're also trying their best not to look hurt pero siyempre hindi naman po maiiwasan yun diba? *sigh* miss na miss ko na talaga kayo mom and dad. I still can't believe that a year without you two has already passed. Sana po masaya kayo diyan. I love you."

After saying those last words, tears fell down from my eyes. I tried to fake a smile because I know that mom and dad won't be happy if they'd see me crying. A year has already passed but their memories are still fresh on our minds. They died 'cause of a car accident. It was very painful for us because we didn't just lose one parent, we lost both. After that tragedy our "ate" became our mom and our dad. She was always there for us. She never left our side since then.

Tatlo kaming magkakapatid. Lahat kami babae. There's ate Astrid Yurie, our little sister, Ashlyn Yvette, and then there's me, Anica Ysabel. Kami ang naiwang tagapagmana ng AM Corp. na pinagmamayari ng mga magulang namin. AM means Astrid Montegallo, Anica Montegallo, and Ashlyn Montegallo. Hindi pa man kami nagagawa ng mga magulang namin ay saamin na nakapangalan tong business nila. Mom and dad worked really hard for this business. Sobrang daming sakripisyo ang ibinigay nila dito kaya naman grabe din namin kung alagaan ni ate ito simula nung nawala sila mom and dad.

Naka graduate na si ate ng college, ako naman ay graduating palang, while si Ashllyn naman ay graduating na din siya as a high school student. We all share the same dream, and that dream is to be successful in our own ways.

Simula nung nawala sila mom and dad ay palagi na kaming nagshashare sa isa't isa, at mas lalo din kaming naging close na magkakapatid. We still have our own privacy padin naman kahit ganon, specially when it comes to our love life. Si ate wala pa yatang balak mag boyfriend. Samantalang kami naman ni Ashlyn ay meron na. Ate Ayu (Astrid) has her own reasons why naman kaya hindi na namin pinapakealaman. Tanggap naman kasi ni ate na meron na kaming boyfriend kaya malaya din kaming nakakalabas. Pero syempre may limitations din, lalo na pagdating kay Ashlyn.

Kanina pa ako kwento ng kwento eh hindi niyo pa nga pala ako nakakapagpakilala ng maayos haha. Ako ng pala si Anica Ysabel Montegallo. I'm one of the heiress ng AM Corp. Am Corp. handles branches of restaurants and hotels all over the world. Kaya naman madalas sabihin ng mga taong nakapaligid saamin na napaka swerte daw namin pero ang hindi nila alam ay napakahirap namang patakbuhin nitong negosyong naiwan nila mom and dad. Buti na nga lang ay nakapagtapos na si ate ng college sa kursong, BS Entrepreneurship na yun ding tinitake ko ngayon. Si Ashlyn naman, gaya ng sabi ko kanina ay graduating palang sa high school, and I think she's planning to become a lawyer which was my second choice. Kaya naman masaya ako na yun ang naiisipan niyang i take.

As for now, everything's going well. But that doesn't mean that we're not going to encounter problems anymore.

                    **********************

Could my PAST be my PRESENT?Where stories live. Discover now