Chapter 3: Baka matunaw ako nyan!!!

5 1 0
                                    

Elix POV

Pagkauwi ko sa condo na tinitirahan ko ay agad na sumalubong sakin ang ate ko nasa sofa.

"Ano? Dumating ba sila? Hindi diba?" Pagalit na tanong sakin ni ate Myrtle.

Umiling lang ako bigla ng may mapansing bagahe sa tabi ng ate ko.

"Ate? San ka pupunta?" Tanong ko dito.

"Magpapakalayo-layo. Total! Sanay ka namang iniwan diba?" Sabi nya at lumakad na papunta ng pinto.

Sa pagsara nya ng pinto ay agad na lumabas ang luha kung kanina ko pa pinipigilan sa school.

Nagtext na naman kasi si mama at papa na di sila makakapunta.

Ang sakit!

Alam ko naman na may sari-sarili na silang pamilya pero sana magkaroon naman sila ng time para sakin, para samin ni Ate Myrtle.

Patuloy ako sa pag-iyak ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*kring*kring*

Agad kung binuksan ang text.

Unknown number.....

From: 09*********

Hey payatot! Ako toh, si Ryder, yung kababata mo. Nakita ko si Nash kanina kaya hiningi ko tong cp no mo.

Halos tumalon ako sa sobrang tuwa ng malaman kung sino ang nagtext sakin.

To: 09*********

Nasan ka?

Agad kung reply sa kanya.

From: 09*********

Namiss mo ako kaagad? Nandito ako sa park na pinagtatambayan natin nung bata pa tayo. Dalian mo! Miss na miss na kita payatot!

Agad akong nagbihis at pumunta sa park na sinasabi nya.

Nag-commute na lang ako para iwas gastos. Sayang gas eh!

Pagkababa ko ng jeep ay agad kung nakita si Ryder, nakatalikod nga lang.

Ng makalapit ako sa kanya ay agad kung tinakpan ang mata nya.

"Elix!" Pagbangit nya sa pangalan ko. Tinangal ko naman ang kamay ko sa mga mata nya. Pagkaharap na pagkaharap nya sakin ay agaran ko syang niyakap ng sobrang higpit.

Namiss ko sya ng sobra.

"Ang daya mo! Nasa Pilipinas ka na pala, di mo man lang sinasabi sakin. Ilang taon ka ng nakatira dito?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap.

"Almost 1 year na." Sagot nya. "Di ko kasi alam kung saan ka hahanapin simula nung pagbalik ko dito."

Humiwalay na ako sa kanya at sabay kaming umupo sa isang bench.

"Paano mo nakuha no. ko kay Nash?" Tanong ko dito.

"Nakita ko sya kanina sa school!" Sabi nito habang kumakain ng hamburger. "Gusto mo?" Tanong nya.

Tumango naman ako kaya ibinigay nya sakin yung isa.

"Saang school?" Tanong ko.

"Sa Gail Group Academy." Sagot nito habang nakatingin sa mga batang maglalaro sa park.

To The TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon