Chapter 1: Bonny Damsel

2 0 0
                                    

Nash POV

"Yay! I'm so excited for our new school guys!" Yen said with a giggling tone.

Hayyst! Bat ba naman kasi kailangan pa naming lumipat ng ibang school.

OK naman kami sa Jellton Academy, matataas grade namin.

Ewan ko ba dito sa mga magulang namin.

"I'm not excited!" Sabat naman ni Frizzle habang naka-headset. Lagi naman eh. Bilib nga ako sa babaeng toh at nakakaya pa ring makarinig ng mga sinasabi naman habang nagsa-soundtrip ng pagkalakas-lakas.

"Me too!" Pagsang-ayon ko.

"But we need too!" Chill na sabi naman ni Elix!

Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Elix papunta sa new school namin which is Gail Group Academy.

Nasa backseat sina Frizzle at Yen habang si Elix naman ang nagda-drive at syempre, ako yung nasa passenger seat.

By the way, I'm Athanasia Dean Moret but you can call me Nash. Sabi nila, magaling daw akong umarte so hangang ngayon, theatre actress pa din ako. Yay know. At sabi nila, may hawig daw ako sa pusa.

"Nandito na tayo!" Sabi ni Elix saka sya bumaba ng kotse.

Sya naman ang pinaka-mabait kung Friend. Si Elixir Haiku, but we call her Elix. Masayahin sya lagi tuwing kasama kami pero pag kasama nya ang family nya. Feeling nya, hindi sya part ng family na yun. Si Elix yung tipo ng babaeng hindi masyadong nagpapakita ng emosyon, mahiyain at sa malalapit na tao lang nya napapakita ang emosyon nya. Kaya siguro certified N.B.S.B of the town. Magaling din syang sumayaw at kumanta, at sya siguro ang pinaka-unique samin. Blonde hair, big eyes, and she's a half Thai.

Nandito na kami ngayon sa harap ng school gate.

"Gail Group Academy? New school, new life that full of surprises!" Makahulugang sambit naman ni Frizzle.

Frizzle Manyari, the cool one. Sya na siguro ang pinaka-cool na nakilala kung babae. First encounter ko nga dito ay napagkamalan ko pa syang tomboy pero nung nalaman kung nagkakagusto sa lalaki. Sobra akong nagulat. Si Frizzle? Ipinanganak siguro sya para sa music. Gustong-gusto nya ang music, diba halata? Laging nakasukbit yung headset nya sa tenga nya. Mahilig din sya sa mga multo. Malay ko ba jan! Ang hilig-hilig nya sa mga mysterious. Kaya nya ring magpatutog ng kung ano anong instruments, specially guitar.

"Pfft! Nosebleed!"Sabat naman ng pinaka-hyper samin. Sino pa ba? Edi si Yen

Cheyenne Lim our childish socialite fashionista's friend. Sya na run siguro ang pinaka-makulit at pinaka-madaldal na nakilala ko. Pero di naman sya yung madaldal na sasabihin yung mga sekreto mo. Kasi sya rin ang pinaka-magaling magtago ng sekreto samin. Mahilig din syang magpatutog ng mga traditional drums. At mahilig din syang gamawa ng mga nicknames. Sya nga ang nagpangalan sakin ng Nash at Elix naman Kay Elixir. Si Frizzle naman, binatukan ng malakas si Yen bago pa sya mabigyan ng nickname nito. Hahahahahah! Kawawa noh?

Agad naman kaming pumasok sa school.

Pagkapasok namin sa school na yun, ramdam ko yung bigat ng hangin. Parang may kakaiba.

Tumingin ako sa buong paligid and then I saw how students are looking to me I mean to us.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong sakin ni Yen.

"War!" Sagot ni Frizzle.

War?

Busyng-busy pa ako sa pag-iisip sa kung anong war ang pinagsasabi nitong magaling kung kaibigan ng biglang may lumapit saming grupo.

To The TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon