Sa kaharian ng [Festus,Porcius(PORSUS)] o tinatawag nilang mundo ng mga immortal na kung saan nakatira ang magka-ibang lahi.
Ang ipinanganak sa liwanag ,na tinatawag ang mga nilalang na ito na mga SALATHIEL(SALATEL) na nakatira sa Lugar na tinatawag nilang Zebadia.
Samantala, may meron talagang mga nilalang na pinipili parin ang kadiliman , ang pumatay ,ang mag deklara ng digmaan at mamuhay na may galit at poot sa kanilang mga puso. Ang mga nilalang na ito ay mga PARTIANS na nakatira sa magubat ,maingay at madilim na lugar sa ALCELDAMA(alkeldama) kasing pula ng dugo ang kalangitan dito na tila magkaiba sa Zebadia.
THIRD'S PERSON POV
(ZEBADIA)
Nagtipon ang mga malalakas na mga Salathiel sa isang pagpupulong dahil sa patuloy paring digmaan na nagaganap sa Pagitan ng Zebadia at Aceldama.
May isang lalaking nagsalita sa gitna ng kanilang pag-uusap.
"Kailangan na nateng mahanap ang ating prinsesa sapagkat siya'y anak ng ating Hari at Reyna.Kailangan naten siyang hanapin sa mundo ng mga tao"."Subalit paano naten siya hahanapin ? Hinde pa lubos bumabalik ang ating mga kapangyarihan, at ang babaylang Si Rigeva ay matagal nang hinde nagpapakita , na kung saan ang kanyang kapangyarihan lang sa ngayon ang makapagsabi sa kinaroon ng Prinsesa". Singit ng isang matandang babae.
Tila ang isang makisig na binatang lalaki ang nagsalita.
"Susubukan kung hanapin ang sinasabi niyong babaylan"matapang niyang sagot sa mga Salathiel na nagpupulong."Ngunit ang babaylang ito ay wala na sa kanyang tirahan,kung kaya't mahihirapan kang hanapin siya"singit ulit ng isang lalake.
"May awa ang Bathala,kaya't ipagdasal niyo na aking makikita ang sinasabi niyong babaylan"sagot ng binatang lalake.
"Kung gayon aasahan namin na matatagumpayan mo ito ,ang pagpupulong na ito ay tapos na ,maari na kayong bumalik sa kanyang-kanya niyong trabaho"ang sabi ng matandang babae.
Nagsitayuan na ang lahat, at mismong makisig na binatang lalake ay tuluyan nang linisan ang pinangyarihan ng mismong pagpupulong.
____________________
Pagsapit nang umaga ,madaling nag-ayos ang binatang lalake. Kinuha nito ang kanyang pana at sinabit ito sa kanyang balikat.
Agad itong umalis sa kanyang TahanAn at tinahak ang daan patungo sa Quemor(kemor) kung saan naninirahan ang babaylan na si Rigeva._____
Halos mga dalawang araw na naglakbay ang makisig na binatang lalake.Pinagpapawisan itong huminto sa bukana ng Gubat ang gubat ng Quemor.Hindi nag alinlangan ang binatang lalake ,matapang niyang pinasok ang gubat. Naririnig nito ang mga ungol ng mababangis na hayop.
Sa halip siya'y pinanghina-an ng loob ,nagpatuloy siya sa paglalakad,na halos tinatakbok na niya ito.Hanggang sa may nakita itong lumang kubo,isang ihip lang nang malakas na hangin siguradong matutumba na ito.
Agad huminto sa tapat ng kubo ang binatang lalaki.
"Tao po? May Tao po ba diyan?!!" Pasigaw na tanong nang binatang lalake.Hanggang sa huminto na nang tuluyan ang binatang lalake sa pagtawag dahil pagkatapos niyang ulit-ulitin ang kanyang pagtawag ay walang sumasagot.
Kaya't naging dahilan ito na idikta nang kanyang utak na walang tao sa kubo.Hindi nagdalawang isip ang binatang lalaki na pumasok sa loob ng kubo. Sa kanyang pagpasok bumungad sa kanya ang ibat-ibang uri nang gamot na nakalagay sa isang malaking kabinet. May nakita din siyang isang mesa na nakapatong dito na nakakaibang bilog na crystal.
Nilibot nang binatang lalaki ang buong sulok nang kubo ngunit wala talagang tao. Papaalis na sana ang binatang lalake na may nagsalita......
"Umupo ka muna bata"
Halos mabitawan nang binatang lalake ang kanyang pana sa pagkagulat. Na may isang babae na nagsalita sa kanyang likod.
Agad na humarap ang binatang lalake sa isang babae at tinutok ang kanyang pana.
"Sino ka?".tanong nang binatang lalake."Hinde ba dapat ikaw ang aking tinatanong niyan"sagot ng babae
Nang biglang umilaw ng kulaw puti ang kanyang mata.Nagtaka ang binatang lalaki sa nakita. Nang bigla siyang nagsalita."Hinde ka isang Salathiel,anong klaseng nilalang ka?"..Tanong ng binatang lalaki.
"Oo hinde nga ako isang Salathiel" na hawak-hawak na nito ang bilog na kristal sa mesa.
"Isa akong babaylan bata"sagot sa kanya ng babae.Nagulat ang binatang lalake sa mga sinabi ng babae. Kaya agad niyang binaba ang kanina pang nakatutok na pana sa babae.
"Matutulungan mo ba ako?"tanong nang binatang lalake."Ako si Rigeva nag-iisang babaylan sa Zebadia,alam ko ang iyong nais. Tutulungan kita upang iyong mahanap ang mahal na prinsesa. Sapagkat hinde ko kayang ibalik siya rito. Gagamitin ko ang aking kapangyarihan upang ika'y kanyang mapanaginipan . Subalit kailangan ko ang iyong dugo upang umepekto ang aking ritwal".mahabang sabi nang babae.
"Ano ang kinalaman nang isang panaginip?"takang tanong ng binata
"Ang panaginip ang siyang magbabalik sa kanya Zebadia, ito din ang magsasabi sayo kung saan siya naroroon"sabi ng babaylan.
Agad na kinuha ng binata ang kutsilyong nakasabit sa kanyang bewang at sinugatan nito ang kanyang palad hanngang sa tumulo na ang sarili niyang mga dugo.
"Dali , hayaan mong tumulo ang iyong mga dugo sa kristal na ito"sabi ulit ng babaylan
Pinatulo ng binata ang kanyang mga dugo sa bilog na kristal , tila tinitiis ang hapdi nang kanyang sugat.
Madaming dugo ang tumulo at nagsalita ulit ang babaylan.
"Itigil mo na yan sapat na ang mga dugong ito".
At gumuhit ng isang cast circle ang babaylan. Muling umilaw ang mga mata nito.
Ang binata ay minamasdan nang mabuti ang ginagawa nang babaylan."Makining ka nang mabuti sakin bata. Sa halos isang siglo na akong nabubuhay at ginagawa ito . Hinde malinaw ang aking nakikita sa aking mga mata. Ngayon isa lang ang nasisigurado ko, kayo ay nakatakda nang magkita sa bawat panaginip niyo , Hinde niyo kailangan aking tulong".mahabang paliwanag ng babaylan.
"Pa-paano niyo po yun nasabi?"takang tanong ng binata na tila naguguluhan.
"Ang kapalaran niyo ang maghuhusga sapagkat ito lamang ang makakasagot sa tanong mo bata"
"Ang kapalaran,na siyang magtatakda sa inyong pagkita".ang mga huling sinabi ng babaylan.
"Sandali! Paki-usap ano ang ibig niyong sabihin?"pagpigil nito sa babaylan,ngunit tuluyan na itong nawala..
____________________________________________
There we goes, ang hirap mag-isip nang bagong Prologue. Sorry sa mga nagbabasa na neto ,Pero it's much better naman po ito hinde po ba?
Anyways, ie rerevised ko din pla yung chapter 1, ang lame kase.
Para mabasa niyo po siya nang mabuti kindly remove the story and add it again in your library. If do u see any typos and errors in next chapters ,pasensya po talaga,kung may time po ako ie-edit ko po yun para sa inyo.😊😉Guys!Comment naman po kayo!
I need your reaction in this chapter at sa chapter 1.FOLLOW!
COMMENTS!
VOTE !
Are appreciated!Baka matuwa pa ako sa feedbacks niyo .ie memention ko yung username niyo sa story ko.
Guys support niyo ko ha! Hehe.Enjoy Reading! See u sa next chapters.
-edje24
BINABASA MO ANG
Whisper of Fairy
FantasíaZittyshia Villamor , hindi man siya ipinanganak sa mundo ng mga Tao may mabuting mag-asawa ang nakakita sa kanya sa isang malaking puno sa tapat ng kanilang bahay sa probinsya noong nasa edad anim na taong gulang pa lamang siya. Walang maalala ang b...