I'm Briana Karylla Mendoza 17 years old Senior high school. I'm a working student. Since I was in my 4th year High school nag start na ko Mag work and simula ng magtrabaho ako hindi nako nanghihingi ng pera sa tatay ko ni singko.
Independent ako kasi Motto ko sa sarili ko na "Hindi habang buhay may taong nandyan para bigyan ako ng pangangailangan ko" kailangan ngayon palang maaga matuto nako sa sarili ko.
My mother died when I was in my Grade 7/ First year High school namatay sya dahil sa Cardiac Arrest.
Bago namatay si Mama hiwalay na sila ni Papa Broken Family kami.
3 kaming magkakapatid kay Papa Panganay si kuya Von Harvey, Ako, bunso si Wilther Duke.
Pero may isa pa kaming kapatid kay Mama yung pinaka panganay samin si Kuya Mark Jake na sa lola namin nakatira nabuntis lang si mama nung College Boyfriend nya unknown ang name ng Daddy ni Kuya.
Naghiwalay si Mama at si Papa Dahil nagloko si Papa iniwan nya kami nila Mama para sa babae nya masakit para samin yun pero wala eh anong magagawa namin.
At ang mas masakit pa dun sa mismong tabing bahay lang namin tumira si Papa kasama ang Kabit nya naiinis ako sa tatay ko hindi nya alam kung gaano kasakit sa nanay ko ang ginagawa nya.
Niloko na nga nya si Mama sa pambabae nya at Pag iwan aamin mas lalo nya pang ginago sa Pagtira nila sa mismong tabi ng bahay namin.
Umalis kami ng Nanay ko at ng mga kapatid ko sa bahay namin.
Pumunta kami ng Las Piñas para makituloy sa Bahay ni Tita Mia at pinatuloy naman kami. Kasama namin Dun ang mga pinsan ko sina Katherine,Elijah,Karisha at Erick at si Tito Erwin ang asawa ni Tita Mia.
Dun nagkatagpo ulit ang landas ni Mama at ang Lalaking Binasted nya nung College Days sya Dahil Panget.
Choosy kasi ang Nanay ko Mahilig sa Gwapo kaya Hindi nya sinagot yung manliligaw nya na si Andres Hate na hate nya yun kasi nga "Panget" pero san kayo.
Yung taong Kinaayawan nya dati na ilang beses nyang binasted at tinaguan
Halos isumpa nya noon. Eh yung taong nakatuluyan nya hangang huling paghinga nya na halos sumama sa kanya sa Libingan nya. Kaya naniniwala ako sa
"The more you hate the more you love"
Nagsama si Tito Andres at si Mama. Nagkaanak sila pinangalan nilang Andres Jr. ang bunsong kapatid namin
Kami naman ng kuya ko umuwi Nakituloy sya kina Lola sa mama ni Papa at ako Kala Papa kasama namin ang Step Mother ko.
Pinatuloy naman ako . Nalaman ko na may anak din pala ang Step Mother ko sa unang Asawa nya 3 sina Christopher, Misha at Marinella. Nasa Ama nila sila.
Pero isang beses Bumisita si Christopher sa bahay namin nila Papa tumuloy din sya ng ilang buwan sa bahay.
Mas matanda ako sa kanya ng isamg taon naging mag kaClose naman kami kunsabagay mas madali kasi talaga pakisamahan ang lalaki kaysa sa babae .
Nakasama ko sa isang Bahay ang Stepmother ko wala akong masabi sa kanya kung titignan mo sya mukhang masungit pero mabait sya.
Sya nga ang naglalaba ng damit ko eh. Napakalinis nya rin sa bahay. Nasanay na din ako sa kanya. Tinawag ko na syang Tita Patricia .
Then One day uuwi na si Christopher sa tatay nya sinasama nya si Tita Patricia umuwi sa bahay nila.
Sabi nya "Mama sumama ka na saken bumalik ka na kay Papa iwan mo na si tito".
Nagulat ako sa sagot ni Tita Patricia na kinatuwa ko at nagbukas sa aking isipan.
"Mahal ko kayo Anak pero hindi ganun kadali isuko yung ten years kahit ganyan yang Tito Marvin nyo mabaet yan. Parehas ko kayong Mahal"
Natuwa ako sa sagot ni Tita Patricia dun ko din naisip na tangap ko na sya para kay papa hindi kami pinili ni papa pinili nya si Tita Patricia pero si Tita Patricia ganun din ang Ginawa nya.
Siguro nga Mahal na Mahal talaga nila ang isat-isa gusto ko nga na magkaroon sila ng sarili nilang anak.Na maguugnay lalo sa kanila Kaso hindi na sila biniyayaan.
Dun ko rin napagtanto na "Kung Hindi talaga Kayo para isat-isa Hindi talaga"
Meron taong para talaga sayo, Meron lang taong dadaan sa buhay natin na akala natin sya na pero hindi pa pala. Kasi may mas deserve ka pa talaga.Dumaan lang sya maging lesson mo at hindi pa kayo talaga ang worth.
Naalala ko pa yung ng mga panahon Yung Mamatay si Mama
Flashback.
That time nakatira ako sa Lolo ko at tita ko kay mama kinuha nila ko para pag aralin at kapalit nun aalagaan ko ang bunsong anak ni tita na pinsan ko si Katrina. Merong 3 anak si Tita Beatriza si Elize,10 years old James 8 years old at Katrina 1 year old kasama ko si kuya Mark jake na doon nakatira .
Naliligo ako ng umaga na yun dahil papasok ako sa school.
Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si Tita Beatriza na umiiyak first time kong makita syang umiiyak dahil sya yung taong alam kong strong at hindi napanghihinaan ng loob .
Nagsalita sya Sabi nya " papasok ka ? Opo ? may pasok po ako.
Nagulat ako sa sinabi nya na nakapagpatigil sa mundo ko at nakapagpahina sakin .
"Wag ka ng Pumasok Patay na ang Mama mo "
Pumasok ulet ako sa banyo Dun ko nilabas lahat ng luha na hindi ko alam kung matatapos.
Isa lang ang nasa isip ko " baket ganun sobrang sakit kung alam ko lang sana .... kung alam ko lang sana...
pero pumasok parin ako sa school para magpaalam sa aking Guro kahit parang di ko na kaya gumawa ng kahit ano pang bagay.
Nakita ko si Ms.Corazon yung teacher ko na Masungit pero Mabaet sa kanya ako umiyak . Umiyak ako ng Umiyak pinatahan at niyakap nya ko.
sinabi nya "Tahan na Anak ,wag ka ng umiyak nandito pa ako, ako na ang mama mo.
Pagkauwi ko galing school pumunta ako sa Tita Mia ko sa Las piñas kung saan nakaburol si Mama habang papalapit ako sa pintuan ng bahay nila Tita Mia hindi ko alam kung kaya kong tumuloy at makita ang labi ng aking ina.
Nakita ako ng kaibigan kong si Jessa niyakapa nya ko upang daluhan sa aking pag iyak.
At inaayang tumuloy na sa bahay ni Tita Mia pero hindi ko kaya
"Ate jessa hindi ko kayang Makita si Mama .. Hindi Totoo please .. hindi totoo toh . ayokong makita parang awa mo na.
Pilit nya kung hinihila papasok "Tara Karylla ! kaylangan mong makita ang mama mo .
"Ayoko please ayokong makita hindi ko kaya hindi toh. totoo.
Pilit nya parin akong pinapapasok. "Kailangan ka ng Mama mo , Kaylangan mo aiyang makita totoo toh. at kailangan mong harapin at tanggapin ito"
Wala akong nagawa at sa huli pumasok ako nkita ko ang Kabaong na iyon kung nasaan si Mama natutulog hindi ko nagawang sumilip pero tumabi ako sa kabaong ni Mama.
Nakita ko si Kuya Harvey at Wilther bakas sa mata nila ang luha.
Hangang sa ilang mga araw na pag kakaburol . Nailibing na nga si Mama at ilang mga kamag anak at kaibigan ang Nakipag libing. Halos hindi ko kinaya ni Tito Andres iyon. Buti na lamang at nandyan ang kapatid kong si Andres na alaala ni Mama para sa kanya.
End of Flashback
Sa sobrang daming nangyari sa buhay ko siguro nga matured nako.
Pero Im still young when it comes to so called love.